Heal 6

3 0 0
                                    

Keith's PoV

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Pero shocks! Ang sakit ng ulo ko! Nagtaklob ako ng unan sa mukha para sana mabawasan ang sakit nito, pero hindi sobrang sakit talaga. Parang pinipiga ang ulo ko. Grabeng hang-over ang nangyari sakin. At ang masaklap pa wala akong maalala na nangyari sakin kahapon sa bar. Kung ilang bote ba ang nainom ko, at kung paano ako nakauwi sa bahay namin. Hindi naman pwedeng nag-sleep walk ako. Tangina! Ang sakit talaga huhuhu.


Tiningnan ko ang oras sa alarm clock na nakalagay sa side table 3:15am palang?! Ibig sabihin hindi ako kumain ng hapunan, kaya pala kumakalam ang sikmura ko.


Bumaba ako para magtimpla ng kape kahit medyo naduduling pa ang paningin ko.



"Oh, gising kana?" nagulat ako dahil andito si Zariah sa bahay namin. Anong ginagawa ng isang 'to dito?



"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko saka ako humigop ng tinimpla kong kape.


"Simple lang dahil hinabilin ka samin nina Tita" pumunta naman siya sa kitchen at nagkanaw ng gatas.


Tinaasan ko siya ng kilay "Anong ibig mong sabihin?" at humigop ulit ako ng kape.


Bago siya magsalita uminom muna siya ng tinimpla niyang gatas. "Their going to Hawaii for business trip. Kasama doon ang Daddy mo" napatango ako. "Ba't hindi man lang nila sinabi sakin?" Nakapatong ang baba ko sa mga kamay ko. Nakakatampo naman, mas nagpaalam pa siya sa kaibigan ko kesa sakin. Ako ang anak diba?! Pero hindi narin naman ako nagulat sa pag-alis nila kasi minsan narin silang umalis at lagi akong naiiwan sa mga kaibigan ko.




Humarap siya sakin ng nakapamewang "kung hindi ka kasi naglasing kagabi, edi sana nakapagpaalam sila ng ayos sayo!!" Grabe kung namermon ah? Nanay ko ba siya?! "Eh kasi ano..." ano nga ba idadahilan ko.


"Ano-ano ka diyan! Yan, kakainom mo!! Tapos nagsinungaling kapa na nasa coffee shop ka ha?!" Hinampas niya pa ang braso ko. Napaka-amazona naman nito! Pero natatakot talaga ako sakanya everytime na nagagalit siya ng ganyan.


Napakamot nalang ako sa ulo ko. Biruin mo yun, alas tres palang ng umaga sumisigaw na kagad siya ng ganyan. "Mahiya ka naman sa kapit-bahay Zariah" paalala ko sakanya.



"SUBDIVISON 'TO KEITH CLAIRE LOPEZ AT WALA KA MASYADONG KAPIT-BAHAY!" alam ko naman yun e. Kailangan niya pang isigaw sakin! Napatungo nalang ako. Isusumbong ko talaga 'to sa Gabriela. Grabe e.


"What's happening here?"


"You two are so ingay! Natutulog kami upstairs oh!"


"Hindi pa sumisikat ang araw, nagbabangayan na kagad kayo!" Nakita kong bumaba sa hagdan sina Kiera, Violet, at Colette. Anong ginagawa ng mga 'to sa bahay namin?! Masyado ba talaga akong nalasing kagabi?

"Bakit kayo nandito?!" Tinaasan ko sila ng kilay. Hindi ko naman talaga alam kung bakit sila andito. Si Violet may pipino pa sa mata nung bumaba at may kulay puti na nakapahid sa mukha niya. At yung dalawa nagkukusot pa ng mga mata at ang gugulo ng mga buhok.

"Dito kami titira hangga't hindi pa nakakabalik sina Tita" pagpapaliwang ni Colette.


"Gaano ba sila katagal mawawala? At kailangan niyong tumira dito?!" Tanong ko, pero ang totoo natutuwa ako na andito sila. Syempre uma-acting lang naman ako.


"We don't know. Siguro matatagalan" pagpapaliwanag naman ni Kiera. Tumango nama ako, hindi na ako nabigla sa sinabi niya. Ganun naman sila e, basta pagdating sa business.

LOVE HEALS [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon