The Affection

9 0 2
                                    

Love is the highly desirable malfunction of the heart which causes the blood pressure to rise, blood vessels to restrict, cheeks to turn red, eyes to sparkle, and heart to beat abnormally faster than usual.

Anonymous

*****

April 23, 20__

To The Man Who Can't Be Moved:

Kanina, pinatutugtog ng kapitbahay namin 'yung isang kanta ng The Script. At bigla akong natigil sa ginagawa kong pagluluto. Una, dahil wala sa tono ang gitarang gamit nila. Ang sakit sa tainga! Pangalawa, naalala na naman kita.

Ikaw pa rin ba ng gitarero everytime may outing ang mga kasamahan natin sa civic group? May naaral ka bang mga bagong kanta, o walang kamatayang The Man Who Can't Be Moved pa rin ang tinutugtog mo?

Natatandaan mo pa ba yung unang beses mo akong kinantahan? Ako kasi, hinding hindi ko malilimutan iyon.

23rd of October 2011, Sunday, 2:00 P.M. Araw ng Linggo at as usual, may meeting tayo sa group. Dahil kokonti pa lang tayo – ako, si Ren, ikaw, si Martin, si Momoy, si Cristina at si Earl – hindi pa nagsisimula ang meeting. Kaya naman nag-uusap kami ni Ren tungkol sa mga latest happenings sa school like celebration of teachers' day and early plans for the foundation week. Ren and I were so engrossed in the conversation but just out of the blue, I looked at you.

Call it intuition or anything. Basta na lang may parang isang maliit na boses ang humila sa leeg ko at lumingon sa aking kaliwa kung saan nagkakantahan kayo ng iba pa nating kasamahan.

And there you were, singing flawlessly with the guitar in your arms. Dahil tumatama ang sinag ng araw sa tamang anggulo sa iyo at ang hangin ay nililipad ang may kahabaan mong buhok, the scene is almost magnificent.

But guess what's more magnificent?

Kumakanta ka nang nakatitig sa mga mata ko.

The song you played and sang, The Man Who Can't Be Moved, seemed to be yours and only yours. You have a good voice and I was surprised on how well you play the guitar even though you don't break our eye contact.

Then suddenly, my heart beat an irregular rhythm. And it was so strange. I was amazed and scared at the same time. Amazed, because you are the first person who made me feel this way. Scared, because I do not know anything about this emotion.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin. So I broke the eye contact.

Matapos ang ilang minuto ay kumakabog pa rin ang dibdb ko. Mula sa peripheral vision ay nakikita ko pa rin na titig na titig ka sakin. I tried talking to Ren again. But I failed. Paano, ang mga mata mo pa rin ang nakatatak sa utak ko.

"And you'll come running to the corner, 'cause you know it's just for you. I'm the man who can't be moved...I'm the man who can't be moved," narinig kong pagkanta mo.

Hindi na ako nakatitiis, sinulyapan kita. And I was again surprised to see you looking at me. Bumilis din ulit ang tibok ng puso ko.

For the second time, pinutol ko ang eye contact natin. Para kasing may matinding emosyon na bumabalot sa pagkatao ko, na sinasakal ako, na alam kong napakalakas pero hindi ko alam kung paano ko kokontrolin.

But one thing is for sure: this is the first time I felt like this for a guy. At sa'yo ko pa lang ito naramdaman.

Hanggang ngayon, makalipas ang ilang taon, hindi ko pa ulit ito nararamdaman sa ibang lalaki. Bakit kaya? Ano ang mayroon ka na wala sila?

Sana sa susunod na magkita tayo, matutugtugan mo ulit ako ng kantang 'yan. Dahil iyan ang ugat ng lahat. 'Yan ang ugat ng musmos na damdaming nadama at nadarama ko para sa'yo.

Uhm, gusto ko lang sanang malaman, may ibang babae ka pa bang pinag-alayan ng kantang iyan? Tinugtugan mo rin ba sila habang nakatingin sa mga mata nila? Alam kong wala ako sa posisyong magtanong, dahil kaibigan mo lang naman ako. Pero sana sagutin mo.

O kahit 'wag na lang din. Sige, huwag mo nang sagutin.

Pero kahit sagutin mo, ayos lang din.

Pasensya na, ang gulo ko ata. J

Sana sa pagbalik ko, maririnig kong muli ang kanta na 'yan na kinakanta mo...para sa akin. Sana maramdaman ko ulit 'yung "invisible connection" natin na dulot ng kantang 'yan ng The Script.

Higit sa lahat, sana marinig ko mula sa mga labi mo kung ano ba talaga ako sa iyo.

Sana kapag nagkita tayo, ikaw pa rin 'yung taong nakilala ko dati.

Dahil simula noong umalis ako, iisa lang ang iniisip ko: mahihintay mo pa ba ang pagbabalik ko?

Love,

Rosemarie


PS: Tinabi ko lahat ng paper roses na binigay mo sakin tuwing Valentine's day. That's a total of three red paper roses – symbolizing the three Valentine's Day we shared together sa civic group. At hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako na sa dinami-dami ng babae sa group, bakit nga ba ako lang ang binigyan mo ng paper roses?

PPS: Nasa akin pa nga pala yung libro mo sa Calculus, yung pinahiram mo sakin noong high school ako at namomroblema sa subject na Integral Calculus. Salamat nga pala. Isasauli ko na lang kapag nagkita ulit tayo. I just hope we see each other soon.

From Rosemarie, With LoveWhere stories live. Discover now