(Agatha's POV)
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayare...
Nasa loob ako ng isang... eroplano?
...
Rewind 2 hours ago...
...
"Okay, dear students! Let us now enter the bus. Half of the section per bus. Class 4-A, 45 students, present! Class 4-B, 43 students, present! Class 4-C, 40 students, present! So, there are 128 students in all. Together with the three advisers of the three sections, three representatives from the Area Chair, our dear Directress, and the beloved President of Collins Academy. Everyone's here already and ready to go! There are six buses. So, students, you may now enter the bus." Sabi ni Miss Rosette.
Para akong pusang nawawala na hindi malaman kung san pupunta.
Again, kinaladkad na naman ako ni Tiffany.
Ayy... hirap namang dalhin ng mga ito. Bat ba kase kadami dami nito? Anu bang mga laman nito? Sino pating naggayak nito? Ano ba? Naguguluhan ako. Nananaginip ba ako? Isa lang ang nasisiguro ko.
...
Papunta kaming Korea...
...
Papunta akong Korea...
...
"Eto pa, pinabibigay rin ni tita. Sabi nya kase hindi daw pedeng magcellphone sa airplane. Keye genern. Sabi nya sorry daw kung napagtaasan ka nya ng boses. Sya na daw naggayak ng mga gamit mo. Kaya hindi ka nila pinapapasok sa kwarto nila kase nandun yung mga maleta mo. Dun din nila ginagayak. Kaya pati ako ang kasama ni tita mag-shopping. Mga damit yun, with the taste of Korean fashion. Char! Tama yung grammar ko diba, Editor-in-Chief? Tapos sabi nya dun sa letter, nasa mga bulsa daw sa loob yung mga underwear mo. Nga pala, pinasingit ko yung ilan kong mga panty dyan. Hehe. Sabi nya rin, nakasulat din sa letter, gusto nya raw mag-enjoy ka dun sa Korea. Uwian mo daw sya ng madaming souvenirs at saka, sana magsink-in daw sa utak mo yung mga ituturo sa retreat natin. Mag-iingat ka daw at mag picture ka rin. Mahal na mahal ka raw niya. Yun lang naman ang sabi ni tita." dire-diretsong sabi ni Tiffany na akala mo ay armalight ang bibig sa bilis.
"Ganda ng speech mo. Galeng! Nasaulo mo yung letter ni mama para sakin? Hanep." Sabi ko sa kanya.
Hindi ko na yata kailangan buksan tong letter na 'to ah?
Kaya naman pala ang weird nila nitong mga nakaraang araw. Tapos ang aga nina mama at papang umalis kanina. Siguro dahil sila ang nagdala ng mga maleta namin kaninang umaga.
Tawagan ko kaya si mama?
Ringing...
"Hello?" Sagot ni mama sa kabilang linya.
"Hello ma!"
"Oh anak? Napatawag ka?"
"Mama, gusto ko pong magpasalamat kase pinayagan nyo po akong sumama. Mas pagbubutihin ko pa po ang pag-aaral ko para balang araw maging engineer po ako para naman po makabawi ako sa inyo." Nasabi ko na ba sa inyong panlaban ako ng Academy sa mga Math and Computer contests? Naks. Yabang.
"Hayaan mo anak, susuportahan kita sa pangarap mo. Sige anak, tinatawag na ako ng boss ko. Tawag ka na lang ulit kapag nakarating na kayo ha? I miss you anak. I love you! Magiingat ka."
"Salamat po ma. I miss you too po. I love you too po!"
"Ah, nak. Sandali lang."
YOU ARE READING
Hindi Ito Fairytale! (SEVENTEEN Fanfic)
FanfictionIsang napakagandang prinsesa na may napakagandang buhay sa isang napakagandang kastila. Ito ang buhay ni Agatha. CHAROT! Echos lang yung kastila thingy! Hehe... Pero, sino ba si Jessica Agatha Ara? Kilalanin natin at alamin kung paano sya makikipag...