Nasa last subject ako na Computer class ng marinig kong tumunog ang aking cellphone :
Gud am Diyosa (*^_^*) Makakasama ka ba? If oo, kita tyo ng 11:30 sa main gate. Txt kna lng - Ep
Napangiti si Diyosa. Kung meron siyang maituturing na day off bukod sa araw ng linggo, ito ay ang araw ng Miyerkules dahil complicated ang schedule nya sa eskwela. Pagkatapos ng tatlong morning subjects nya ay may PE subject naman sya ng 3 in the afternoon at Law subject ng 6:30 ng gabi kaya bago pa man magpasukan ay nai-settle na nila ito ng buwaya I mean ng kanyang Tiyo Buwado.
Alam nyo ba kung bakit buwaya ang tawag namin ni Diyosa dun? Dahil...
Kasi...
ah basta madrama kaya si Diyosa na lang ang hintayin ninyong magkwento... Chao!
Tamang-tama ang txt ni Ep. After 1 hour out na ako. Then siguro after namin bumili ng gamit e kakain na ako ng lunch tapos library na para makaresearch ng assignment. Ang wallet ko ay parang sibuyas. Sa tuwing tinitingnan ko, naiiyak ako. Kaya tipid lang talaga ang susi sa kahirapan. Hindi bale, pag sumahod na ako sa susunod na linggo ay milyonarya na uli ako. Makakapagpatayo na ako ng building sa Ayala kung saan kukunin ko si Zobel na stockholder ng aking ilalaunch na negosyo. Walang iba kundi ang : Diyosa's heavenly lingerie. Mga linya ito ng bra, underwear panties and nighties for sexy women like me and Take note! Ako ang model. Hahahahaha! I'm the sexiest Entrepreneur sa buong pilipinas with a vital statistics of 29-38-38. O! Anong sinabi nila Anne Curtis sa akin??? Ha!
"Miss tawag ka ni Sir!" Ay! Ano daw yun??!! OMG. Sa tuwing nagda-day dreaming ako lagi na lang may pumupuna sa akin... Ang hirap talaga maging kaakit-akit.
"Good morning Sir..." bati ko. Bakit kinabahan ako bigla... Shocks...
"what's your name?" seryosong tanong nito.
"Diyosa Sumagaysay Sir..." sinubukan kong ngumiti baka ngumiti rin ito ngunit parang nasuya pa ito sa ginawa ko... Helpmeged...
"Miss Sumagaysay, could you please repeat what I just said, exactly 50 going 60 seconds ago about the importance of this subject?" seryosong sabi nito. Ay Josku! Gustong duguin ng matres ko sa paraan ng pagtatanong nitu...
Muntanga akong sumagot...Helpmeged talaga!!! "ahm...ahm...This subject is important because...because...ahm...once we graduated in college and apply for a job or set up our own business; Using a computer or its basic applications is a requirement in almost every field even where it is most unexpected. That is why this age is called as the era of IT because we simply cannot imagine a world without computers. Its tools are not only for engineers and scientists but also they are being used by millions of people around the world. " Ha! Kung ihahalintulad ang sagot ko sa isang contestant sa beauty pageant, korona at sash na lang ang kulang ay winner na winner na ako.
"That is not even near to what I said. So next time please listen and digest every single word that I would say because I don't talk here infront for no reason. Are we clear on this Ms. Sumagaysay?" Emeyged! Kung may magic wand lang ako para magdisappear ay kanina pa ako nawala dito. Huhuhu! Akala ko makakalusot na ako... Ang sungit naman nito! "Yes sir..." sabay yuko. Hmp! Pag yumaman ako hindi ko ito iimbitahan sa launch ng Lingerie business ko. Grrr!
Kung may maipagmamalaki man ako na katangian yun ay ang pagkahusay sa pagsasalita ng Ingles. Hindi man ako sobrang talino pero hindi ako hirap magsalita ng banyagang lengwahe. Nung minsan nga na may amerikanong customer sa hardware ni Tiyo Buwado ay agad akong tinawag nito dahil hindi sila magkaintindihan. Nasa ganito akong pag-iisip ng biglang may nagtaas ng kamay at sinabing:
![](https://img.wattpad.com/cover/8773825-288-k121692.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw ang Ezra sa puso ko
Chick-LitSabi nila bawat isa daw sa atin may nakalaan na magmamahal at mag-aaruga E paano kung yung taong yun nakayuko at nagsisintas ng sapatos sa kalsada nung tumawid ka sa harap nya? o kaya e... Nagbubura ng blackboard nung napadaan ka sa classroom nila? ...