Zyrah's POV
Nakatingin sa malayo si Kevin nang dumating ako.
"Kevin,asan si Carlo?" Tanong ko kaya bigla siyang napatingin sa akin.
Nakatingin lang siya at hindi sumasagot kaya tinawag ko ulit siya.
"Kevin." Aproach ko habang nakatitig siya sa akin. "Aalis na nga kayo,ayaw mo ba." Habang nagsasalita ako ay nakatingin at ngiti lang siya.
"Ah!" Bigla nalang siyang sumigaw at humawak sa tiyan niya.
"Oh! Bakit?" Tanong ko sabay hawak sa balikat niya.
"Ang sakit!" sigaw niya ulit.
"Anong nangyari sa iyo? Alin ang masakit?" Consern ko.
"Ang sakit!" Sigaw niya ulit sabay tayo kaya napasandal ako sa pader sa likod ko saka saka niya pinatong ang kamay niya sa pader."Gulat ka?" tanong niya. "Sorry ah. Nagulat mo rin kase ako eh. Ganda mo pala." Bola niya.
Wag kang ganiyan Kevin,kinikilig ako.
"Sana ako nalang." Sabi niya ng sweet.
"Ha?" Sagot ko sa sinabi niya. Wala kasi ako sa sarili non dahil sa kilig
"Sabi ko,sana ako nalang yung kinidnap mo hindi na yung puso ko." Banat niya.
Ano ba yan? Kinikilig ako!
"Alam mo? Kevin,wag kang gumaganiyan hindi kaya ako natutuwa." Baling ko para mawala ang kilig ko.
"Bakit? Kinikilig ka kaya." Asar niya
"Hoy,hindi ha. Ako kinikilig? Hindi kaya." Palusot ko.
"Pero naka smile ka." Bawal ba ngumiti?
"HIndi. Hinde." Sagot ko sabay pigil ng ngiti.Hinaplos niya yung balikat ko. Pero tinitigan ko lang siya.
"Sa akin nalang ang mga mata mo." Ano daw?
"Ha?" Tanong ko. Hindi ko kasi gets.
"Sabi ko,akin nalang yung mga mata mo." Ulit niya sabay haplos sa may gilid ng mata ko. "Mata,MATAmis mong oo." Tuloy niya. Napangiti ulit ako. Banat pala yon.Umalis ako ng nakangiti pero sinundan niya ako. Hindi pa ako nakakalayo ay lumingon ulit ako.
"Ano? Narealize mona na pogi ako?" Lakas ng tiwala niya sa sarili niya... Grabe!
Pagkasabi niya non ay hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at dinala papunta sa pader.
"Zyrah,ingat." Kabado niyang sabi. Bakit kinakabahan ka ngayon? Hindi ba ito ang gusto mo?. "Ganto na ba ako kagwapo kaya gusto mo akong halikan." Sabi niya habang unti-unti kong nilalapit yung mukha ko sa mukha niya,siya naman,lumalayo.
Tinapik ko yung mga pisngi niya sabay sabing... "Kevin,be patient." Sabay alis.
-Oo na,kamukha mo na si Tom Rodriguez- Sabi ko sa isip ko ng nakangiti bago tumuloy sa pa-alis.
Habang naglalakad ako palayo kay Kevin at tinitignan kung tanaw ko pa siya ay nabunggo ko si Carlo na busy sa cellphone niya. Pagkabunggo niya sa akin ay natumba ako,buti nalang nasapo rin niya ako agad.
-Bakit parang may kuryente? Hindi tuloy ako makatingin sa mata niya.- Sabi ko sa isip ko pagkasapo niya sa akin,ang gawapo rin niya kasi,parang yung kuya niya na si Kevin.
Tinayo niya ako saka siya nag-sorry at kinumusta ako.
"Ah... Zyrah,sorry. Are you okay?"
"Okay lang ako." Sagot ko nang medyo nangingiti.Buti nalang dumating si Kevin,kung hindi,sasabog ako dito.
"Bro!" Aproach niya kay Carlo pag dating niya.
"Oh." Sagot ni Carlo sabay bitaw sa mga kamay ko.Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap sila.
"Okay na yung tiyan mo? Success ba?" Tanong sa kaniya ni Kevin.
"Ha?"-CarloAno ba yan,bakit pareho ko kayong gusto?! Naguguluhan ako!
Habang na-uusap silang magkapatid ay nagpaalam ako para hindi na ako maka-istorbo sa kanila at para makatakas na.
"Akyat lang ako ha. Puntahan ko lang si ate Yhena." Paalam ko sabay mabilis na alis.

BINABASA MO ANG
Kidnap By Love
Short StoryNakipagbreak sa akin ang boyfriend ko sa call. Pero hindi ko matanggap na hiwalay na kami,kaya gumawa ako ng paraan para magkabalikan kami. At ito ay sa pamamagitan ng Kidnap. #Wattys2016