Kevin's POV
Nakatingin ako sa malayo ng biglang dumating si Zyrah.
"Kevin, asan si Carlo?" Tanong niya.
Napatulala ako sa kagandahan niya kaya hindi ako nakasagot.
"Kevin." Aproach niya habang nakatitig ako sa kaniya, kaya nabalik ako sa senses ko. "Aalis na nga kayo, ayaw mo ba?" Habang nagsasalita siya ay nakatingin lang ako at nakangiti.
Bakit mo ba hinahanap si Carlo? Nandito naman ako. Kung magsakit-sakitan kaya ako, mapapansin mo ba ako?
"Ah!" Sigaw ko sabay hawak sa tiyan ko.
"Oh! Bakit?" Tanong niya sabay hawak sa balikat ko.
"Ang sakit!" Drama ko.
"Anong nangyari sa'yo? Alin ang masakit?" Consern niya.
"Ang sakit!" Sigaw ko ulit sabay tayo kaya napasandal siya sa pader sa likod niya saka ko pinatong ang kamay ko sa pader."Gulat ka?" Sweet kong tanong. "Sorry ah. Nagulat mo rin kase ako eh. Ganda mo pala." Bola ko. "Sana ako nalang." Sabi ko. Syempre sweet.
"Ha?" Sagot niya sa sinabi ko.
"Sabi ko, sana ako nalang yung kinidnap mo hindi na yung puso ko." Banat ko.Mukhang kinikilig na siya... :)
"Alam mo? Kevin, wag kang gumaganiyan hindi kaya ako natutuwa." Palusot niya, eh halata naman sa mukha niya na kinikilig siya.
"Bakit? Kinikilig ka kaya." Asar ko.
"Hoy, hindi ha. Ako kinikilig? Hindi kaya." Palusot niya.
"Pero naka smile ka."-Ako
"HIndi. Hinde." Sagot niya sabay pigil ng ngiti.Hinaplos ko yung balikat niya para kiligin siya. Pero tinitigan lang niya ako.
"Sa akin nalang ang mga mata mo." Banat ko.
"Ha?" Tanong niya. Hindi niya ata gets na pick-up yon.
"Sabi ko, akin nalang yung mga mata mo." Ulit ko sabay haplos sa may gilid ng mata niya. "Mata, MATAmis mong oo." Tuloy ko. Napangiti ko ulit siya.Umalis siya ng nakangiti at sinundan ko naman siya pero hindi pa siya nakakalayo ay lumingon ulit siya.
"Ano? Narealize mo na na pogi ako?" Lakas ng tiwala ko sa sarili ko no?
Pagkasabi ko non ay hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at dinala papunta sa pader.
"Zyrah, ingat." Kabado kong sabi sa kaniya, baka kasi ano gawin niya. "Ganto na ba ako kagwapo kaya gusto mo akong halikan." Sabi ko habang unti-unti niyang nilalapit yung mukha niya sa mukha ko, ako naman, lumalayo.
Tinapik niya yung mga pisngi ko sabay sabing... "Kevin, be patient." Sabay alis.
BINABASA MO ANG
Kidnap By Love
Short StoryNakipagbreak sa akin ang boyfriend ko sa call. Pero hindi ko matanggap na hiwalay na kami,kaya gumawa ako ng paraan para magkabalikan kami. At ito ay sa pamamagitan ng Kidnap. #Wattys2016