Surprise

177 8 1
                                    

A/N: Nahihirapan na ko mag write ng pure tagalog ngayon pag pasensyahan lol and ang corny rin nito alam kong pagsisisihan ko to pero kailangan ko na talaga mag post dito bc ily all so yeah enjoy! (important author's note sa huli)
---

"Sige na, Kyo. Last na talaga to promise!" Pagmamakaawa sakin ni Ai.

Pinipilit na naman kasi ako pumunta sa simbahan mamayang gabi para daw manood ng fireworks kasi fiesta ngayon. Since lumipat ako sa school ko ngayon nung first year high school, lagi na kong kasama ni Ai sa panonood ng fireworks tuwing fiesta. Fourth year na kami ngayon, hindi ba sya nagsasawa sakin?

You see, matagal na kasing umamin sakin si Airell about sa feelings nya. Actually nung first time namin na manood ng fireworks together dun sya umamin eh. Of course sa una nagulat ako. And well, I kind of rejected her. May iba kasi akong gusto that time, si Kacey. Sadly, may gusto syang iba. To be honest sya parin ata gusto ko hanggang ngayon. Siguro yun ang dahilan kung bakit hindi ko pa masagot si Ai.

Yes, that's right. Masagot. The next day kasi simula nung nareject ko sya...

"Ni reject mo ko, Kyo. And alam ko kung bakit. So please hayaan mo ko manligaw at tulungan ka na makalimutan sya!"

Sinabi nya yun sakin pagkapasok na pagkapasok nya sa room na narinig ng lahat. At dahil ayaw ko naman maging jerk sa harapan ng mga kaklase ko eh hinayaan ko na sya.

Minsan nagi-guilty din ako kasi hinayaan ko ang isang babae na magpakababaw at manligaw. Pero yun ang gusto nya eh. We stayed friends naman while "nanliligaw" sya. And to be honest, naging isa sa mga importanteng tao na sa buhay ko si Ai. Para syang best friend na laging andyan tuwing may problema ako. Hindi ko lang talaga alam kung may feelings ba ko sakanya o wala. Feeling ko kasi may gusto pa ko kay Kacey eh.

"Ai, three years in a row na natin napanood yang fireworks. Busy ako mamayang gabi eh." Sabi ko sakanya habang naglalakad kami pauwi. Magkalapit lang kasi bahay namin.

"Kaya nga last na natin yon. Dali na, Kyo!"

Bumuntong hininga na ko at tumango. "Sige na. Last na yon ha."

Pagkasabi ko naman nun agad syang tumalon at ngumiti ng pagkalaki laki. "Yay! Promise ah. Nood tayo." Sabi nya.

"Yes po."

"Thank you, Kenneth Yohan."

"Tigilan mo nga pangalan ko, Airell Malia." Panukso ko naman. Hindi naman talaga ako busy mamaya. Narinig ko kasi na pupunta din daw si Kacey mamaya sa simbahan kasama yung boyfriend nya. Ang magagawa ko nalang mamaya eh iwasan sila at magenjoy kasama si Ai.

***
Ai's Point Of View

Okay okay. May dalawang oras pa ko para mag prepare sa annual semi-date namin ni Kyo. Yeah I consider it as a date pero masisisi nyo ba ko? Diba mahirap hindi umasa sa mahal mo.

Oo mahal ko si Kyo. Since first year pa simula nung tinulungan nya ko malampasan ang depression.

Uwian na kasi nun at kakatapos lang ako kausapin ng adviser namin tungkol sa grades ko. May muntik na kasi ako ibagsak na subject na napaka rare para sakin. Sobrang pinapahalagahan ko kasi ang studies ko. Kaya nung nalaman ko yun talaga bumaba yung self esteem ko. Super insecure rin talaga ko pagdating sa itsura ko. Kaya ang tingin ko tuloy sa sarili ko nun wala ng kwenta. Panget na nga bobo pa. Buti nalang andun si Kyo para iparealize sakin na... may worth naman pala ko kahit papano.

Nakaupo ako at umiiyak nun magisa sa classroom ng biglang pumasok si Kyo.

"Hay nakalimutan ko pa nagiisa kong ballpe–" Napatigil sya nung nakita nya ko. "Ai? Ai, ano nangyare?" Tanong nya habang papalapit sakin, para talaga syang nagaalala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

looking for sunlight ; one shot compilation (fil)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon