TRUE FEELINGS chapter 5

9 0 0
                                    

Chapter 5

>>Renzcel’s POV<<

“Kuya naman! Tingin-tingin din sa daan pag may time!”

Pagsusungit sakin ng babae sa harapan ko na nanggagalaiti sa galit, teka babae ba to?

“Anu kuya nga-nga lang?”

“Ako pa ang may kasalanan? Ikaw nga itong hindi umiwas”

“Wow gentleman mo naman”

Hmm… nakakapagtaka naman hindi yata ako naiirita dito, siguro kasi hindi siya mukhang babae. Tingin ko porma niya lang yan, masubukan nga. Hihihi

“Kasalanan mo yan hindi ka kasi umilag, bulag ka kasi”

“Oo na sige, sorry po, sorry po sa susunod iilag na ako.”

O_O ß nagulat ako sa sagot niya, sa halip na magalit o mainis nagsorry nalang, wag ka magpapadala pacute lang yan.

“Buti alam mo, siguro dapat magpatingin ka sa spesyalista, baka kasi malabo yang mata mo”

“Opo sige try ko po. Thanks ha…”, sarcastic niyang sagot

“Talaga kaylangan mo na yan talaga”, medyo may pangiinsulto kong sabi.

“Saka bat ganyan ang damit mo hindi bagay sayo.”, ayan na ang bad side ko.

“Bakit hinihingi ko ba opinion mo?”

“Payong kaibigan lang kasi kung may gusto ka hindi ka niya papansinin kung ganyan yu--”

“Kung puro pangiinsulto lang naman ang gagawin mo, at wala kang balak palitan yung nabasa kong polo buti pa aalis nalang ako.”

O_O, woah hindi manlang siya nagalit ni onting hindi nya ako pinagmataasan ng boses WOAH.

Hindi manlang siya naoffend, weird niya… sinundan ko siya hanggang makarating kami ng parking lot.

>>Ezra’s POV<<

Andito ako ngayon sa parking lot at wow hulaan niyo kung sino yung sumunod sakin yung masungit na lalaki.

“Ano pong meron?”

“Bakit ikaw lang ba may karapatan pumunta dito?”

“Ay sori po akala ko kasi sumunod ka para magsori”, okay pahiya onti, bukas bawe.

“Oh ito, pasensya na medyo mainit kasi ulo ko kaya sayo ko naibuntong”

“Ay salamat, para san to?”

“Hindi ba nga nabangga mo ako kanina at natapon sayo yung kape”

“Ah! Salamat mabait ka naman pala” Wasuy! Deny pa si kuya, mabait naman pala.

Pumasok ulit kami sa mall at pumunta ako ng CR para magpalit, kaparehas lang ng suot ko ang pinagkaiba lang black n’ red lang yung kulay.

“Wow ang galing parang ka-size lang ng suot ko kanina, sayo ba to?”

“Oo, buti nalang at may dala akong extra sa bag ko”

“Salamat kuya…”

“Pasensya na talaga…”

“Okie lang saka madali lang naman ako kausap”

“May mga kasama ka ba?”

“Meron kaso humiwalay ako bale mamaya pa kami magkikita-kita”

“Libre nalang kita… tamang-tama wala din akong kasama humiwalay din ako, saka para makabawi sayo”

“Ge tara^_^”

TRUE FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon