Heal 4

3 0 0
                                    

Keith's PoV

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa river park sa likod nitong mall.

Napaka peaceful ng lugar na 'to malalanghap mo ang sariwang hangin na nanggagaling sa puno at tubig. Good thing dahil napaka linis ng lugar na 'to.

Iniwan ko narin yung lalaking naki-share sa table ko dung sa resto.

Binuksan ko ang beer na nasa latang hawak ko. Hindi ako lasinggera sadyang gusto ko lang uminom. Basta trip ko gagawin ko.

"Ang sarap ng hangin." Sambit ko. Tsaka ako huminga ng malalim.

May mangilan-ngilan---erase karamihan pala ng tao dito ay mga couple. Fvck! Nang-iinis ba sila? Siguro naman hindi. Maybe nagkataon lang. Hayys, nakaka-imbyerna!

Lumagok ako ng beer at tsaka nagpatuloy sa pag-iiscan ng buong area.

"Ate! Ate, para po sa inyo." Nagulat ako dahil may inabot sakin yung batang lalaki na nasa edad limang taon na isang rose na white.

Buti nalang hindi red. "Para sakin ba talaga 'to?" Paninigurado ko baka kasi nagkamali lang yung bata. Ang dami pa namang paasa sa mundo.

Tumango naman yung bata at tsaka tumakbo paalis. I smiled secretly, tsaka ko siya pinicturan.

"Lord, is this a sign?" sign ba 'to na may darating na bago sa buhay ko? Oo, gusto kong may dumating pero siguro hindi pa ako handa sa kung anong mangyayari.

What if saktan uli ako? What if iwan ulit ako? What if paasahin ako? Hayys, hindi pa ako handa. Pero--"give me a sign. A sign of happiness, trust, love, strength, forgiveness, hope, and a new beginning." I took a loud sigh.

Naglakad lakad muna ako dito sa buong park. I wish that all my wishes will be granted.

Zariah's PoV

"Isang choco mousse"

"Yun lang po ba Mam?" Tumango ko bilang sagot.

Umupo ako sa isang vacant seat habang hinihintay yung inorder ko.

Nakakapagod kayang hanapin at sundan si Keith, bakit ba kasi ako lang yung naghanap dun sa babaeng yun. Hindi man lang ako sinamahan nung tatlo.

Buti nalang mabilis kong nahanap kung nasaan naroon si Keith dahil may nakakabit na GPS sa cellphone niya.

"Here's your order Mam." muntikan na 'kong atakihin sa gulat dahil bigla-biglang sumusulpot itong waiter na 'to.

Tumikhim muna ako bago ulit tumingin sa malayo.

Hanggang ngayon iniisip ko parin kung bakit sa mall pa nagpunta si Keith. Pwede naman sa bahay ko or sa bahay nung tatlo.

Pero wait---

Sino yung lalaking yun?

Nakatago siya sa isang gilid kung saan hindi mo kagad siya mahahalata. Buti nalang malinaw ang mata ko.

Sinundan ko pa ng tingin kung sino yung tinitingnan or sabi na nating sinusundan niya.

Familiar yung likod nung babae at kung hindi ako nagkakamali si Keith yun! Si keith yung sinusundan niya?

Agad-agad kong inayos ang gamit ko para sundan yung lalaking sumusunod kay Keith. Letse! Baka may masamang binabalak yun sa kaibigan ko. Aba! Hindi ako makakapayag.

Pasara na yung pinto at handa ko nang sugurin ang lalaking yun kaso lintik--"aruuy" ang sakit ng paa ko.

Pinilit kong tumayo habang inaalalayan ang paa ko mukhang napasama ang pag-apak ko. Pero ilang beses din akong na-failed dahil hindi ko talaga kayang makatayo.

LOVE HEALS [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon