"Oh if my voice could reach back to the past, and whisper in your ear, oh darling i wish you were here."
Vanilla Twilight / Owl City
*****
May 2, 20__
To the Man Who Can't Be Moved:
Pasensya na, matagal bago ako nakasulat ulit. Ang dami ko kasing inasikaso dito sa San Andres. Malapit na kasi ang eleksyon kaya rumaraket ako sa mga kandidato, kahit bilang taga-bigay lang ng flyers sa bawat bahay.
Heto nga, ngayong gabi, online ako sa Facebook. Ang oily ko pala sa mga pictures namin sa kalsada! Nakakahiya.
Nakita ko yung latest post mo at yung mga post ng kaibigan mo na naka-tag sa'yo. Wow, nag-hiking pala kayo sa Mt. Banahaw? Nakita ko yung mga pictures mo. Nakakatuwang makita kang masaya kahit pa wala ako sa tabi mo.
Nagulat nga ako. Akala ko, inunfriend mo na ako. Ang tagal na kasi mula nong huli nating interaction sa Facebook. Mabuti naman at friends pa tayo J
Officemates mo ba yung mga kasama mo? Engineers din ba sila kagaya mo? Sana magkaroon ako ng pagkakataong makilala sila. i would be happy to meet the people who make you happy.
By the way, 'wag ka sanang magagalit dito sa mga susunod kong itatanong. I happened to see your photos with other girls. Isay. Monica. Cherry. Monique. Bea. Sino ba sila? Bakit nakaakbay ka dun kay Isay sa isang picture? Bakit parang yakap mo na yung Monica sa isa pang larawan? Nasaan kayo Cherry dun sa picture na halos maglapat na ang mga mukha niyo? Kaano-ano mo yung si Monique na nagpasalamat sayo dahil isinama mo raw siya sa Baguio? Kaibigan mo lang ba yung Bea na kasama mo sa profile picture mo at laging nila-like lahat ng posts mo? Sino . . . sino ba sila sa buhay mo? Sino ba sila sa iyo?
Pagpasensyahan mo na sana ako ah, ang dami ko kasing tanong. Siguro dahil namimiss ko na yung panahon na halos pareho tayo ng ginagalawang mundo, yung mga panahong tinatanong mo ako kung sino yung mga lalaking umaaligid sa akin, yung mga panahon na napapangiti mo ako sa pamamagitan ng palihim na pagkuha sa akin ng litrato, yung mga panahong ikaw ang number one fan ng corny jokes ko.
Ngayon ko lang to aaminin, but those were the best times of my life.
"Were," ibig sabihin, past tense. How i wish magagawa ko ulit yan na present tense.
Hindi ako magsasawang humingi ng tawad sayo. kahit pa hindi ko naman sigurado na nasaktan ka noong umalis ako, kahit pa hindi ko naman alam kung gusto mo pa ulit akong makita. I don't know, but every time I remember that day when I left, I never fail to get hurt. Well, up until now I am still hurting. I get hurt every time I realize that your world is continuously turning even if I'm away from you. Masisisi mo ba ako kung ganito ako ka-sentimental? Eh, halos iparamdam mo na sakin dati na mahal mo ako. The song. The paper roses. The stolen pictures. The crying shoulder. Everything. Everything about you. Everything about us . . . kahit hindi naman confirmed if there had been an "us."
Perhaps, the main reason kung bakit ako bothered hanggang ngayon ay hindi yung pag-iwan ko sa iyo, but it was the fact that I left without even clarifying kung ano nga ba "tayo"?
But does our label still matter today? May halaga pa ba yan kahit na parang may iba nang nagpapasaya sa iyo?
Sana sa pagbabalik ko d'yan sa San Isidro, makapag-usap tayo para naman mabigyan na ng sagot ang lahat ng tinanong ko sa iyo.
How I wish I could be there soon.
And how I wish I have the courage to accept your answers, even they are not in my favor.
From Rosemarie, with love
YOU ARE READING
From Rosemarie, With Love
RomanceTo The Man Who Can't Be Moved, I still exist. Please notice me again. And if you're reading this, you're simply making my ultimate dream come true. From Rosemarie, with love.