TGP 23

1.4K 28 0
                                    

April's POV

Sabado na ngayon, and just like what Edward said, ngayon niya ako ipapakilala sa parents niya.

Tuwing maaalala ko yun kinakabahan ako. Pero tuwing naaalala ko din na may malanding umaaligid sa kanya lalo na kapag wala ako napapalitan yung kaba ko ng inis.

7:30 na ngayon at magbibihis na lang ako. Sinuot ko na nga yung dress na binigay sakin ni mama that you can see on the picture.

Humiga na muna ako sa kama ko at saka nagpalipag oras

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Humiga na muna ako sa kama ko at saka nagpalipag oras. Kinakabahan na talaga ako.

"Anak?" Sabi ni mama sa may pinto.

"Po?" Tanong ko naman sa kanya.

"Andyan na si Edward. Yung bilin ko sayo ha! Nag-iisa lang yun kaya wag mo talagang kakalimutan." Sabi niya at tumango naman ako sa kanya.

"Dalaga na ang anak ko." Sabi ni mama at may teary eye pa.

"Ma, ipapakilala lang ako ni Edward sa magulang niya, hindi pa ko ikakasal." Sabi ko sa kanya habang naglakad na kami pababa ng hagdan.

"Sus. Eh ikaw din naman kabadong-kabado. Basta EdRil for life ako." Sabi ni mama at kinilig na naman siya.

Nakarating na kami sa sala at nadatnan ko naman si Edward dun na nakatingin sakin habang nakanganga.

"Edward baka pasukan ng langaw bibig mo hijo." Sabi ni mama kaya nanam napasara kaagad ng bibig si Edward.

"Sige po tita, alis na po kami. Ako na po bahala kay April." Nakangiting sabi ni Edward at tumango naman si mama sa kanya.

Umalis na kami sa bahay at habang on the way kami ay hindi maalis yung ngiti sa labi ni Edward.

"Why are you so happy?" Tanong ko sa kanya. Samantalang ako pakiramdam ko lalabas na yung puso ko sa katawan ko sa sobrang lakas ng kalabog.

"I'm thankful that you're fucking mine." Sabi niya at saka naman ngumisi sakin. Natawa naman ako dahil in-emphasize niya pa talaga yung word na 'fvcking'.

We just hit the road silently, natulog muna ako tutal bangag na bangag ako. Dalawang oras lang ang tulog ko kagabi dahil sa sobrang kaba.

"Huy, April Charm Torren Rivera. Gising na. Nandito na tayo." Narinig kong sabi ni Edward kaya napadilat ako.

Lumabas na ako sa kotse niya at nagtanggal muna ng muta bago kami nagsimulang maglakad. Baka mamaya muta-muta akong humarap kay tita.

Pumasok na kami sa loob ng bahay nila at merong lalaki na naglalaro ng GTA V.

"Ward, Ate April mo. Girlfriend ko." Sabi ni Edward kaya napatingin samin yung lalaki.

"April kapatid ko." Sabi niya. What? Di man lang niya ko sinabihan na may kapatid pala siya?

Nginitian ko naman yung kapatid niyang busy sa video games.

"You two don't look good together." Sabi ni Ward. Na hawig na hawig kay Edward.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon