Chapter 2

10.6K 158 8
                                    



Ashley

Bandang 7 pinauwi ko na si Alisha, kailangan ko na kasing magluto. Pauwi na rin si papa, habang nasa baba kami eh, hindi bumababa si ate sa kwarto.

Menopause na siguro yon, hahahaha. Nagluto ako ng adobo kasi alam ko matagal ng hindi nakakain si ate nito. You know nemen se ebeng bense puro pasta hahaha.

Bandang 8 natapos na ko. Nakadating na rin si papa.

"Ashley nasaan ang ate mo?" Tanong nito habang nagtatanggal ng sapatos.

"Nasa taas pa po 'pa. Hindi pa nga po bumababa sumula nung umalis siya eh."

"Umalis?" Tumango ako.

"Mabuti pa puntahan mo na ang ate mo para makakain na tayo." Sinunod ko naman si papa. Kinakabahan pa kong kumatok baka kasi sigawan na naman ako. Pero no choice nakakailang katok na ko wala pa ring nagbubukas ng pinto.

"Ate?" Tawag ko. Pero wala pa din, kaya binuksan ko na yung pinto at nakita ko si ate nanginginig at balot na balot ng kumot at nung jacket na makapal.

"Nako ate! Anong nangyari sayo?" Nag-aalala na ko. Umungol lang siya. Pagkahawak ko nilalagnat pala siya, hindi naman umulan kanina?

"Saglit lang kukuha lang ako ng bimpo." Bumababa ako para kumuha ng tubig. Wala si papa sa kusina, mamaya na lang siguro ako mag-e-explain sa kanya about sa nangyari kay ate.

Pinunasan ko siya. Tapos na kong punasan yung mukha niya at braso pero dapat ko siyang palitan ng damit, kinakabahan ako. Papalitan ko lang naman siya ng damit eh. C'mon Ash!

Kumuha muna ako ng pajamas niya sa cabinet. Lumunok ako nung sinisimulan siya huburan ng damit.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang malulusog niyang dibdib. Grabe! Pinagpapawisan ako, gusto kong tampalin ang sarili ko.

Natotomboy ba ko?! At sa sarili ko pa talagang ate! Jusqo! Mandiri ka nga Ash!

After ng pagdudurusa ko i mean pagbibihis kay ate eh, bumaba na ko. Nasa lamesa na si papa.

"Oh bat pawis na pawis ka? Nasaan ang ate mo?"

"May sakit si ate pa. Nilalagnat siya pero naayos ko na po siya. Papainumin ko na lang po ng gamot after ko po siyang pakainin."

"Nako napagod siguro sa biyahe. Nakalimutan ko ganan nga pala siya simula mung bata pa lang kayo." Umupo ako sa harap ni papa.

"Pa magkwento naman po kayo ng mga memories namin ni ate noon wala na kong matandaan eh kundi yung mga kinukwento niyo lang saakin." Totoo yun, hindi ko din alam kung bat ganon siguro bata pa lang talaga ako noon. Ganun naman talaga diba?

"Ah eh, saka na. Mabuti pa pagkatapos mong kumain eh, pakainin muna ate mo para makainom na ng gamot okay?" Tumango ako at sinunod yung sinabi niya.

Pagkapasok ko sa kwarto namin eh, mahimbing ng natutulog si ate, para itong anghel. Kaya hindi ako magtataka at naging model 'to sa ibang bansa.

"Ate.. Kain ka na." Medyo inalog alog ko 'to. Tinulungan ko siyang makaupo. Buti at nakakaupo na siya at hindi na siya ganun pinagpapawisan.

"Nako ate dat sinabi mong masama pala pakiramdam mo tas lumabas ka pa kanina." Panenermon ko dito habang pinapakain siya.

"Busy ka sa pakikipaglalandian eh." Pagkasabi nito nun eh humagalpak ako ng tawa.

"Ate may sakit ka na! Anong nakikipaglandian eh, si Alisha yon! Bestfriend ko! At babae ako no hahahaha!" Nag-iba ang ekspresyon nito, dumilim ang kulay brown na mata nito.

"Ate?" Inirapan lang ako nito pero hindi 'to tumutol sa pagpapakain ko sa kanya. Palabas na ko ng kwarto ng mapansin ko yung plastic na dala dala niya kanina. Pagtingin ko gamot.

Tatanungin ko na sana siya kasi nakapikit na 'to kaya lumabas na lang ako.

---

Dumaan ang dalawang araw at ganun pa rin siya saakin. Laging masungit nasanay na nga agad ako eh.

Lagi siya nakatingin sa laptop niya. Ang pagkakaalam ko next week na siya mag-aaral dun din aa pinapasukan ko.

"Ate!" Tawag ko sa kanya habang nakaupo siya sa sofa at nagce-cellphone. Tinaasan ako nito ng kilay. Umupo ako sa tabi niya.

"Ano ba.." Parang kinakabahan yung boses niya.

"May itatanong sana ako.."

"Ano yun?" Sabi nito habang nakatingin sa cellphone.

"Alam mo kasi ate tuwing nagpapakwento ako kay papa about sa childhood natin hindi siya nagkukwento. Nagkukwento siya kaso kakaunti lang . So.. Kung pupwede sana ate magkwento ka naman oh. Hindi mo na mimiss yung time ng mga bata pa tayo? I'm sure tanda mo pa yon." Nag-aabang ako ng response kaso blangko lang ang mukha nito at nakatitig lang sa phone. Psh. Kainis! Padabog akong tumayo at iniwan siya don. Bahala nga siya.

Kakasawa din siyang suyuin. Kung ayaw niya akong kausap di wag! Noon nga okay lang na hindi niya ako kausapin eh!

Pumunta na lang ako sa kwarto at nagkulong don. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Hays.

Nakakaburyo na sa bahay tas ganun pa yung kasama mo sa bahay!

Habang nagfafacebook ako biglang may nagchat saakin.

Clein Hemedes :Hoy!

Aba makahoy naman to! Feeling close lang?

Clein: ano seen lng miss lampa?

Nanlaki ang mata ko.. Posible kayang? Agad kong tinignan yung profile niya at ganun na lang ang gulat ko na yung lalaking nagchat saakin at yung lalaki ding nakabangga saakin! Fvck! Paano niya ako natagpuan?!

Clein: i'm sure ngayon alam mo na kung sino ako well.. Gusto kong makipagkita sayo sa monday.

Gusto niya ako for what?

Me: para saan?

Clein: basta. Magkita tayo sa gym ng uwian.

Magtatype na sana ako kasi blinock na niya ko! Bastos na lalaki!

My Lesbian Sister #JustWriteIt #LGBTQ ML #3 SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon