TGP 44

1.8K 26 2
                                    


April Charm's POV


"Ate! Gumising ka na dyan! 4 pm na!" Pagyugyog sa akin ni Abby pero nasipa ko lang siya palayo.

"MAMAAAAAAAAA! Ayoko na gisingin si ate! Puro pasa na akooo!" SIgaw niya habang nananakbo palabas ng kwarto ko. 8 pm pa ang simula ng Ball, why is she in a rush?


"April, bumangon ka na, aayusan ka pa." Sabi ni mama sakin. This time I can't freacking kick her. Kicking her is like digging my own grave.


Idinilat ko na ang mata ko at umupo sa kama ko.


"Kanina pa din nandito si Peanut at Butter." Sabi niya at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.

"Ma, stop." Sabi ko sabay iwas ng ulo ko. I hate when she does that.

"Pero kapag si Edward okay lang?" Nakapout niyang sabi at napatingin ako sa kanya.

"It's kinda awkward when you do it. I'm not really used with you, being clingy to me." Sabi ko at tumayo na.

"Ewan ko sayo. Bilisan mo na ang tagal mo nang pinaghihintay yung dalawa." Sabi niya at naglakad na palabas ng kwarto ko.


Naligo na ako at nagsuot ng polo at short at saka pinatawag na si Peanut at Butter. Mga dalawang oras bago nila ako matapos na ayusan dahil hindi nila malaman kung anong ayos ba ang gagawin nila sa akin.


Bumaba na ako mula sa kwarto ko at nakita kong naghihintay na doon si Edward at Kysler. Si Aira naman ay nakasimangot dahil hindi niya matanggap na hindi na siya kasama sa ball.


"That's my girl!" Sigaw ni Edward pagkababa ko at agad niya akong hinalikan sa noo. "Damn you're gorgeous." Sabi niya pa while looking at my face.

"Thank my mom and dad for the genes." Sabi ko sabay kindat at natawa naman siya.

"Picture muna bago umalis!" Sigaw ni mama at napabuntong hininga naman ako. Eto na naman tayo sa walang katapusang picture.


Mga 30 minutes kaming nagpicture picture dun at buti na lang talaga excited si Abby at nakaladkad na niya ako palabas ng bahay. Kung hindi talaga nako, baka hubadin ko na 'tong gown na suot ko at bumalik na lang sa kwarto ko at matulog.


"Ate, grabe, kinakabahan ako." Sabi ni Abby at ipinatong sa kamay ko yung kamay niya para maramdaman ko kung gaano kalamig yung kamay niya.

"Kala ko excited ka? Tas ngayon nanglalamig ka na dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Eh, ewan ko! Di ko alam kung bakit ako kinakabahan." Sabi niya at nag sad face.

"Kumalma ka lang baby girl." Natatawang sabi ni Kysler sa kanya.

"Pano?!" Bigla niyang sigaw kaya nagulat ako.

"Gusto mo sapakin kita para makatulog ka para kahit saglit lang mawala yang kaba mo?" Tanong ko sa kanya at natahimik naman siya.

"Oh April, kumalma ka din." Natatawang sabi ni Kysler at inirapan ko naman siya. Palibhasa hindi siya ang naiistorbo ni Abby sa pagiging kabado niya. Parehas kasi silang nasa front seat ni Edward at si Edward ang nagd-drive.


After an hour drive nakarating na kami sa splash resort at wow, sobrang bomb ng venue. Nagpark na muna si Edward at saka kami pumasok sa loob. We went to our assigned tables at nakita kong andon na sila Leo.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon