AshleyMay pasok ako ngayon pero hindi na ko pumasok kasi ngayon namin susunduin si ate.
Ang alam ko, 6 am ang baba nila sa airport. Kaya ito nagmamadali kami ni papa. Parehas kaming excited. Sa wakas after four years makikita at makakasama ko na ulit ang ate ko.
Walang paglagyan ang ligaya ko habang bumibiyahe kami. Nagrent kami ng isang kotse. May ipon naman si papa kaya okay lang.
"Pa mas matangkad na kaya saakin si ate?" Tanong ko. Noong bata kasi kami mas matangkad ako sa kanya, pero base sa mga pictures niya sa facebook eh, mukhang tumangkad nga siya.
"Hindi ko lang alam. Pero balita ko model na daw ang ate mo. Pero sandali naalala mo yung mga bata pa kayo?"
"Oo naman po pa. Makakalimutan ko naman po ba yun?" Pagkasabi ko noon eh, bigla natahimik si papa. Hindi lo na lang pinansin, siguro kinakabahan lang din siya kagaya ko.
Malapit na kami sa airport, ito na yun. Makikita ko na ulit ang ate ko.
Pagkakababa namin eh, naghintay kami sa may labas. Naka sweater daw si ate dahil malamig daw sa Japan ngayon.
Nakatingin ako sa pinto at nagbabakasakaling makita ko na agad si ate. After 15 minutes eh, wala pa din si ate. Nagpaalam si papa na bibili lang tubig. Umupo muna ako sa mga upuan doon.
Ang tagal naman ni ate, gusto ko na siyang makita.
Nakita ko si papa na may dala, tumayo ako kaso pagtayo ko may nabanga ako at aksidenteng natapon ko sa kanya yung dala niya. Nako po!
"Oh my!" Sigaw nito.
Nataranta ako, agad akong kumha ng panyo at pinunasan siya.
"Nako sorry po!" Aabi ko habang pinupunasan siya.
"Ashley?" Napatigil ako sa pagpupunas. Kilala niya ko? Nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso ko parang gustong umali ng puso ko sa dibdib ko.
Dahan dahan kong inangat ang tingin ko. Isang magandang babae ang nakita ko. Medyo matangkad siya saakin at naka sweater siya.
"Ate Chloe?" Mahina kong tanong. Nagkatinginan kami.. Yayakapin ko na sana siya kaso umisod siya.
"Hindi ako makapaniwalang nandito ka na ate." Sabi ko pero inirapan lang ako nito. Anong nangyayari?
"Anak! Anak ikaw na ba yan?!" Sabi ni papa, nakalapit na pala ito. Nagyakapan silang dalawa. Napaiyak si papa, ako naman nakangiti lang. Masaya ako para kay papa.
Kumain lang kami sa labas tas umuwi na rin. Siguro nananibago lang kaming dalawa ni ate kaya ganito trato niya saakin. Dahil dalawa lang kwarto namin eh magkatabi kami ni ate sa kama. Parang nung bata lang kami.
"Isa lang kama?" Tanong ni ate.
"Oo ate eh, saka ayaw mo nun magkatabi tayo sa kama?" Sabi ko at todo ngiti pa.
"Ofcourse ayoko no." Nawala ang ngiti sa mga labi ko pagkatapos niyang sabihin yun.
"Ah eh.. Dadalawa lang kasi kwarto namin dito."
"You know what? Sa sahig ka na lang. Okay?" Okay lang naman saakin na matulog sa sahig eh.
"Sige ate."
Humiga si ate sa kama at pumikit. Ewan ko ba pero hindi ko maiwasang titigan siya. Ang laki na ng pinagbago niya. At nakakalungkot lang iba na yung trato niya saakin.
"What?!" Tanong nito. Umiling lang ako. Umalis na muna ako sa kwarto para makatulog siya.
---
Hindi ako umakyat buong maghapon sa kwarto namin ni ate. Ayokong maistorbo siya. So, nagbake na lang ako. Kahit medyo kapos kami ni papa eh, binibigyan niya ako ng pera pambili ng mga gagamitin ko sa pagbabake, mahilig kasi akong magbake.
Sana magustuhan 'to ni ate.
Bandang 4 ng hapon nakita kong bumbaba na sa taas si ate.
"Kamusta tulog ate?" Sabi ko habang nire-ready yung cupcakes na binake ko.
Umupo 'to sa harap ko at tumingin sa mga cupcakes na ginawa ko. Sigurado akong magugustuhan niya 'to. At saka alam kong gutom na siya.
"Oo nga pala ate, nagbake ako ng cupcakes para sayo. Speciality ko yan. Tikman mo." Nilapit ko sa may mukha niya yung cupcake kaso nabigla ako nung tinabig niya yung kamay ko.
"A-ate.." Mahina kong sabi, tumayo to sa pagkakaupo.
"DIET AKO!" Sigaw nito at umakyat na sa kwarto namin. Nalungkot ako.. Pinasan ko na lang yung mesa. Ako na lang siguro kakain nitong lahat. Mamaya eh, nakita kong paalis si ate syempre hinabol ko siya.
"Ate saglit! Saan ka pupunta?" Tinaasan ako nito ng kilay.
"Who are you to ask me where i'm going huh?"
"Kasi ate.." Di ako natapos sa pagsasalita kasi tinulak ako nito. Umalis na 'to. Ibang iba na siya keysa dun sa ateng nakilala ko noon. Kung sabagay matagal na naman yon.
----
Dahil wala akong magawa sa bahay eh, inayos ko na lang yung mga gamit ni ate. Nasa mga maleta pa kasi. At mukhang hindi ata marunong si te sa paglilinis dahil pagkapasok ko sa kwarto namin eh, nagkalat ang mga damit niya. Hanggang ngayon nag-aalala pa din ako kung saan siya pupunta.
Hindi pa niya saulo 'tong lugar baka maligaw siya.
Habang nag-aayos eh, biglang nagtext Alisha. Pupunta daw siya dito. Patay daw ako dahil hindi ako pumasok.
Wala kasing makausap yun bukod saaming dalawa ni Jeron. Si Jeron yung guy friend naming dalawa. At mukhang may something sakanilang dalawa.
Mamaya pa eh, may nagbukas ng pinto. Alam kong si Alisha na yun, feeling bahay niya na 'tong bahay namin eh.
"Hoy babaita bakit iniwan mo ko ha?" Napailing na lang ako, umupo kami sa sofa.
"May good news ako Alisha!"
"Ano yun? May boyfriend ka na?"
"Ano ka ba naman wala no! Alam mo namang wala pa sa isip ko yang pagbo-boyfriend!"
"Eh ano?"
"DUMATING NA SI ATE!" Sigaw ko. Kaso blangko lang ang ekspresyon nito.
"Alam mo nakadrugs ka na naman eh, ilang beses mo na yang sinasabi saakin pero sa panaginip lang naman nangyayari." Umiling ako.
"No. This time totoo na 'to. Kaya nga hindi ako pumasok eh, para sunduin siya sa airport." Nanlali ang mata nito.
"Talaga?!"
"Oo! Kyaaah!" Sabay pa kaming tumili at niyapos niya ako.
"I'm happy for you!" Alam niya kasing matagal ko ng pangarap na magkasama kami ni ate.
"EHEM! KUNG MAGLALANDIAN LANG KAYO PWEDE WAG DITO NAKAKAASIWA!" Napahiwlaay ako kay Alisha. Nandito na pala si ate may dla atong plastic.
Padabog tong umakyat sa taas. Anong nangyari don? Lagi na lang masungit ulo saakin ni ate.
Nag-iba na talaga siya.
BINABASA MO ANG
My Lesbian Sister #JustWriteIt #LGBTQ ML #3 Series
RomanceThis is my entry for 30 day challenge. This is a lesbian story and this is a third story of 'my lesbian series' Contact me at: FB: Isabel Medel IG: @sab.medel Email: akosisab05@gmail.com