II.

1.1K 23 7
                                    

Nakatayo si Valentina sa harap ng building kung nasaan ang opisina ni Sander. Hanggang ngayon, nag-aalangan pa rin siya kung itutuloy ba niya ang plano niya o hindi. Wala siyang tulog at kape lang ang laman ng tiyan niya. Sa totoo lang hindi niya alam kung nasa tamang pag-iisip pa ba siya sa gagawin niyang ito. Alam niya na hindi matutuwa si Sander kapag nagkita sila. Sino pang matinong tao ang matutuwa kapag nakita niya ang pinakakinasusuklamang tao niya?  Tapos magpapakita pa siya sa asawa niya ngayon dahil kailangan niya ng tulong. Dahil kailangan niya ng pera. Ngayon pa lang na-iimagine na ni Valentina ang magiging reaksyon ni Sander kapag sinabi na niya ang kailangan niya. Kung may ibang paraan lang sana siyang maisip, hinding-hindi niya ito gagawin. Hindi na nila kailangang magkita ni Sander kailanman. Haven't she done enough damage to both of them already?

Gustuhin man niyang umatras, alam niyang hindi niya ito pwedeng gawin. Hindi para sa kapakanan niya kundi para sa kapatid niya. Sana lang bigyan siya ni Sander ng pagkakataon na magpaliwanag bago siya paalisin at itaboy sa opisina niya. Huminga si Valentina ng malalim bago pumasok sa loob ng building. The first thie she noticed was how out of place she was inside. Lahat ng tao na nandoon, lalaki man o babae, nakabusiness suits. Nakaramdam tuloy ng konting hiya si Valentina dahil sa suot niyang faded jeans at simpleng blouse. Yun lang kasi ang nasa cabinet niya na pwede niyang suotin sa lugar na ito. Clearly it still wasn't enough. Nakayuko siya na lumapit sa receptionist. "Nandito ba si Mr. Sander Alvarez." Tanong niya dito.

Tiningnan siya ng babaeng receptionist mula ulo hanggang paa at bakas sa mukha nito kung ano ang tingin niya kay Valentina. "May appointment ka ba?"

"Wala." Napalunok si Valentina sa kaba dahil baka hindi siya papasukin ng receptionist.

"Sorry, hindi ka pwedeng umakyat sa office ng may-ari kung wala kang appointment." Nakataas ang kilay ng receptionist habang nagsasalita at para bang walang kwentang tao ang kausap niya sa tono ng pananalita niya.

"Pero-"

"Miss." Pinutol siya sa pagsasalita ng receptionsist at halatang naiirita na ito dahil sa tingin niya ay nag-aaksaya lang siya ng panahon sa pakikipag-usap kay Valentina. "May policy kami na kailangang sundin. Wala kang appointment kaya kahit anong pilit mo, hindi kita pwedeng paakyatin sa taas."

Napuno sa kanya si Valentina kaya nilakasan niya ang loob niya at tiningnan sa mata ang babae. "Kahit wala akong appointment kaya kong makipagkita kay Sander kahit kailan ko gusto dahil ako ang asawa niya." Nagulat ang babae sa sinabi ni Valentina. "Kaya kung ako sa'yo. Tatawagan ko ang sekretarya ni Sander at sasabihin ko sa kanya na nasa baba si Valentina Alvarez at gusto niyang makipag-usap sa asawa niya."

Hindi niya inalis ang tingin niya sa receptionist habang tumatawa siya sa taas. "Miss? May babae po dito na gustong maka-usap si Mr. Alvarez. She claims to be his wife....Valentina Alvarez daw po ang pangalan niya...." Naghihintay lang si Valentina habang nakikinig sa sinasabi ng babae sa kausap niya. Pagkababab ng telepono ay hindi pa rin makapaniwala ang receptionist na ang kaharap niya ngayon ay ang asawa nga ni Mr. Sander Alvarez. "Ma'am...uhm..sorry po. Uh...pinapaakyat po kayo sa 31st floor. Doon po ang office ni Mr. Alvarez."

"Salamat." Wala panahon si Valentina makipag-away sa isang receptionist dahil alam niyang ginagawa lang niya ang trabaho niya. Sino nga ba naman ang maniniwala na ang isang katulad niya ang napangasawa ng isang Sander Alvarez? Tahimik lang siya habang paakyat ang elevator. Habang papalapit siya kay Sander lalong bumibilis ang pag-tibok ng puso niya at halos hindi siya makahinga ng maayos. Ano ang sasabihin niya? Mag-hehello ba siya? Mangangamusta? Everything sounded so lame. Bumukas bigla ang elevator at nagulat siya na nasa 31st floor na pala siya. Obviously, ang floor na yun ay para lang sa office ng may-ari. Walang siyang taong nakita kundi ang isang matandang babae na nakaupo sa mesa niya at mukhang hindi siya napansin. Dahan-dahan siyang lumapit dito. "Excuse me po?" Tumingin sa kanya ang matandang babae. Sinubukan niyang ngumiti pero hindi ito binalik sa kanya ng babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon