TIQ 14: VS Game

51 3 2
                                    

Jeanna's POV

"Gising na!!!!" Sigaw ko sa mga kasama ko

Pero wala paring nabangon sa kanila.

"Hoy PNP! Napakatulog mantika mo! Panget na nga pandak na nga, tulog mantika pa!" Sigaw ko kay PNP/Kaitlyn pero di parin sya nagising.

"Aish." Bulong ko

Nakaligo na ako't lahat lahat mga tulog parin sila. Nalinisan ko na yung bow and arrow ko tulog parin sila! Napaka-!!!!

Pumunta ako sa kama ni Aira.

"Hoy! OA na babae! May SUNOG!!!!" Sigaw ko

Pero di parin sya nagising. Tsk

Pumunta naman ako sa harap ni Rhian.

"Hoy! Rhian! Alam mo bang bwisit yang Kuya mo! Napaka nya!! Napaka-panget! Gumising ka na nga!" Sigaw ko.

Mukhang mapapaos ako kakasigaw ah?

Sisigaw pa sana ulit ako nang pumasok si Reina. Nakaligo na sya tapos, ayun nakakatakot parin itsura nya.

"Rhian, Aira, Kaitlyn, 50 laps around the house." Sabi ni Reina

Narinig ko naman na tumayo agad si Aira.

Aba! Pag Kay Reina sumusunod sila! Sa akin hindi? Hustisya!

"60 laps Rhian, Kaitlyn." Seryosong sabi ni Reina

Agad agad na tumayo si PNP at si Rhian. Nagtakbuhan sila sa CR. Habang si Aira nasa cr na.

Tinignan naman ako ni Reina.

"What?" Inosente kong tanong.

"20 laps around the house." Sabi ni Reina

"Huh? Wait! Kanina pa ako gising." Sabi ko

"10 laps every morning for exercise, then 10 more laps dahil hindi mo sila nagising. Add another 10 because you asked me why." Sabi ni Reina

10 + 10 + 10..... 30?!?!

"Wait Reina----" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Reina

"40 laps." Sabi ni Reina at lumabas ng kwarto namin.

Waaaaaaaah!!! 40 laps! OMG!

Tapos---- around the house pa??? Papayat ako nyan!

~~~~

When she said around the house literally around the house. Tapos may mga X-marks pa eh kaya ayun baliko baliko yung daan namin. Parang zigzag amp.

Then natapos din ako at agad na umupo. Woooooh! Pagod na ako! Sumunod si Aira kasi 50 laps lang sya. Tapos si PNP kasi nga sanay na yan tumakbo. Then lastly si Rhian.

Uupo sana sya kaso biglang dumating si Blaze at sinabi na

"Get up. Practice na tayo. Without weapon first." Sabi ni Blaze

Kaya agad na napasimangot si Rhian.

Sumunod kami Kay Blaze na hindi ko alam kung saan pupunta.

Then dumating kami sa training room. Ang laki nya as in. I think kasya dito 40 na king size beds. 

"Dito tayo magti-training ngayon." Tumigil si Blaze sa pagsasalita

Gusto ko sana sabihin na 'malamang dito magti-training alangan dito tayo kumain diba?' Gusto ko sana sabihin kaso baka pahirapan ako wag na.

"By telling you na walang weapon included it means hindi pwede ang weapon nyo. But pwede ang weapons na dala KO. And its just one weapon. Lahat ng specialty nyo dala ko. Pero to add some fun isa lang dapat ng weapon na gagamitin nyo. Pare-parehas dapat." Sabi ni Blaze

The Ice QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon