April's POV
"APRILLL!!!!" Sigaw ni Aira sa pangalan ko pagkababa niya sa hagdan.
"Ano na naman?! Nasa bundok ba 'ko para sumigaw ka?" Tanong ko sa kanya.
"Umagang umaga taray mo na naman! Tara, samahan mo ko. Gisingin natin si Abby!" Sigaw niya sa pagmumukha ko.
"Ano ba?! Kailangan ba lagi kang sumisigaw?!" Singhal ko sa kanya. Para kasing timang. Ang ingay-ingay nabibingi na 'ko.
"Na-miss lang kita, ilang oras na tayong hindi nagkita eh." Sabi niya at nagpa-cute pa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Umakyat na kami sa hagdan at pumasok sa kwarto ni Abby.
"Abby! Yohoooo! Wakey up na! Late na tayooooo!" Pag gigising ni Aira kay Abby.
"Hmmmmmmm" Ungol lang ni Abby. Hay nako.
Ang ginawa ko binuksan ko na yung kurtina dahil sumasakit daw yung mata niya sa araw kapag bagong gising siya.
"Isara niyo yan!" Sigaw ni Abby sabay bangon sa kama niya.
"Inuutusan mo na 'ko?" Tanong ko sa kanya.
"Joke lang, ate."
"Maligo ka na. Bilisan mo." Sabi ko at nag-pout naman siya.
"Oo nga! Sundin mo kasi yung sinasabi ni ATE April! " Sigaw na naman ni Aira.
"Isang sigaw mo pa lalagyan ko na ng packing tape bibig mo. Ikaw, Abby! Maligo ka na!"
"Ate, paliguan mo ko." Pa-cute na sabi ni Abby.
"Umayos ka, Abby Marie. Baka lunudin kita diyan."
"Hehehehehehe. Siyempre joke lang, ate April! Di naman 'to mabiro eh." Sabi niya sabay takbo sa banyo ng kwarto niya.
"Ma'am kakain na po." Sabi ng maid namin habang nasa labas siya ng kwarto ni Abby at tumango naman kami sa kanya. Kita naman niya kami kasi bukas yung pinto ng kwarto ni Abby.
"Sige. Susunod na lang kami." Sagot ni Aira.
Pagkaalis nung maid ay naglakad na ako palabas ng kwarto. Wala na naman akong gagawin dito sa kwarto ni Abby.
"San ka pupunta?" Tanong sa akin ni Aira pero hindi ko siya pinansin.
*DINING
"Nasan si Abby?" Tanong samin ni papa nung napansin niya na kaming dalawa lang ni Aira yung bumaba.
"Naliligo pa po. Kakagising lang eh." Sagot ni Aira sa kanya.
Matapos ang napakatagal na panahon ay nakalabas na din ng kwarto niya si Abby.
"Mama! Papa! Good Morning!!" Sigaw ni Abby tapos ay kiniss silang dalawa.
"Good morning, baby. Have a sit. Para makakain na tayo." Sabi naman ni mama. Hindi kasi kami nagsisimulang kumain hangga'at hindi kami kumpleto. Maliban na lang kung nagsabi na hindi kakain, malamang kakain na kami.
"Okay!" Hype na sagot ni Abby.
Nung matapos na akong kumain ay agad na akong tumayo.
"Bat' tumayo ka kaagad? Excited ka?" Tanong ni Aira sakin at umirap ako.
"Late na tayo." Sabi ko at naglakad palayo sa kanila.
"Bye, April!" Pahabol na sigaw ni mama at nag-wave ako. I'm not a rebel or anything, it's just not my type to kiss them in the cheeks.
"Holy!! Bakit naman di mo sinabi April?! Pambihira naman to ah!" Sigaw na naman ni Aira habang nanakbo papunta sa 'kin.
"Sasapakin na kita, Aira. Kailan ka ba matututong magsalita ng mahinahon? May relo ka diba? Kung di mo ginagamit itapon mo na." Mataray kong sagot kay Aira.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Princess (COMPLETED)
Ficção AdolescenteApril is a cold girl. She hates noise. She even hates her sisters because they're too loud. But deep inside she loves them. But there's this one noisy guy she loves no matter now noisy he is. Bago niya makilala si Edward ay tahimik lang ang buhay ni...