New Love (Chapter 4)

3 2 0
                                    

Zyrah's POV

Hinatid na namin ni ate Yhena ang magkakapatid pababa ng hagdan. Kaya lang habang pababa sila bigla akong nalungkot. Naisip ko kasi na malungkot at tahimik nanaman ang bahay dahil kami nalang ulit dalawa ni ate.

Pero hindi pa sila tuluyang nakaka-baba ay lumingon silang tatlo sa amin at nagtanong kung pwedeng mag-extend.

"Pwedeng mag-extend?" Tanong nila.

Sa sobrang saya namin ni ate,agad kaming sumagot ng "Yes!" nang masayang-masaya.

"Yes!" Siagw nilang tatlo sabay akyat. "Tara,tara!" Masaya nilang sabi habang pa akyat.

Pagka-akyat nila ay agad akong hinawakan ni Kevin at sinama papasok. Napansin ko na nung hinawakan ako ni Kevin ay napahinto si Carlo at mukhang nalungkot kaya binalikan ko siya.

"Tara." Yaya ko sa kaniya ng may malaking ngiti sa mukha ko sabay hila sa kaniya.

Yhena's POV

Paakyat ako ng hagdan nang makita ko si Angelo na nakatayo at nakatalikod ng nakalagay ang kamay sa puso,parang pag-umaawit ng Lupang Hinirang. Kaya pag-akyat ko ay tumingin agad ako sa paligid kung anong meron.

"Ano yan?" Tanong ko sa kaniya ng medyo natatawa.

Humarap siya sa akin ng nakahawak parin sa puso.

"Yhena,Lupang Hinirang ka ba?" Banat niya.
"Ano?" Tanong ko.
"Kasi alam mo? Sa tuwing nakikita kita,napapatigil ako,at alam mo kung ano pa ang mas matindi don? Napapahawak ako sa puso ko." Banat niya pa ulit sabay baba ng hagdan pero bago siya tuluyang bumaba ay lumingon muna siya ulit at may pahabol pa.

Nag-alog siya ng barya saka nagtanong. "Ay! Yhena. Barya ka ba?"
"Bakit?" Sagot ko.
"Eh... Kasi... Umaga palang kaylangan na kita."

"Pizza ka ba?" May pahabol parin siya.

"Oh,bakit?"-Ako
"Kasi crust kita." SweetCorn (Corny pero Sweet) na ha.

"Pero alam mo Yhena? Alam mo? Una palang,minahal na kita kaagad eh,pero ngayon,ayaw ko na." Pagalit niyang sabi kaya natakot ako na baka iwan niya ulit ako dahil hindi rin siya makatingin sa akin at sa malayo siya nakatingin.
"Bakit ayaw mo na?" Malungkot kong tanong.
"Kasi ayaw ko na! Ayaw ko nang maghanap ng iba!" Pagalit niyang banat sabay harap sa akin.

Napangiti niya ako don ha... :D

"Yhena,marunong ka bang magbilang?" Ano ba yang walang kwentang tanong na yan?
"Oo naman!" Inis kong sagot.
"Weh? Sige nga,anong susunod sa I love you one?" Tanong niya.
"two." Sagot ko.
"Two?" Gulat niyang tanong.
"Two." Sagot ko ulit.
"Anong two?" Malungkot niyang sagot nang nakatingin sa malayo.
"Two. One,two." Sagot ko ulit nang nakangiti para ma-asar siya.

Lumukot yung mukha niya nung sinabi ko yon kaya sinabi ko na yung gusto niyang marinig.

"Sige na nga,I love you two." Masaya kong sabi.

Napangiti siya sabay harap sa akin. "Talaga?" Masaya niyang tanong sabay akmang hahalikan ako kaya pinigilan ko siya.

"Oh... Oh,oh,oh... Tama na yan. Ayan ka nanaman." Sabi ko sabay lagay ng hintuturo ko sa labi niya at tinulak ko na rin.

"Akala ko okay na. Haha.." Sabi niya sabay hawak ng kamay ko saka kami bumaba ng hagdan.

"Hindi pala araw-araw pasko no?" Sabi niya nang tumatawa habang pababa kami ng hagdan.

Kidnap By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon