The Regret

7 0 0
                                    


If you love someone, be brave enough to tell him. Otherwise, be brave enough to watch him be loved by someone else.

Adopted

*****

April 27, 20__

To The Man Who Can't Be Moved:

Kahapon, gabi na ako nakauwi galing sa isang importanteng meeting. Oo, ganito ang buhay ko dito sa San Andres: maaga ang pasok sa trabaho at gabi na kung umuwi. Swertihan na siguro kung makarating ako sa bahay nang alas diyes ng gabi.

Habang naglalakad pauwi, hindi sinasadyang mapatingala ako sa kalangitan. And I was surprised to see countless stars. Kalian nga ba ako huling nakakita ng mga bituin? Ah, oo, huli ko silang napagmasdan nung magkasama nating inakyat ang kampanaryo ng simbahan sa parokya natin.

Naaalala ko pa no'n, para tayong baliw na nagmamadaling umakyat ng kampanaryo. Dahil palihim, ingat na ingat tayong huwag gumawa ng ingay kahit nagmamadali. Pero ikaw at yang maingay mong paa na halos kaladkarin mo na, wagas gumawa ng ingay.

Isa yan sa mga gabing hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Hindi lang dahil napakaganda talaga ng tanawin mula sa kampanaryo, kundi dahil na rin sa ikaw ang kasama ko.

Ewan ko ba, tanga lang yata talaga ako kapag kasama ka. Basta, may hindi ako maipaliwanag na nadarama sa tuwing malapit ka. Siguro nagsimula ito noong binigyan mo ako ng paper roses...o kaya siguro nung nagpresenta ka bilang tutor ko sa Calculus at tuwing Linggo tayo nagtuturuan...o kaya siguro noong kumanta ka ng The Man Who Can't Be Moved habang nakatingin sa akin...o siguro simula pa noong una pa lang kita nakilala.

Na-realize ko lang, sa dalawang sulat na nagawa ko para sa'yo, hindi pa ata ako pormal na nakakahingi ng tawad sa biglaang pag-alis ko. Ni hindi na nga ako nagbigay ng explanasyon kung bakit parang bula na lang ako nawala. Kaya heto, let me confess to you.

Wala talaga akong balak na umalis. Hindi ko pinlano na matapos nating maging magkaibigan nang halos tatlong taon, iiwanan kita. Kaya sorry kung bigla na lang isang linggo, hindi na ako umattend ng meeting sa civic group.

But at least, I think, I owe you an explanation. I was forced to leave the civic group because of my scholarship here in San Andres and partly because of Kuya Earl.

Hindi naman lingid sa kaalaman mo na bukod sa'yo, si Kuya Earl ang isa sa pinaka-close ko sa group. Minsan pa nga, nililibre n'ya ako ng ice cream after ng meeting natin sa group. Madalas, hinahatid niya ako mula sa simbahan pauwi sa bahay pagkatapos ng meeting natin. Napagsasabihan ko rin s'ya ng problema ko sa school at binibigyan niya naman ako ng maayos na payo. Pero, para sakin, wala kasing malisya ang lahat ng 'yon because I see a brother in Kuya Earl. Alam mo naman na hindi ko ka-close ang mga dalawang kapatid kong lalaki 'di ba? So ayun, pumapayag ako sa libre niya, sa paghahatid niya, dahil I see Kuya Earl as someone I can treat as an older sibling. Hangang ganoon lang 'yon.

Pero para kay Kuya Earl, may iba palang meaning lahat 'yon.

Nangyari yon five years ago. Exactly 4 weeks bago ako umalis, I learned something about Kuya Earl. To cut the story short, Kuya Earl showed up at our house, asking permission to court me.

Trust me. Kinilabutan ako upon hearing that.

Why? Because our age gap is 19 years. Kaya nga never kong naisip na may possibility na pumasok kami sa isang romantic relationship dahil una, he is way more matured than I am. Another reason ay ang laki nga masyado ng age gap namin. Hanggang "kuya" lang ang maibibgay kong pagtingin sa kaniya. Lastly, I do not want to entertain his courtship because you already occupied that special place in my heart.

When my parents and close friends learned about Kuya Earl and his plan to court me, they all suggested one thing: "Rosemarie, leave the civic group." Syempre, hindi ko agad sila sinunod.

Iyon ang dahilan kung bakit noong mga huling araw nating magkasama ay madalas akong may malalim na iniisip. Gusto ng mga magulang ko na umalis na ako sa civic group. Pero ayaw ko namang iwanan ka.

Yes, ikaw ang nag-iisang dahilan kung bakit hindi ko magawang talikuran ang civic group.

Hanggang isang araw, nakatanggap ako ng sulat galing sa University of San Andres. Pumasa raw ako sa scholarship exam.

Ang sabi ni Tatay, tanggapin ko na raw ang scholarship na iyon dahil wala na silang ipampapa-aral sa akin sa kolehiyo. Tutal, nasa San Andres naman sina Lolo at Lola, pwedeng doon muna ako tumira at makisama. Sumang-ayon naman si Nanay at ang mga kapatid kong noon ay nasa kolehiyo na rin.

Kaya right after graduation, umalis kaming pamilya papuntang San Andres. I thought, we were supposed to just pay a visit to Lolo and Lola. Pero nang malaman nina Lolo at Lola ang tungkol sa scholarship ko, hindi na nila ako pinauwi. Sina Nanay, Tatay, Lolo, Lola at ang dalawa kong kuya – lahat sila ay nagkasundong dumito na ako sa San Andres. I tried protesting. Kasi hindi man lang ako nakapagpaalam sa iyo. I really felt I owe you an explanation. But I was outnumbered. Anim sila. Isa lang ako.

Sa tingin ko, minabuti nina Nanay at Tatay na dito na ako tumira kasi gabi-gabing dumadalaw noon si Kuya Earl sa bahay. Eh, hindi naman siya gusto nina Nanay at Tatay para sa akin. Hindi ko naman ma-diresto si Kuya Earl kasi alam kong masasaktan siya. Kaya nang malaman ng mga magulang ko na nakapasa ako sa scholarship dito, tiningnan nila iyon bilang isang pagkakataon para mailayo ako kay Kuya Earl.

Sorry kung ngayon mo lang 'to malalaman. I really planned to call you or text you. Pero nanakaw ang cellphone ko sa bus. Hindi ko naman saulo ang number mo. Hindi kita ma-message sa Facebook dahil nagloloko lagi ang Internet signal sa San Andres.

Sorry kung after five years mo pa nalaman ang lahat ng ito. I'm so sorry.

Sorry kung nasaktan ka noong umalis ako nang wala man lang paalam. But promise, I was also tortured emotionally here.

Bakit? Kasi araw-araw na gumigising ako, nare-realize ko na malayo ka at nabubuhay ka nang wala ako. Kung nasaktan ka noong una, 'di magtatagal na masasanay ka na wala ako.

And that is what I regret: ang gumising ka ng isang araw na sanay ka nang wala ako sa buhay mo.

How I wish hinintay mo ako. I'll be there soon. I just hope you're right there for me, just like the old times.

From Rosemarie, with love.

From Rosemarie, With LoveWhere stories live. Discover now