(7) Offer

9 1 1
                                    

Jericho's POV

Hinatak ako ni Kaloy, palayo sakanila,

At nang makalayo na kami at wala nang masayadong tao kinausap niya ko.

"Pare, alam ko di mo ko maiintindihan, pero pare ayoko yung nakita ko kanina"-kaloy

"Alin?"-mahinahon ko lang na tanong

"Pare, kasi, di ako mapakali 'e, naiintindihan ko naman na kaibigan mo din si Mae pero pare, parang iba yung tingin mo sakanya e"-iba tingin ko? Kay Mae? Bakit? Ano ba nagawa ko?

"Alam mo Lloyd, sabihin mo nalang yung gusto mo sabihin di ko main----"-di ko naituloy yung sasabihin ko dahil sa biglaang tanong niya.

"Pare may gusto ka ba kay Mae?"- kita ko sa mata niya na nag-aantay siya sa sagot ko, na kinakabahan siya sa isasagot ko,

"Lloyd, alam mo selos lang yan"-yan nalang ang sinabi ko

"Pare naman!"-umupo siya sa may bato, at tumingin sa malayo "Pare dapat sinabi mo sakin na may gusto ka kay Mae, (tumingin siya sakin) sige pare! Tutulungan kita sakanya" halata sakanya na malungkot siya.

Cool lang akong nagsalita at umupo.

"Lloyd di mo na ko kailangan tulungan" napakunot ang noo niya sa sinabi ko. " di ko naman kasi gusto si Mae"

"Huh? Eh ano yung pinag-uusapan niyo kanina bago magsimula yung tugtog natin? Yung mga tingin mo sakanya pare parang gusto mo siya"

"Lloyd, sinabi ko lang sakanya yung sinabi ni mommy sakin para mawala yung kaba ko, ikaw lang naman tong nagbigay ng meaning sa ginawa ko," napangiti kaming dalawa sa nangyayare

"Akala ko talaga may gusto ka kay Mae!"

"Sabi na nagselos ka eh!"

"Selos? Di ah! Nag-aalala lang ako!"-sinungaling talaga

"Nag-aalala saan? Haha! Magsisinungaking ka nalang Lloyd di mo pa ginalingan!"

"Oo na! Nagselos na!"

"Ayun! Inamin din! Halata naman kasi itatago pa, at sakin ka pa naglihim ah!"

"Wala naman nakakaalam ng nararamdaman ko para kay Mae eh, baka kasi masira pagkakaibigan namin pag sinabi kong gusto ko siya,"

"Gusto mo nga si Mae? Haha! Naknang pare! Nag-aantayan lang kayo!"

"Nag-aantayan? Anong ibig mong sabihin?"

"Wala! Sabi ko napaka manhid mo! Kung ako sayo, sabihin mo kay Mae yang nararamdaman mo bago ka pa maunahan!"

"Bakit? Uunahan mo ba ko?"-direktang tanong niya sakin

"Di 'no! Meron ako pare! Hindi si Mae!"

"Ahuh! Meron pala ah! Sino yan? Chixx ba?"-ngayon interesado na siya.

"Kailangan ba chixx?"

"Ayy pare! Sino yan at kailan pa?"

"Di ko pa naman siya gustong gusto,"

"Ah! Natitipuhan lang"-tumango ako at tumayo, ganun din siya "edi sino nga?"

"Si Yorah,"

"Naknang tokwa pare! Seryoso? Pano? Haha! Sabagay maganda naman siya,"

"Ewan, siguro kasi nakekwento na siya sakin"

Rocket Namin Ni Pards ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon