"That I was born for you. It was written in our stars."
Born For You / David Pomeranz
*****
May 27, ___
To The Man Who Can't Be Moved:
Hindi ko alam kung bakit pa kita sinulatan. Hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng lahat ng sakit na dinanas at tiniis ko dahil sa'yo ay nakukuha ko pa ring magkwento sa'yo, kahit pa alam ko na hindi ka naman interesado, kasi sa buhay na ng ibang babae ang concern mo ngayon.
But love could really be this blind. So yeah, here I am again, telling you my stories.
Hindi ko alam kung ilang araw na akong walang maayos na tulog at matinong kain. Hindi ko na mabilang ang mga gabing hindi ako makatulog kakaiyak. Hindi naman sa kinokonsyensya kita, alam ko naman na wala kang kasalanan. Ako naman kasi yung tangang inosenteng umasa sa'yo. Basta hayaan mo na lang siguro akong magkwento. Kasi sa ganitong paraan lang nababawasan nang kahit kaunti ang lungkot na nararamdam ko.
Kanina, nag-iikot-ikot ako sa mall. Wala namang dumi sa mukha ko. Hindi naman butas ang suot kong damit. Maayos naman ang buhok ko. Pero pinagtitinginan ako ng bawat taong makasalubong ko.
So I went directly to the mall's restroom. And boom, mugtung-mugto pala ang mata ko. Para akong umiyak ng isang buong Pasig River nang dire-diretso.
Oo nga pala, kagabi, bumuhos na naman ang luha ko nang makita ko ang post mo sa Facebook tungkol sa first date n'yo ni Bea.
Ang sakit. Ang sakit isipin na kung hindi sana ako napaka-inosente dati, siguro ako ang ka-date mo at hindi ang Bea na iyon.
And that realization brought tears to my eyes. Tuloy, mag-a-alas tres na ng umaga ako nakatulog. Bukod sa sobrang sakit ng nakita ko, walang taong dumamay sakin dahil ako lang naman ang nakakaalam na nasasaktan ako dahil sa'yo.
Naalala ko tuloy yung araw na ikaw ang nagcomfort sa akin nung natalo ako sa SSG election noong third year high school.
Lakad-takbo ang ginawa ko noon paalis ng meeting room ng civic group. Halos hindi ko na makita nang maayos ang dinaraanan ko dahil may mga luha na nagpapalabo ng paningin ko.
Hindi ko kasi matanggap na ang bawat tao doon, matapos ang aming meeting, ay kino-congratulate si Ren bilang bagong SSG President. Oo, natalo ako ni Ren sa SSG election. Hindi ko magawang sumaya sa pagkapanalo niya kasi ako yung natalo. Ako yung loser.
It sounded so shallow for the others. But for me, it was everything I dreamed of. Not because of popularity and fame, but because of the feeling that finally, I would make a name for myself, away from the shadows of my siblings. The SSG Presidency is the key for my own separate identity, as Rosemarie Reyes myself.
But I failed. I had lost the key.
I continued running until I bumped into something – or should I say, someone.
It was you. Ikaw na laging late sa meeting at ngayon pa lang dumating ang nakabangga ko.
"Oh, bakit ka umiiyak?" you sounded so alarmed. Niyugyog mo pa ang balikat ko.
"W-wala 'to. Ah...eh...kasi sinisipon lang ang mata ko," I mentally slapped my face for the lame excuse.
Nang hindi ka na sumagot ay nakaramdam ako ng pagkakataon na tumakas mula sa'yo. Paano ba naman kita mahaharap kung napaka-wasted ng itsura ko?
I walked past you but after some steps, you grabbed me by my arm, swung me around to face you, and wiped my tears away using your handkerchief.
"C'mon, tell me what bothers you. Hindi pwedeng ngumangawa ka nang ganyan nang walang dahilan."
Without further chitchat, you dragged me inside the church and up to the bell tower. Oo, sa kampanaryo kung saan tahimik, kung saan ang malamig na ihip ng hangin ang humahalik sa pisngi kong basa na ng luha, kung saan kitang-kita ang buong kanayunan ng San Isidro habang papalubog na ang araw, kung saan tayong dalawa lang ang naroon.
"Spill it, Rosemarie. I want to know why you're crying," you looked me in the eyes.
And I felt like I was hypnotized. Namalayan ko na lang ang sarili kong nagkukwento sa pagitan ng mga hikbi. At mukhang naintindihan mo naman ang istorya ko kahit papaano.
Instead of seeing disbelief, sympathy was what your eyes reflect. And I was almost drowned with the concern I saw in your eyes, making me cry harder.
"Sshh, don't cry, Rosemarie. Everything's gonna be fine," sabi mo matapos kong magkwento. Iyak pa rin ako nang iyak. "Siguro hindi lang talaga para sa iyo ang pwestong iyon," you continued and hugged me.
Your warm embrace is enough to absorb the pain I felt that moment. You continued the hugging as I continued the sobbing. You never left my side.
And from that day on, I always felt something special about this bell tower. It's as if this place is the only witness of the invisible and unnamed connection we share.
As to its physical features, nothing was special about this place. May malaking kampana at may isang mahabang paikot na hagdan na tumutuloy sa choirloft. So I wondered why do I feel like home while I here?
Maybe it's because of your presence.
Treading down this memory is a tough stunt. First, because this is one of our memories together. Pangalawa, dahil hindi ko makakayanang isipin kung nadala mo na ba dyan si Bea sa kampanaryo.
I decided to go home. Kaysa maging topic ako ng gossips sa mall, sa bahay na lang ako magmumukmok. On the way home, the thoughts of you preoccupied me. Muntik na ngang lumampas ang sinasakyang kong jeep sa kanto ng barangay namin eh.
Ugh! You have no idea of how much you drive me crazy! Kapag naaalala ko ang pinagdaanan natin, I cannot help but smile. But then I realize, hindi ako yung nasa tabi mo ngayon. Ibang babae na ang kasama mo. And by just thinking of how she makes you happy is enough to break my heart.
You are the reason why my heart is broken. But ridiculously, you are the only person who could mend it.
I just wish you are willing to mend my heart.
From Rosemarie
YOU ARE READING
From Rosemarie, With Love
RomansaTo The Man Who Can't Be Moved, I still exist. Please notice me again. And if you're reading this, you're simply making my ultimate dream come true. From Rosemarie, with love.