(Agatha's POV)
Nagising ako nang marinig kong may mga nagtatawanang mga...
Bakla?
"Ay! Oo nga atey! Maganda nga itetch. Baka sya na ang makakapagpatino dyan sa mga lalakeng yan. Ang shaket shaket sa bangs ng mga lalaksot na yon! Di keribells ng beauty ko!"
"Sana nga lang. Siya na. Kaso wag sana syang mahulog sa kahit isang miyembro ng grupong yon."
Ano raw?
Grupo?
Ako? Mahuhulog?
Sa pagkakatanda ko, nakidnap ako at hindi nahulog?
Teka nga.
Sino ba tong mga baklang to?
Huwag nyong sabihing itong mga 'to ang nagpakidnap sakin?
Pinilit kong imulat ang aking mga mata.
Pagka-adjust ng aking mga mata sa liwanag ng kwarto ay nakita ko kung ano at nasaang sitwasyon ang kinalalagyan ko ngayon.
Nakatali ako ng mahigpit sa isang sirang upuan. Batbat ng mahahaba at makakapal na lubid habang may takip rin ang aking bibig at marumi at puro dugo ang aking itsura.
Yan talaga yung ine-expect kong magiging itsura ko bilang isang hostage.
Pero sabi ng realidad...
Nakahiga ako sa sofa na malambot. Nasa sulok ng isang office? Airconditioned. Malinis at walang kagusot gusot ang aking damit. Malaya akong nakakagalaw at makakapagsalita dahil ni isang gapos ay wala ako.
Nagsalita ang isang lalaki na nasa harap ko.
"Hello. Ako si CEO Bogart Park. Ang CEO ng Pledis Entertainment."
Sandali nga. Naguguluhan na ako. Kanina lang bakla to. Pero ngayon, lalaking lalaki at propesyonal na propesyonal ang itsura nya.
Teka. Ano yung Pledis Entertainment? Asan ba ako? Ano ba to? Sino ba sya.
Ay. Kakapakilala nga lang pala. Hayst.
"Siguro ay naguguluhan ka pa kung bakit ka nandito, Agatha."
Kilala niya ako?
"Ang Pledis Entertainment ay isang organisasyon kung saan naghahanap kami ng mga kabataan na may potensyal sa larangan ng industriya sa musika at pagsasayaw at iba pa at sinasanay sila dito sa aming munting kompanya. Hanggang sa maging ganap na silang mga artists, magdebut at pasikatin upang kumita ng malaking pera at makapagbigay ng kaligayahan sa mga fans lalong lalo na sa mga kababaihan."
Kingina.
Parang nabanggit na ni Tiffany to. Eh anong ginagawa ko dito?
"Gagawin nyo po ba akong artista?"
Straight to the point kong tanong. Dami kasing intro. Di pa sabihin kung anong pakay at may nalalaman pang pakidnap kidnap.
"Ah... hindi."
Ganon? Eh ano nga kasing ginagawa ko rito?!
"Ganon po? Pede na po akong umalis?"
"Ah. Hija, ganito kasi yun. Isa sa mga KPOP groups na handle namin ay ang SEVENTEEN. At hindi talaga ako natuwa sa mga nagsilbi bilang manager nila. Puro lalaki yung mga past managers nila kaya naman naisip ko, paano kung subukan kong mag-hire ng babae."
So?
Wait. Ano raw?
SEVENTEEN?
Kingina.
YOU ARE READING
Hindi Ito Fairytale! (SEVENTEEN Fanfic)
FanfictionIsang napakagandang prinsesa na may napakagandang buhay sa isang napakagandang kastila. Ito ang buhay ni Agatha. CHAROT! Echos lang yung kastila thingy! Hehe... Pero, sino ba si Jessica Agatha Ara? Kilalanin natin at alamin kung paano sya makikipag...