Heal 7

4 0 0
                                    


Keith's PoV


Umupo siya sa vacant seat sa kabilang dulo. Natapos na ang dalawang subject pero hindi ko parin maalis ang tingin ko sakanya, para kasing nakita ko na siya dati e. Weird.



Nakarinig ako ng sigaw ng mga babae na papunta sa room namin. Recess na kasi. Tiningnan ko naman kung sino ang mga yun. Sino paba edi yung mga kaibigan ko..


"You're so bagal kumilos talaga friendlaloo" naka-cross arms na sabi ni Violet.

"Tara na bes, nagugutom na 'ko" hinila na ako palabas ni Colette sa room namin. Ganyan sila mainipin.



Bumili kami sa canteen ng makakain at umupo sa vacant seat. Medyo marami naring tao pero hindi ganun kaingay, syempre college na kami kaya dapat kilos college narin.


"Ilan nalang ang natitirang subject niyo ngayon guys?" -Zariah


"Isa nalang sakin" -ako


"Me too" nakataas kamay na sagot ni Violet


"Isa nalang din pero 2hrs ang itatagal nun" -Kiera


"Actually 2 subject lang naman ang meron ako ngayon. So it means, pwede na 'kong umuwi" -Colette



"No you can't" -Kiera


Tinaasan naman siya ng kilay ni Colette. "Why?"


"You're so so so unfair girl!" Sagot naman ni Violet.


"Tama! Hihintayin mo kami sa ayaw at sa gusto mo." Sagot ko at binigyan siya ng mapanlokong ngiti.


"Fine! You win"



"Don't worry Colette. I'll go with you" sabay kindat ni Zariah kay Colette. "Really?!" Halos magningning ang mata nito. Tumango naman si Zariah. "Buti nalang. Akala ko maiiwan akong mag-isa e." Pabata effect ni Colette. "Basta libre mo!" Inapiran namin siya sabay tawa namin.


"Mga utak niyo rin e 'no?" Padabog na lumabas ng canteen si Colette. Tumawa muna kami at nagkatinginan bago namin siya sinundan.

***


Nakauwi na kami galing school, actually kanina pa talaga. Kumain narin kami ng hapunan bago umuwi ng bahay kaya ngayon andito kami sa kwarto ko. Dito kami natutulog na apat dahil malaki naman 'tong kama ko.


Yung nangyari nga pala kanina sa school nung hinabol namin si Colette, wala kaming teacher nun kaya tengga kaming lima sa garden ng school. Ayun bwinisit namin si Colette mapapayag lang na ilibre kami. And no choice siya nilibre niya kami kahit na labag sa loob niya.



"kanina pa nakabusangot yang mukha mo Colette. Pfft" pang-aasar ko. Inirapan naman niya ako kaya mas lalo akong natawa.


"Kamusta nga pala mga first day niyo?" Tanong ni Kiera. Nakaupo kami sa sahig ngayon at may kanya-kanyang hawak na unan.


"Omy! May gwapo sa room namin!" Sigaw ni Violet habang kinikilig pa.



"Ganun parin orientation blah blah blah. May isa ring gwapo sa room" sagot naman ni Colette.


"Same as yours. May gwapo rin pero di ko type" sabi naman ni Zariah. Tumango-tango ako, so sila rin pala may mga kaklase na gwapo? galing lang.



"BAKIT MAY SINABI BA KAMING TYPE NAMIN?!" sabay na bulyaw ni Violet at Colette kay Zariah.


"Okay, easy.. sorry naman" nakataas kamay na sagot ni Zariah bilang tanda ng pagsuko.


LOVE HEALS [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon