(8) Nakuha mo ba?

16 2 2
                                    

Lloyd's POV

"ANO???" -bakit? Bakit naman kailangan namin magpanggap?

"Pards ang taas ah! , eh yun yung sabi ni Yorah eh! Kailangan daw natin magpanggap bilang shota nila,"-okay sana kung si Pards shoshotain ko eh! Kaso si Yorah, hmm, sabagay maganda naman siya,

"Eh Pards? Pumayag ka naman ba?"-tanong ko kay Mae

"Di pa, sabi ko kasi sasabihin ko muna sayo"-minsan talaga, kinikilig din ako, pati naman lalaki kinikilig diba? Di lang pinapakita,

"Eh ano yun? Babayaran tayo?"

"Kaloy! ROCKET nga diba? Babayaran tayo nun, yayaman ng mga yun eh"-sabagay, magpapanggap lang naman diba? Okay na din yun, para magkapera, wala naman sigurong masamang gagawin

"Sige payag ako"-pumayag ako di lang para sa pera, eto na din pagkakataon ko para makita kung magseselos si Mae, at kung oo, aaminin ko na sakanya yung totoong nararamdaman ko.

"P-payag ka?"-tumango naman ako sa tanong niya

"Bakit?"-tanong ko naman sakanya

"Huh? Eh wala, sige okay na yun, (may inabot siya sakin) oh! Ayan yung number niya, kontakin mo na!"-kinuha ko naman yun at nagsimulang magtext, wala akong lantawag eh

Habang naghuhugas si Mae ng pinag-agahan namin nag-iisip naman ako ng sasabihin kay Yorah.

To: Yorah

Yorah! Si Kaloy 'to payag na kami ni pards, tutulungan namin kayo, basta magpapanggap lang ! Walang totohanan!

Sending........

Sent

"Pards nagtext na ko!-pagkasabi ko niyan nagvibrate naman agad yung cellphone ko.

"Hmm, pards nagreply na siya,"

"Ang bilis naman?"-siya

Binasa ko naman ng malakas para marinig ni Pards, wala si nanay kasi may trabaho,

From: Yorah

Oh MY G!! AS IN OMYGOSH! REALLY?  Kyaa! This is gonna be fun! Okay lets meet today! At Sm QC ! 11:00 am sharp! Sa foodcourt nalang tayo magkitakita! Okay? See you soon! Muah!! :*

"Aba? Today na agad?"-mae

"Oh pano? Liligo na ko?"-tanong ko, tumango naman siya

Pagkaligo ko, naligo na din siya.

Pagkatapos niya maligo nag-ayos na kami at tsaka bumiyahe. 10:18 na rin kasi,

"Pards! Di kaya masyado tayong maaga?"tanong niya

"Di naman!"-ako.

Pagbaba namin ng jeep pumasok na kami kaagad at pumunta na sa food court. Kaso masyado kaming maaga, 10:32 palang kasi,

"Pards! Gala muna tayo wala pa naman sila"-sabi ko,

"Sige ba!"- naglalakad kami nang parang gusto ko siyang akbayan,

Dahan dahan kong nilalagay yung kamay ko sa balikat niya kaso bigla siyang humarap at nagsalita.

"Kaloy! Mantrip tayo!"-mantrip? HAHA! Dito talaga sa sm? Madalas sa kalsada kami nantitrip, pano yan may guard dito?

"Eh baka mahuli tayo dito?"

"Sus! Ano ka ba? Wag ka ngang duwag ! Di yan ako bahala sayo!"-kung sa iba lalaki ang malakas ang loob sa ganto, saming dalawa ni Pards siya mas matapang. "Tara na kasi !!!"-hinatak niya ko at sinabi ang plano, at dahil mahal ko siya, BILANG KAIBIGAN AH! tumango tango ako at nakisabay sa trip niya.

Rocket Namin Ni Pards ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon