(Agatha's POV)
Nagtuloy-tuloy ang klase namin habang hindi natatanggal ang mga ngiti sa aming mga labi. Malapit na mag-dismissal.
"Okay class. I'm going to distribute your copy. This is what I'm telling you a while ago. Please get one and pass." Wika ni miss habang pinapamigay ang mga papel sa bawat hanay ng mga upuan sa loob ng aming silid.
"Today is Thursday. April 27. You should start to prepare your things to bring for our one month trip next week. May 1. All fourth year students don't have classes tomorrow. We are giving you time to prepare for our trip. That's why ngayon natin ginawa ang flag retreat dahil hindi na natin 'to magagawa bukas kasi wala nga tayong pasok. You have two whole days to prepare for this. Also, when we get there, I want you to apply your learnings from our Foreign Language subject. I am expecting too much from this section compared to the other two. So, Class 4-A... don't let me down. Arasseo?" Paalala ulit ni miss sabay subok sa aming Hangeul skills.
"Ne, seonsaengnim!" Sabay sabay naming sagot sa kanya.
KRRRRIIIIINNGGGGG!!!
Tumunog na ang hudyat na labasan na.
"Okay, it's dismissal time already. See you on Sunday, 1 PM in front of Gate 1. Don't forget to bring your ID and everything written on your copy. Goodbye, Class 4-A and goodluck for next week!" Huling paalala ni miss bago niya kami pinalabas.
"Goodbye, Miss Villion!" bati rin namin saka sabay sabay na tumayo at lumabas ng silid.
***
"Bes, sabay na tayong maggayak ng mga dadlhin natin." Sabi sakin ni Tiffany habang naglalakad kami pauwi.
"Sige. Kelan mo ba balak?" Tanong ko sa kanya.
"Pedeng ngayon na? Bibili rin ako ng bagong set ng panty. Ubos na pala. Keke ~" sagot nya habang tatawa tawa.
"Bibili ka ng bagong set para ibato ulit sa kuya ko? Hanga ako sayo! Naka-survive ka sa buong araw na walang panty? Shocks! My God!" sabi ko sa kanya habang nandidiri na lumalayo sa kanya.
"Arti mu naman day. Nga pala, sa inyo ako matutulog ngayon. Nakapagpaalam na ako kay mama at saka kay tita. Payag sila pareho. Kaya wala kang magagawa kahit tumutol ka pa! Hoho!" Sabi nya sabay nilabas ang kanyang mala-demonyong ngiti.
Aish! Ano pa bang magagawa ko?
"Oo na! Bilisan mong maglakad at nang maka-uwi na tayo at makapagmeryenda bago tayo mamili ng mga kakailanganin natin." Sabi ko sa kanya saka sya iniwan sa paglalakad.
"Oy! Sandali lang! Palagi mo na lang akong iniiwan! Galing mang-iwan porket iniwan ng ex nya." May sinabi pa sya kaso medyo mahina kaya hindi ko narinig.
"Anong sabi mo?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
"Wala! Sabi ko, bilisan na nga natin!" Sabi nya sabay umuna sa paglalakad.
Huh? Weird.
***
Malapit na kami sa bahay nang biglang umirit si Tiffany nang pagkalakas lakas.
"AAAAAAHHHHHHHHHHH!!!" irit nya at sinasabi ko sa inyo, kitang kita ko yung mapula nyang ngala ngala. Tumakbo sya papunta sa likod ko.
Fots. Ano bang problema ng babaeng 'to?
"Huy! Ano ka ba? Para kang tanga?" Sabi ko habang tinitingnan kung anumang kinaiirit nya.
"ARF! ARF!"
ESTÁS LEYENDO
Hindi Ito Fairytale! (SEVENTEEN Fanfic)
FanficIsang napakagandang prinsesa na may napakagandang buhay sa isang napakagandang kastila. Ito ang buhay ni Agatha. CHAROT! Echos lang yung kastila thingy! Hehe... Pero, sino ba si Jessica Agatha Ara? Kilalanin natin at alamin kung paano sya makikipag...