Kidnap (Chapter 2)

16 1 0
                                    

Yhena's POV

Pababa ako ng hagdan. Naka Millitary na damit ako, terno, mula sumbrero, t-shirt, pants, relo hanggang sapatos.

"Ngayon na ang panahon! Humanda ka sa akin Angelo Dominguez!" Pataray kong sabi pagbaba ko ng hagdan sabay suot ng sumbrero pero wala akong kausap.

Habang nagmomoment ako ay dumating ang kapatid ko na nakasuot ng katulad ng akin mula ulo hanggang paa. May kausap siya sa cellphone nung dumating siya.

"Hello. Talaga? So naniwala naman sila? Haha.. Nice... So pupunta na ang Dominguez brothers dito. Okay sige. So pano girls? Will see you nalang dito ha. Bye" Iyan lahat ng sinabi niya sa kausap niya. Yung pananalita niya ay parang salita ng naghihiganti. Natuwa naman ako sa mga narinig ko kaya napangiti ako yung ngiting tagumpay.

"Paano ate Yhena? Are you ready?" Tanong ng kapatid ko.
"Super ready." Mataray kong sagot. "Let's do this." Pataray ko sabay lingon sa kaniya. Nakatalikod kasi ako sa kaniya all this  time.

*Angelo's POV

Pag dating namin sa resort, walang ginawa ang bunso kong kapatid na si Carlo kundi mag selfie. 

"Where here bro." Masaya kong sabi sa mga kapatid ko habang tulaktulak ang maleta.

"Tol, ang swerte mo talaga no?" Sabi sa akin ni Kevin (pangalawa saming magkapatid) sabay tapik sa balikat ko. "Biro mo ikaw pa yung nabunot doon sa raflle." Bola ni Kevin. "Makakapag bakasiyon na rin!" Masayang sigaw ni Kevin na may kasama pang bukas ng kamay na nakatingin pa sa langit. Para siyang sumisigaw ng 'Malaya na ako.' haha..

"Oo nga kuya Angelo. Magandang magselfie dito." Sabat ni Carlo.

"Ako pa ba Kevin at Carlo? Kaylan pa minalas ang pamilya Dominguez?" Yabang ko sa kanila. "Saka alam niyo mga bro? Nung nagpasabog si God ng kagwapuhan, naswertehan, napunta sa mundo ng mga Dominguez." Yabang ko sabay harap sa kanila. (Yabang ko talaga)

Pagkasabi ko non, nagtawanan kami lahat sabay sigaw ng "Ye Men!"

Habang nagsasaya kami ay biglang huminto ang mga kapatid ko sa pagtawa at parang may tinitingnan na hindi ko alam.

"Bakit? Sinong tinitingnan niyo Diyan?" Tanong ko sabay harap kung saan sila nakatingin.

Nagulat ako sa nakita ko kaya napasigaw ako ng "Yhena Alcantara!"

"Yes, Angelo Dominguez!" Masungit na sagot niya sabay pataray na kamay. Ganon din yung kapatid niya, kung ano kilos ni Yhena, ganon rin ang kilos ng kapatid niya. May nalalaman pa silang panguso.

Bigla akong kinalabit ni Kevin at nagtanong "Kuya, sino siya?"
"Oo nga, sino yan?" Singit pa ni Carlo.

"Wala yan. Ex ko." Sagot ko.

"Ate Yhena, tinawag kang EX oh." Sulsol pa ng mataray niyang kapatid na tinuturo turo pa ako.

"Hoy! Hindi mo ako naging ex, kasi hindi ako pumayag nung nakipag break ka sa akin!" Galit na sumbat niya sa akin.

"Alam mo? Kahit kaylan ang labo mo rin no?" Yan lang ang sagot ko sa lahat ng sinabi niya. Teka, may dagdag pa pala ako dahil nakabakasyon kami. "Pwede ba, wag mo kaming istorbohin sa bakasyon namin?" Paki-usap ko. "Hindi ba mga bro?" Sabi ko pa sa mga kapatid ko " Tara na nga, wag niyo nang pansinin iyan." Yaya ko sa mga kapatid ko sabay alis.

Kaya lang, paglingon namin sa likod, may nakita kaming tatlong babaeng kumakanta ng Tatlong Bibe na pababa ng hagdan, kaya napahinto kami sa paglalakad. Katulad ng kila Yhena ang suot nila mula ulo hanggang paa. Ano ito? May sayawan ba?

"Kami ang tatlong bibe at wala kayong kwentang mga lalaki! Kwak kwak kwak." Ang taray naman nila... Sino ba sila? "Lagot kayo sa amin! Kwak kwak" dagdag pa nung pinaka maliit sa kanila.
"Dahil niloko mo si ate Yhena namin! Kwak" Taray pa nung payat.

Kidnap By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon