I.

1.2K 13 0
                                    

"Ano?!" Hindi makapaniwala si Valentina sa narinig niya. "I'm sorry, Ate. Wala na kasi akong ibang maisip na paraan para matulungan kita." Paliwanag ni Ivan sa ate niya. "Kailangan mong dalhin noon sa ospital pero wala tayong perang pambayad. Wala akong magawa kundi ang mangutang. Kaya lang ilang buwan na akong hindi nakakapagbayad kaya..."

Taltong buwan na ang nakaraan nung nagkasakit si Valentina. Bigla lang nangyari. Akala niya sakit lang ng ulo pero lumala kaya dinala siya sa ospital. Siguro dahil na rin sa walang tigil na pagtratrabaho niya para lang mapa-aral ang kapatid niya. Nagtratrabaho bilang maid sa hotel sa umaga at nagtitinda naman ng kung anu-ano sa gabi. Kahit ano mapag-aral lang niya ang nakababatang kapatid niya. Kaya nga alalang-alala siya nung dinala siya ng kapatid niya sa ospital nung nagkasakit siya kasi kakabayad lang nila ng tuition nung mga panahon na iyon pero ang sabi naman ni Ivan may naipon siyang pero kaya iyun ang ipinambayad niya sa ospital. Hindi niya sinabing nangutang siya at dun pa sa Manong Oscar na yun. Ibang klase maningil ng utang ang taong iyon at tumatayo ang balahibo ni Valentina kapag naiisip niya ang pwedeng gawin ng taon iyun sa kapatid niya kapag hindi sila nakapagbayad ng utang.

"Ate, I'm sorry kung napasok tayo sa ganitong gulo...wala na kasi akong ibang maisip nun para matulungan ko eh..."

"Hindi na mahalaga yun, Ivan. Ang importante maka-isip tayo ng paraan para makakuha ng ganun kalaking halaga." Natatakot na si Valentina para sa kapatid niya at kailangan niya mag-isip agad ng paraan kung papaano makakakuha ng eighty thousand pesos. Napatayo si Valentina sa kinauupuan niya at palakad-lakad sa loob ng maliit na kwarto na nirerentahan nila. Namutala siya at piangpapawisan dahil kahit na magtrabaho siya araw at gabi ay hindi siya makakakuha ng ganun kalaking halaga sa loob ng isang linggo. Kahit na gawin pang isang buwan o dalawa ay kulang na kulang pa rin ang kinikita niya sa mga trabaho niya. Sino ba ang pwede niyang hingan ng tulong?

"Titigil na muna ako sa pag-aaral para makatulong sa'yo sa pagbabayad ng utang, Ate Tina." Alok sa kanya ng kapatid niya.

"Hindi, Ivan. Hindi ka titigil sa pag-aaral mo. Kailangan mong mag-tapos. Isang taon na lang at gragraduate ka na." Hindi papayag si Valentina. Kinabukasan ng kapatid niya ang nakasalalay dito.

"Ate...?" Nag-aalangan si Ivan na ituloy ang sinasabi niya. "Kung...kung kay Kuya Sander kaya tayo humingi ng tulong?"

Natigil si Valentina sa pag-lalakad at nanlaki ang mga mata niya. "Baliw ka na ba?" Tanong niya kay Ivan. "Hindi niya tayo tutulungan kahit na ano pa ang mangyari sa atin." Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Valentina. Pangalan pa lang ni Sander ang marinig niya parang paulit-ulit na nawawasak ang puso niya. Ilang taon na rin ang nakalipas. Limang taon na pilit niyang kinalimutan na nakilala niya si Sander at ibinaon ang mga ala-ala nilang dalawa pero ang sakit na nararamdaman niya ngayon hindi pa rin naibsan. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Tapos na silang dalawa ni sander at kung anumang problema ang hinaharap ni Valentina ngayon, labas ni si Sander dito. "Isa pa problema natin 'to kaya tayo ang lulutas nito. Hahanap tayo ng paraan." Matatapang ang mga salitang binitawan niya pero sa loob niya alm ni Valentina na takot na takot siya. 

"Pero Ate, kasal pa naman kayo diba? May karapatan kang humingi sa kanya. Alam kong may pride ka at ganun din naman ako kaya lang Ate gipit na gipit na tayo. Kapag wala tayong nailabas na pera, mapapahamak tayo."

Oo kasal nga sila pero hindi niya alam kung anong karapatan ang sinasabi ng kapatid niya.

"Hinding-hindi kita mapapatawad, Valentina." Galit na galit na sinumpa ni Sander sa harap niya. "Pangalan ko lang ang makukuha mo galing sa akin at kahit piso wala akong ibibigay sa'yo. Tandaan mo 'to, Valentina. Darating ang araw na gagapang ka pabalik sa akin at hihingi ka ng pera at sa oras na mangyari yun, magsisimula ang paghihiganti ko sa'yo."

 

Pinangako ni Valentina sa araw ng kasal nila na hinding-hindi mangyayari yun. Pero sadyang mapag-laro ang tadhana. Ang pinakamasayang araw sa buhay niya ay naging isang malagim na bangungot at ngayon naman ito. Hindi na ba matatapos ang mga problema niya?

Napupo ulit si Valentina at napahinga ng malalim. Gustong-gusto na niyang umiyak pero wala na rin siyang lakas na gawin pa yun. Limang taon na niyang pinipigilan ang sariling umiyak. Wala din naman siyang mapapala dun. Magtrabaho at mabuhay araw-araw. Yun ang dapat niyang gawin. Yun na lang ang kaya niyang gawin. Hindi para sa sarili niya kundi para sa kapatid niya. Hindi siya papayag na mangyari sa kapatid niya ang nangyari sa kanya noon.

"Wala tayong maaasahang tulong mula sa kanya. Gagawa ako ng paraan. May isang linggo pa tayo, Ivan." Pinilit niya ang sarili na ngumiti sa harap ng kapatid niya. "Hahanap ako ng paraan."

Apat na araw na walang tulog si Valentina sa kakakayod. Pumasok pa siya sa isa pang trabaho sa palengke bago pumasok sa susunod niyang trabaho pero kulang na kulang pa rin. Nawawalan na siya ng pag-asa at alam niyang talo na siya sa laban na 'to. Pagod na pagod na siya. Pabalik-balik sa isipan niya ang huling sinabi ni Sander sa kanya bago sila maghiwalay.

"Darating ang araw na gagapang ka pabalik sa akin at hihingi ka ng pera at sa oras na mangyari yun, magsisimula ang paghihiganti ko sa'yo."

Kapag hindi niya 'to ginawa, ang kapatid niya ang magbabayad. Wala na siyang panahon at wala na siyang choice. Si Sander lang ang pwedeng sumalba sa kanila.

***

"Sir, I believe this is your chance to have a clean and painless break."

Tumingin ni Sander sa abugando niya. Pinapunta siya ni Sander sa opisina niya para ikonsulta ang gusto niyang gawin tungkol sa pesteng asawa niya.  Oo gusto niya ng malinis at tahimik na annulment pero gusto rin niyang maranasan ni Valentina ang sakit na pinadama niya kay Sander. He wants her to suffer. Higit pa sa pinagdadaanan niya ngayon. Tatlong trabaho para lang may makain, matirhan at mapag-aral ang nakakabata niyang kapatid. Kung hindi lang niya kilala ang totoong Valentina, siguro maaawa siya sa kalagayan niya ngayon.

"Mahal na mahal kita, Sander..."

Ang totoong Valentina manloloko. What everyone sees isn't always the real thing. Sa umpisa ibibigay ni Valentina kung ano ang gusto mong makita at kapag napaniwala ka na niya na isa siyang santa, doon na lalabas ang tunay niyang kulay. Manloloko, manggagamit at sakim sa pera. At sa lahat ng pwede niyang biktimahin si Sander pa ang pinili niya. Yun ang pinakamalaking pagkakamali niya dahil walang pinalalampas si Sander Alvarez kapag siya ang binangga mo.

"Ihanda mo ang mga papeles pero may ipapadagdag ako..."

My Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon