Priority: Studies

88 4 0
                                    

♪Bakit ba ang pungay ng bintana ng iyong mundo Isang ngiti mo lang sakin Ay baon ko hanggang sa pag-uwi Oh chinito♪Balang araw ay malalaman mo rin...

Nasa ganoong linya na ng kanta ang naririnig ng bruha este ni Diyosa nang dahan-dahang mapansin na nagiging tuyong dahon ang kanina'y mga pink na nalalaglag na confetti at unti-unting napapalitan ang boses ni Yeng Constantino mula sa Chinito hanggang sa boses ng Pussycat Dolls at kanta ng mga ito na Don't Cha

♪ Don't cha wish your girlfriend was hot like me? Don't cha wish your girlfriend was a freak like me? Don't cha? Don't cha?

Unti-unti ng kumukunot ang noo ni Diyosa nang may lumapit na walis ting-ting este babaeng payat na morena kay D.J at halos maningkit ang mata niya ng pumulupot ang braso nito sa lalaki... "Babe, Sorry I'm late. Nagkakwentuhan pa kami ng mga 'vounces' e..."

Whhaatt?! 'Babe' daw? May girlfriend na pala siya...Hmp... Parang hindi maganda ang navi-vibes ko sa babaeng ito...(Whooo...selos ka lang! insekyora...hihihi) Hindi ah! Tingnan mo nga yung suot, halos lumuwa na yung dibdib sa lalim ng cleavage sa damit tapos ang skirt...may shortage na ba pati sa tela?! Wala naman diba?! At ang make-up sa Fez dinaig si Bella Flores sa kapal (Inggit ka lang...) "Huh! Hindi no!"

Sabay napatingin si D.J at ang babaeng kasama nito kay Diyosa sa lakas ng pag-deny nito. Uu!oh! Lusutan mo yan bakla ka! Nilagay ko ang kanang daliri ko sa kanang tenga na animo'y may bluetooth earphone na nakalagay dito. Sinadya kong takpan ito ng buhok ko sabay tayo "Hello, asan ka na ba? Ok sige papunta na'ko diyan..." Uurgh! Nakakahiya naman!!! Meyged!!! Kasalanan 'to ng pakielamerang writer este konsyensya...

Umarte ang ambisyosang bida na may kausap sa cellphone upang makaalis sa lugar na iyon...Naglakad siya papalayo habang sinasabi sa sarili ang ganito : Lesson learned : 'Kung wala ka namang 'K' magselos, isipin na lang na mas maganda ka sa babaeng may kurba' 

Tsk..Tsk..Tsk.. Very wrong men... Wag ganun! Ayusin mo Diyosa!

Oo na! Lesson learned : 'Wag magreact kung wala ka namang rights, Happy?!'

Hay naku...When will you ever change? At kakalakad ng bruha hindi nya namalayang napunta na siya sa Filipiniana. Second floor ito ng library kung saan nakahanay ang mga libro at nakaayos base sa kung ano ang nilalaman at kategorya nito. Nagsimula na syang magpunta sa Accounting section para simulan ang pag-gawa ng assignment.

Definition of Accounting

Principles

Accounting Methods

Assets vs. Liabilities

Balance Sheet

Nang makapili ng libro si Diyosa ay humanap na ito ng mauupuan upang makapagsimula na sa pagreresearch. Ilang sandali pa ay nagsimula na itong magbasa at magsulat. Ayun... Mag-aaral din naman pala akala ko kasi puro talandian ang uunahin e. Good job! *-^

Halos isang oras ang lumipas

Hay Salamat! Natapos din ang Accounting assignment ko. Medyo sumakit ang batok ko sa ilang sandaling nakayuko dun ha... Hmmm... 2:15 pa lang, may assignment pa ako sa Computer 1 na dapat ko na din simulan, tamang-tama lang dahil 3:30 pa naman ang PE class ko.

Sinuri ko ng tingin ang Filipiniana. Kung yung library sa baba ay maluwang, kulay puting sementong pader at sahig at masyadong maliwanag, ito naman yung maituturing na "reserved" yung itsura. Gawa sa kahoy ang mga pader at sahig nito at tamang-tama lang ang liwanag nito na komportable sa mata. Nakakadagdag ito sa ganda ng ambiance ng lugar.

Tumayo ako upang maisauli na ang librong kinuha ko para sa Accounting. Ilang saglit pa at nakapili na ako ng gagamiting libro para sa Computer, bumalik  na ako sa dati kong inuupuan. Magsisimula na sana akong magsulat sa papel ng maulinigan ko ang pamilyar na boses na iyon...

"Hello pre, dinalhan kita ng food mo baka malipasan ka na naman..."

"Naku, Salamat pre. Ang lakas ko talaga sa'yo." Inakbayan ng lalaki ang babaeng nag-abot ng styrofoam food container dito at hinalikan ito sa noo. Kung hindi insekyora ang nakakita nito ay tiyak na kikiligin at mapapangiti na lang ngunit dahil si Diyosa ang nakasaksi ay...

Valentines day ba?! Bakit puro lovers ang nandito sa library ngayon?! -_-'

Oops...Don't get me wrong. Hindi naman ako galit. Kung tutuusin nga naman e nakakainggit ang dalawang ito na nasa harap ko. In fairness kay Mr. Librarian ha... gwapo at malakas ang dating at si ate na mestisa...

Kikilatisin pa sana ni Diyosa ang babae nang humarap ito sa gawi nya dahilan upang makilala nya ito... ilang segundo pa ay nagliwanag na ang mukha ng bruha este ng bida.

Siya yung babae kanina sa Computer class!!! Lorda...Lordina... Lucitas... Anu ba ulit yung name ni Ateng???

Hinintay ni Diyosa na lumingon ang babae sa kanya upang ma-ngitian at makapagpasalamat sa ginawang pagtatangol nito kanina ngunit inihatid na ito papalabas sa pinto ng librarian.

Di bale may next time pa naman

Nang yumuko si Diyosa upang makapagsimula na ng huling assignment ay lihim na napangiti ito... I like that endearment : "pre" (*^_^*) astig pero sweet. Mas lalo itong nainspire sa pag-aaral. Minsan may mga bagay sa buhay na makaka-pagpangiti sayo, pag nangyari yon ngumiti ka ng taos sa puso dahil baka dumating ang araw na hindi na maulit iyon...

Pagkatapos ng PE class ay nagpahinga muna si Diyosa sa loob ng caf. May 2 hours pa ang hihintayin nya bago ang 6:30 class na Philippine Constitution. Kung maaliwalas lamang ang buhay ni Diyosa ay nais sana nitong kumuha ng kursong Political Science upang makapag abogasiya. Pangarap nito na maging isang magaling na abogado. Ngunit ng mamatay ang kanyang ama ay unti-unting naglaho ang pangarap na ito dahil hindi praktikal para sa katulad niyang tanging inaasahan ang sarili upang mabuhay. Ganun pa man ay masaya itong umupo at pumikit sa lamesang nasa dulo ng caf.

Haay... Kailangan ko munang magbeauty rest kahit 2 hours man lang... Like ko yung next subject e... Excited much!!!

Ikaw ang Ezra sa puso koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon