Favorite Class

108 3 0
                                    

Dahil Business Management ang course ko, meron din akong accounting subject.

Ito na ang last subject ko for Tuesday. Marami ng tao sa classroom pagdating ko. Buti at wala pa yung professor. Maglalakad na sana ako papunta sa dulong column ng classroom ng mapansin kong may babae sa likod na kumakaway sa akin.

"Ep! Basho!" nginitian at nilapitan ko ang mga ito. Iminuwestra ni Ep na maupo ako sa katabing upuan nito.

"kasabay ko si Denise pumunta dito. Dun lang sya sa kabilang room"

"oo. may dinaanan kasi sya kanina kaya nauna na kami" sabi ni Ep. Nakangiti lang si Basho. Palaging nakatahimik ito at palangiti. Sa tingin ko bagay ang ugali nilang dalawa sa isa't-isa. They compliment each other.

Magtatanong pa sana ako nang dumating na ang aming propesor. Isang matangkad na lalaki na nasa late 50's ang edad. Payat ito na maputi at nakasalamin sa mata. Nakaputi itong long sleeves na may kurbata.

"Good morning Class! This is English Literature, hindi ba?" sumagot ang ilan na hindi at sinabing Accounting One ang ineexpect namin.

Tumawa ito at sinabing biro lang. Nagtawanan ang ilan.

"Okay. I will introduce myself for formality purposes and I require all of you to do the same after. Once it's your turn there's no need to go at the front but please stand up so your classmates can see your beautiful and handsome faces." nagpause ito ng ilang segundo sabay sabi ng: "Uuy... naniwala naman sila..." tukso nito. Nagtawanan kaming lahat.

Nagsisimula ng magpakilala ang mga classmates namin sa harapang row. Nagpakilala ang prof namin na si Theofilo Laubregat. Mukhang kalog ito kaya natuwa ako. Sana maging masaya ang klase namin para sa isang komplikadong subject gaya ng accounting.

Isang row na lang at kami na ang susunod ng bigla akong napalingon sa lalaking nagpapakilala ngayon.

Parang nagslow motion ang nasa paligid ko at nagkaroon ng background music sa aking isip: ♪Mapapansin mo ba kaya ang tulad ko ♪Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata..

(Chinito by Yeng Constantino)

Emeyged. Ang cuuttte nito.

Semi kalbo...

Chinito...

Maputi...

Naka braces yung ngipin...

Malinis tignan...

Maayos manamit...

♪Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin O! Chinito... Chinito...

Nasa ganoon akong estado nang maramdaman kong tinatapik at tinatawag ni Ep ang atensyon ko. Anu ba 'to... Istorbo nemen...

Nang lingunin ko ito at tanungin kung bakit ay itinuro nito si Mr. Laubregat na nakatunghay sa akin sa harapan ng classroom.

Doon ko lang napansin na lahat pala ng tao sa room ay nakatingin sa akin. Hala! Bakit???

"baka matunaw si D.J sa titig mo, Miss" tukso ni Mr. Laubregat. Nagtawanan ang lahat at bigla ay kinabog ko ang strawberry sa pamumula.

"sir naman..." mahinang tugon ko sabay tungo. Shet naman...Nakakahiya 'to Diyosa...

"okay class, enough. Thank you D.J. Take your seat. Next please..." gusto ko na talaga lumubog sa kinauupuan ko... Out of  curiosity ay dahan dahan at pasimple kong nilingon si chinito este si D.J pala...hmmm... Nice initials...

Nakangiti ito habang nakikipag-usap sa katabi nya. Aaayiiiee...nakalabas ang braces nya dahil sa pagkakangiti. Cutie-cute!!!

"Ang cute nya diba. Crush mo na sya?" bulong sa akin ni Ep. "oo..." mabilis na sagot ko sabay ngiti "ha! huli ka! ahihihi" Ay! anu ba yun! bakit inamin ko! Nanlaki ang mata ko. "naku, Ep hi..hindi sa...sa ganun" tumawa ito ng mahina. "ano ka ba, wag ka ng mahiya sa akin. secret lang natin yun...hihihi" tiningnan ko ito. Naisip ko may ugali ito na kapareha ng kaibigan nitong si Denise. Parehas silang maloko. Yung malokong nakakatuwa. I can feel na mapagkakatiwalaan ko naman ito kaya ngumiti na lang ako.

Nang ako na yung magpapakilala ay nakangiti sa akin si Mr. Laubregat. Nahihiya tuloy ako.

"Good morning everyone. I'm Diyosa Sumagaysay. Freshmen. Taking up Bachelor of Commercial Science major in Business Management. My expectations in this class is to learn basic accounting, know how to use the ledger and familiarize my self  with accounting terminologies to apply it in my field if necessary." Ha! Nailed it!

"very well said Ms. Sumagaysay. How about your expectations with your classmates?" ngiting-ngiti ito kaya nagtawanan muli ang mga kaklase ko. "binibiro lang kita. Thank you Ms. Sumagaysay. You may take your seat. Next please." at nagpakilala na si Ep.

Pagkatapos magbigay nito ng mga requirements at assignment for the next meeting ay dinismiss na kami nito. TThS ang schedule ng Accounting One kaya mayroon kaming halos dalawang araw para kumpletuhin ang mga hinihingi nito.

Niyaya ako ni Ep na kumain after class. Sayang dahil may trabaho pa ako. Tiyak na magagalit ang buwaya este si Tiyo Buwado kapag na-late ako ng dating sa hardware shop. Nakakatuwa si Ep. Sinabi nya na kung may time ako bukas, pwede daw kami magkasabay na bumili ng mga requirements dahil wala daw siya makakasama. May work si Basho full time every Wednesday sa pinapasukan nitong coffee shop. Tinuturing nya akong kaibigan. Maswerte ako at nakilala ko ang mga ito. Samantala, papaalis na sana ako ng San Labisan College nang matanaw ko palabas ng gate ang grupo ng babaeng pinagtawanan ako nung nakaraang araw. Napasimangot ang nakakahumaling kong mukha. Sa totoo lang nainggit ako nung una dun sa Cru-Ella David kasi maganda siya, makinis at sexy. Bumagay pa dito ang wavy at mahaba nitong buhok. Well sexy din naman ako at... at ano...ahm...mabait at masipag hindi katulad nya na nambubully daw?! Hindi porket maganda ka sa panlabas na anyo ay gagawin mo na itong lisensya para makasakit ng kapwa sa kahit anong paraan. Isang bagay iyon na itinuro sa akin ni nanay. Umiwas na ako ng gate na dinaanan. Ayokong maka krus ng landas ang mga iyon. Sana payagan ako bukas ni Tiyo Buwado...  Hoping much!!!

Ikaw ang Ezra sa puso koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon