Maybe it's wrong to say please love me, too, 'cause I know you'll never do. Somebody else is waiting there inside for you. Maybe it's wrong to love you more each day, 'cause I know she's here to stay.
But I know to whom you should belong.
Maybe / King
*****
June 7, 20___
To The Man Who Can't Be Moved:
Bula. Yan ang katulad ng lahat ng 'tapang' na inipon ko sa muling pagkikita natin. Tapang na akala ko ay sapat na para makayanan kong harapin ka nang hindi nanginginig ang tuhod ko. Pero tulad ng bula kapag nahipan nang malakas na hangin, bigla-biglang nawala ang tapang ko nang makita kita kanina sa simbahan. Masaya ka. Kasama siya.
Kahit nasa kabilang bahagi ka ng simbahan, sa kanan ng altar, dahil nandoon ang mga kasama natin sa civic group bilang choir ng kasal ni kuya, hindi ko pwedeng hindi mapansin ang ibang kinang sa 'yong mga mata. Lalo na kapag tinitignan mo siya.
Oo, nasaktan ako noong una kong malaman na may girlfriend ka na. Kasi naghihintay ako pero ikaw pala ay nakahanap na ng iba. Umaasa lang pala ako sa isang taong hindi ako hinihintay. Pero mas masakit, oo sobrang sakit, na makita kayo sa harap ng dalawang mata ko na masayang magkasama.
Pagatapos ng seremonya kanina ay lumapit ako sa civic group. Lahat sila ay binati ako, maging si Kuya Earl na may asawa na raw ngayon. I think it's a good thing na nahanap na rin nya ang tamang taong magmamahal sa kanya. Binati kita kanina 'di ba? You just sounded ordinary. You sounded so happy and contented with your life now. Ipinakilala mo pa nga sa akin si Bea.
And when I looked at the two of you, realizations struck me.
First, you probably loved me. Loved. Past tense. Kasi kung paano mo ako tingnan dati ay 'yon yung nakikita kong pagtingin mo kay Bea ngayon. 'Yang ningning sa mata mo tuwing ngumingiti ka sa kanya, iyan mismo ang kislap na dati kong nakita sa iyo. You loved me alright. And knowing this fact is enough for me to stay silent and at peace.
Pangalawa, you love Bea. Love. Present tense. Siya na ang dahilan ng pagngiti mo. Siya na ang nasa likod ng kakaibang kislap ng mata mo. Siya na ang tinitibok ng puso mo. Siya na. Hindi na ako.
Matapang na babae si Bea. Bakit? Kasi nagawa niyang aminin ang pagmamahal niya sa iyo. Nagawa niyang suklian ang pag-ibig na inalay mo sa kanya. Hindi siya umiwas. Hindi ka niya pinaikot. Higit sa lahat, hindi ka niya iniwan.
Mahal kita. Oo hanggang ngayon mahal pa rin kita, kahit may mahal ka nang iba. Pero dahil mahal na mahal kita, ayaw kong mawala ang ngiti sa mga labi mo. Ayaw kong maalis ang kislap sa mga mata mo na alam kong si Bea na ngayon ang dahilan.
Kaya kahit mahirap, kahit alam kong ako yung iiyak, sige na. Hahayaan na kita. Mahalin mo na siya. Gusto kitang maging masaya kahit pa hindi ako yung dahilan ng kasiyahan mo.
Ako na lang ang lalayo, na parang bulang biglang pumutok at naglaho, na parang alikabok na dahan-dahang hinihipan ng hangin palayo, na parang isang lobo na unti-unting tumataas sa kalangitan hanggang sa hindi na abot ng tanaw mo.
Mahal kita ng sobra kaya kakayanin kong magparaya, because you deserve to be loved and cared for.
And although I want to be that lady, I can't. You already chose her.
Siguro 'dati' ang panahon natin. Iba na ang 'ngayon.' I just wasted my chance on you. And now I am paying the price.
Mali rin naman ako. Dahil umasa ako sa wala. Kaya heto, nasasaktan ako. Kung iisipin kasi, wala ka namang sinabi na "I love you, Rosemarie. Hihintayin kita hanggang sa handa ka na ring mahalin ako." Wala namang ganyan 'di ba? Kaya hindi rin kita masisisi o masusumbatan na 'paasa' dahil hindi mo ako pinaasa. Ako ang umasa. So please, kung mababasa mo man ito, don't feel guilty.
Let me say this for the last time: I love you. I really do. But it's time for me to say goodbye to this feeling.
Kasi nasasaktan na rin ako. I think I have to move on, kahit wala namang naging 'tayo.' It's just that this feeling is too strong to break my heart all by myself.
So yeah, I'll be going. To where? I also don't know. I also think that this is the last time I'm writing to you. I just hope you can read this.
I still exist, though I know you won't notice me again (the way you did before).
And if you're reading this, you're just making my ultimate dream come true.
Good bye.
From Rosemarie With Love.
YOU ARE READING
From Rosemarie, With Love
RomansaTo The Man Who Can't Be Moved, I still exist. Please notice me again. And if you're reading this, you're simply making my ultimate dream come true. From Rosemarie, with love.