Secret XVI

14 1 0
                                    

"Lastly, don't date anyone or don't you dare be with a guy while I'm away or else I'll hunt him down and make him pay for touching what's mine!
Sincerely, husband Mingyu"

Gee! Nakakakilabot! Parang naririnig ko pa nga ang boses nya habang sinasabi ang mga salitang yun. Pakiramdam ko tuloy andito talaga sya. Haaaays! Ang boring! Sa Friday ko pa ulit makikita ang Mokong na yon! Waaaah! Ano ba yan, Cliff! Bakit mo ba iniisip pa yon! Umayos ka nga, Cliff! Hindi mo sya namimiss! Bakit mo naman mamimiss ang lalaking yon?! Walang dahilan Cliff! Waaaaah! Magaayos na nga ako para makapunta na ako kina Clein! Baka nahihibang na ko kakatigil sa bahay na to!

"Done! Kailangan ko na lang tawagan si Clein para makapagpasundo na ko dun sa pinagbabaan nya sakin."

Kahit malayong lakarin at kahit may dala ako, okay lang! Wala dapat makakita sakin na lumalabas at pumapasok ako sa bahay ni Mingyu. Todo ingat dapat. Ayaw pa naman nun ng issue. Masisira daw ang image nya. Nye nye nye!

"Nasaan na ba si Clein? Parang antagal naman nun!"

"Girl! Sorry! Kanina ka pa ba? May binili pa kase ako e. Hahahahhahaha!"

"Hindi naman. Okay lang."

"May dala kang gamit. So ibig sabihin dun ka din titira kasama namin?"

"Yup. Pero uuwi ako sa bahay every Friday Night at babalik tuwing Monday Morning."

"Eh? Bakit?"

"Para may tao sa bahay kahit weekends lang?"

"Okay ka lang ba kahit magisa?"

"Hmm. May kasama naman ako dun kaya okay lang."

"Ooooh, okay!"

"Okay na talaga? Wala ng tanong? So, pwede mo na ba ako tulungan sa pagpapasok ng mga gamit ko?"

"Ay! Oo naman, Girl! Sure sure! Hahahahhahaha!"

"Ayan! Okay na!"

"Let's go? Ready na?"

"Yup!"

Nakarating naman kami agad. Kase nga, gaya ng sinabi ko, medyo malapit to sa bahay kaya hindi masyado matagal ang byahe. Pagkapasok na pagkapasok ko pa nga lang sinalubong na ako nung dalawa!

"Beeeeeeeb! Waaaaah! Namiss kita! Hindi ka man lang bumisita!"

"Oo nga! Hindi ka din nagrereply! Hmp!"

"Hoy! Bumisita na ko! Tulog na tulog na nga kayo e! Kaya hindi na din ako nagtagal masyado!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly Married Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon