AshleyStart nung kiss na naganap saamin nagbago bigla si Chloe. Mas naging sweet siya saakin at lagi na niya akong kinakausap.
May nalalaman pa nga yung pagluluto eh. Isang umaga paggising ko may niluto siya. At guess what. Hotdog hahahaha pero infairness masarap ag di sunog.
Sobrang saya ng puso ko ngayon, hindi pa namin napag-uusapan kung ano kami at pareho namin alam na mali 'to. Miski ako hanggang ngayon naguguluhan pa din pero ayaw talagang tumigil ng puso ko eh.
Tuesday ngayon at sabay kaming pumasok ni Chloe kahit na mas maaga ako sa kanya.
"Hindi tayo kumain kanina ah? Nagugutom ka na ba?" Tanong nito habang naglalakad kami, yea naglakad kami para daw romantic. Jusqo. May ganitong side pala siya pakipot pa nung una hahaha!
"Hindi. Di ako nagugutom." Pagsisinungaling ko, nakakahiya kaya no! Tas ano ililibre niya ko?
"Are you sure?" Paninigurado nito.
"Oo naman--- *kruuu!" Nanlaki ang mata ko at tumigil ako sa paglalakad ng biglang kumalam ang tiyan ko. Ano ba naman tiyan? Makisama ka naman oh! Nakakahiya tuloy lalo.
"Hahahaha! Yan kasi sinungaling pa! Hahaha!" Pinagtawanan niya pa ko? Aba't! Inunahan ko siya sa paglalakad.
"Luh! Uy wait lang!" Pero hindi ako tumigil sa paglalakad at nagulat na lang ako ng niyakap niya ako patalikod.
"Sorna okay? Kain na kasi tayo. Treat ko naman eh."
Enebe kenekeleg eke! Hahaha!
"Ayaw." Parang batang sabi ko.
"Bakit naman? Nagugutom ka na kaya.." Umiling na lang ako.
"Ayaw mo talaga?" Umiling ulit ako.
"Ayaw mo ha? Sige hahalikan kota dito mismo pag di ka pumayag." Nanalaki ang mata ko sa sinabi niya. Nagsmirk lang 'to saakin. Argh!
"Oo na. Ito na nga po eh kakain na tayo. Pero pwede ako mamili kung saan?" Tumango 'to. BWAHAHAHA ako naman maghihiganti.
Mga ilang lakad lang eh, nakapunta na kami sa mga streetfoods vendor.
"Here. Dito tayo kakain." Sabi ko at nagsmirk din. Paniguradong ayaw niya sa mga ganitong pagkain.
"I miss eating this." Sabi ni Chloe at kumuha ng stick at nagtuhog. Marunong siyang kumain nito?
Pero..
Biglang sumakit ang ulo ko.
"Ate dito tayo da-date?"
"Oo dito. Hindi ko pa kasi kayang pakainin ka sa labas eh. Pero don't worry after kong magtapos ng 3rd year high school ililibre na kita."
"Talaga? Mahal talaga kita!" Niyakap ko siya.
"Mas mahal kita."
"Aray Chloe!" Tawag ko sa kanya. Agad naman niya akong inalalayan.
"Are you okay? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Umiling lang ako. Ano yun? Bat.. May naalala akong ganun.
"Are you sure? Pwede tayong umuwi para magpahinga ka."
"Hindi kaya ko naman. Nahilo lang ako."
--
Pagdating ko sa room eh, tumabi agad saakin si Alisha. Hindi na ganun kasakit ang ulo ko.
"Ikaw ha! Hindi ka na ansasabi saakin." Sabi ni Alisha napakunot ang noo ko. Alam na kaya niya?
"What do you mean?" Tinuro nito yung lamesa ko at dun ko lang napansin na may roses don.
Kinuha ko yun. Tatlong pink roses siya.
"Kanino galing 'to?" Wala naman magbibigay saakin ng flowes eh. Siguro si Chloe. Napangiti tuloy ako. May nalalaman pa siyang ganito ha. Hahahaha.
"Ayiie ikaw ha! May lovelife ka na pala!"
"Ano ka ba wala no!" Pagdedepensa ko. Hindi naman sa kinahihiya ko si Chloe sadyang alam ko lang ang sasabihin ng iba pagnalaman nila.
"Wala daw pero pangiti ngiti ka pa diyan!"
Napailing na lang ako. Pero paano 'to nailagay ni Chloe dito eh sabay lang naman kami pumasok?
Noong lunch time na eh, nagmadali na ko. Kakakain daw kami sa rooftop ni Chloe ngayon.
Nagpaalam na ko kay Alisha na di ako sasabay sa kanya. Olay lang naman daw dahil may ka date siya. Nako yung babaeng yun talaga.
Pag akyat ko sa rooftop nandun na agad siya. Dala ko yung roses na bigay niya.
"Hi mahal." Sabi nito ar kiniss ako sa pisngi. Kainis nemen eh.
"Hahahaha you're blushing! Look!"
"Tse!" Kunwaring sabi ko.
"By the way thank you sa roses ha? Di mo sinasabi na may paroses ka pa! Hahahaha!" Sabi ko at inamoy ulit yung roses sa harap niya. You know pacute lang hahahaha.
"Ha? I didn't give you flowers. Actually ang ibibgay ko pa lang sayo ngayon at this chocolates. Nagsearch pa ko sa
Mga friends mo para malaman kung ano ang favorite mong chocolate." Sabi nito."Kung ganon kanino galing 'to?" Pagtataka ko. Ayan na naman yung ekpresyon niya. Sumeryoso na naman.
"There's someone hitting on you."
"Ha? Eh sino naman?"
"I dont know. Baka may sinisekreto ka saakin."
"What? Wala no! Nagseselos ka na naman ba?" Sabi ko, tumalikod to saakin. Nagseselos nga.
"Alam mo. No boyfriend since birth ako saka nayon lang ako nagkagusto no." Sabi ko at niyakap siya patalikod.
"I want label Ash."
"Label?" Tanong ko. Humarap siya saakin at hinawakan ang kamay ko.
"Will you be my girlfiend Ash?" Tanong nito.
"Chloe.." Yun lang nasabi ko. Mali na nga tong pagmamahalan namin tas.. Ito pa?
"Iniisip mo na naman ba ang sasabihin ng iba?" Tumango ako. Binitawan nito ang kamay ko at umupo.
"Damn it! Hindi ka naman ganan dati eh! Noong bata pa tayo!"
"Ha? Noong bata pa tayo? Anong ibig mong sabihin?"
"Its nothing." Sabi nito at nag iwas ng tingin. Naguguluhan na naman ako.
Tahimik lang kami don. Umupo na rin ako sa tabi niya. Oo inaamin ko mahal ko na siya pero sobrang mali na tong ginagawa namin eh.
"Ash.. Please? Gusto ko lang makasigurong akin ka lang."
"Sayo lang naman ako eh."
"Then please be my girlfriend. I want aasurance." Napapikit ako.
"Yes i will be your girlfriend ." Sabi ko at bigla ako nitong niyakap.
"I love you!" Sabi nito.
"I love you too.." Even its wrong. Sana hindi ako magsisi. Pero masaya ako at kami na.
BINABASA MO ANG
My Lesbian Sister #JustWriteIt #LGBTQ ML #3 Series
RomanceThis is my entry for 30 day challenge. This is a lesbian story and this is a third story of 'my lesbian series' Contact me at: FB: Isabel Medel IG: @sab.medel Email: akosisab05@gmail.com