Habang naglalakad ako at busy sa cellphone ay bigla kaming nagkabunggo ni Zyrah na hindi nakatingin sa dinadaanan at parang may nilalayuan. Pagkabunggo niya sa akin ay natumba siya,buti nalang nasapo ko siya agad.
Tinayo ko siya saka na ako nag-sorry at kinumusta ko kung okay lang siya.
"Ah... Zyrah,sorry. Are you okay?"
"Okay lang ako." Sagot niya nang nagpipigil ng gingiti.Moment na sana namin yon,kaso biglang dumating si Kevin at kung ano-ano ang sinabi na hindi ko maintindihan.
"Bro!" Aproach niya pag dating niya.
"Oh." Sagot ko sabay bitaw sa mga kamay ni Zyrah.
"Okay na yung tiyan mo? Success ba?" Ano daw? Napano ba yung tiyan ko? Anong success?
"Ha?" Curious kong tanong.Habang na-uusap kaming magkapatid ay biglang nagpaalam umalis si Zyrah.
"Akyat lang ako ha. Puntahan ko lang si ate Yhena." Paalam niya sabay alis.
"Bro." Sabi ni Kevin sabay palo sa tiyan ko.
"Ah... Oo,okay naman." Sagot ko nalang para tumigil na siya.Pagkatapos umalis na siya.
"Panira ng moment ko si Kevin." Sabi ko sabay alis na rin.
BINABASA MO ANG
Kidnap By Love
Short StoryNakipagbreak sa akin ang boyfriend ko sa call. Pero hindi ko matanggap na hiwalay na kami,kaya gumawa ako ng paraan para magkabalikan kami. At ito ay sa pamamagitan ng Kidnap. #Wattys2016