"Gusto mo ang tulong ko, Valentina?" tanong sa kanya ni Sander. "Pwes, may kapalit. Alam mo namang wala nang libre sa mundo."
Ito na ang simula ng paghihiganti ni Sander sa kanya.
"Anong kapalit?" Pinipigil niya ang sarili sa panginginig. Pinipilit din niyang huwag magpakita ng kahit na anong kahinaan sa harap ni Sander. Kaya mo 'to, Tina. Kakayanin mo 'to. Paulit-ulit na sinasabi niya sa sarili niya. Saka na, kapag walang nakatingin. Ilalabas niya lahat ng ito pero hindi pa ngayon. "Kahit ano, kung gusto mong kumalas sa walang kwentang kasal natin gagawin ko. Pipirmahan ko agad ang mga papeles."
"Nagmamadali kang tumakas pero tama ka. Gusto ko ng annulment but not before enjoying the delights my wife can give me."
"Ano.." Napalunok si Valentina ng malakas. "Anong ibig mong sabihin?"
"You'll be my wife. This time for real hanggang magsawa ako sayo."
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Hello po. This is my first story on Wattpad. I hope na magustuhan ninyo. Tinitiyak ko po na ang story na ito ay pinag-hirapan at galing po sa aking imahinasyon kaya sana po suportahan nyo po ako. I would really appreaciate comments and votes at ngayon pa lang po nagpapasalamat na ako for taking time na basahin ang story na ito. :D Love lots and God bless!
Kathleen
BINABASA MO ANG
My Ruthless Husband
General FictionFive years ago... They thought they were in love. Akala nila kaya nilang harapin ang kahit na anong pagsubok na ibigay sa kanila. Nagkamali sila. Sa araw ng kasal nina Sander at Valentina isang kasinungalingan ang sumira sa magandang bukas na naghih...