Ang support group

719 5 2
                                    

Aray..ang sakit pala ng sapatos na ito...ouch...ouch...ouch... :'(

Palibhasa mumurahin kaya ang init sa paa! Natuklap na yung balat ng paa ko sa likod... aguy naman...

Heto na nga ba ang sinasabi ko...may kalakihan na nga ang binti at balakang e nag-ambisyon pang magtakong. Ay! Sus! Kaya ngayon, nakaupo si ambisyosa este si Diyosa sa bench malapit sa caf ng school. Lingid sa kaalaman ng bruha este ng bida na pinagtatawanan siya ng grupo nila Cruella Deville I mean, nila Ella David ang sikat na pamangkin ng College Dean sa San Labisan College.

Oopps! Before we even go there, kilalanin muna natin ang ambisyosang bida.

Diyosa Sumagaysay. Seventeen years old at ulila na sa ama. Ang bunso sa dalawang anak ng baldadong ina na si Ligaya. Ang nag-iisang kapatid ni Diyosa na si Goddesa ay nakapag-asawa ng isang hapon may dalawang taon na ang nakakaraan. Wala na silang balita dito. Ilang balde rin ng pasensya at pagmamakaawa ang binuhat at inipon ni Diyosa upang mapilit at mapakiusapan ang tiyuhin sa ama na tulungan siyang makatuntong sa kolehiyo kapalit ng pagtatrabaho niya bilang kahera sa Hardware store nito.

Napasimangot si Diyosa ng mapansing may isang grupo ng kababaihan ang nakatingin sa kanya na nagtatawanan..

Kahit hirap na hirap ay pinilit nyang tumayo papunta sa mga ito...

"Excuse me? What's funny?"

Lalong nagtawanan ang mga ito. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa ng babaeng maganda ngunit mataray ang pagmumukha.

"You're excused...Sorry, Who are you?" nakataas ang kilay na tanong nito. Nagbubungisngisan pa rin ang mga kasama nito.

"I'm Diyo..."

"Uy! Pinsan! Andyan ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap! Sorry ladies ha. Kakaluwas lang kasi galing province e...hehehe..." mas nagtawanan pa ng malakas ang mga babae. May narinig pa akong "poor commoners, hahaha" bago kami makalayo dahil hinila ako papalayo ng hindi ko kakilalang babaeng ito.

Magsisimula na sana akong magalit at dumakdak ng pigilan ako nitong magsalita...

"Whop! una sa lahat hindi tayo magkakilala pero ako si Denise at hindi rin tayo magpinsan pero kung magpapasalamat ka dahil iniligtas kita kanina sa kapahamakan e malugod kong tatanggapin ang 'thank you' mo"

Naguguluhan ako. Ako? Magpapasalamat? E halos mabali yung takong ng LV kong sapatos(weh? di nga?) nung kaladkarin ako nito.

Magsasalita na sana ako ng may isang babae at lalaki pa ang dumating.

"Hay naku ate! Buti na lang nakita ka namin kundi kinawawa ka tiyak nung mga iyon..."

Ha??? Ano ba itong mga ito?

"Ahm...Sino ba kayo?" sa wakas nakapagsalita ako.

"Ay sorry, Ako nga pala si Ep,  siya si Denise and of course the love of my life, Basho." naglahad ng kamay si Ep at yung Basho. Nakakagood vibes ang ngiti ng dalawang ito.

"Ehem...Ehem...Ehem... baka naman gusto mo nang makilala ang heroin na sumagip sayo?" at umarte pa ito na parang siya si Mr. Suave.

Nginitian ko na rin ang mga ito at nakipaglahad ng kamay. Nagkakwentuhan kami saglit at  napag-alaman kong magkakaklase pala ang mga ito simula pa nung highschool. Niyaya nila akong kumain sa labas pagkatapos ng klase pero kailangan ko nang umuwi dahil malapit na ang oras ng pasok ko sa hardware ng tiyuhin kong buwaya este tiyuhin kong si Buwado.

Sinabi ni Ep sa akin na kung meron akong dapat na iwasan sa San Labisan College, ito ay walang iba kundi ang grupo ni Cruella Deville I mean, Ella David. Bully daw ang mga ito at namamahiya ng mga simpleng tao lalo na kung loner at walang kaibigan sa school pati na rin kung newbie... Hmmm... Malditang babae yun ah. Hmp!

Ikaw ang Ezra sa puso koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon