Chapter 9
>>Ezra’s POV<<
“PUTCHATEK!!!”
“Aray naman ikaw na nga itong sinamahan ikaw pang may ganang manghampas ng bag?”
“Pano naman kasi pwede mo naman akong gisingin saka anong oras na uwuian na…”
“Kasalanan mo yan natulog ka pa kasi ng sobrang tagal.”
“Edi ang ibig sabihi niyan cutting tayo sa 4 na subject?”
“Hindi actually absent tayo, pinakuha ko yung bag natin, kaya ang labas nag halfday tayo”
“Haay mababaliw ako sayo.”
“Siya nga pala sorry.”
“Para san?”
“May pinalala yata ako sayong masakit kaya ka naiyak.”
“Ah.. yun wala yun saka nangyari rin na naman sayo yun kaya naiintindihan mo naman ako”
“Ah.. oo tama ka nga naiintindihan kita.”
Sabay na kaming umuwi. Ayaw ko nang malala yung araw na yun.
Kinabukasan…
Recess namin kaya naman andto kami sa canteen st sobrang daming tao halos di ko na Makita si Alli.
Habang hinahanap ko si Alli, nabangga ako ng mga nagtatakbuhang Elem sa daan buti nalang at nalalayan ako ni pards.
Hinila niya ako ng konti palapit sa kanya at bumulong…
“Uy Ezra punta ka mamaya sa gym may sasabihin ako sayo.”
“Eh? Anu yun?”
“Basta wag na matanong.”
“Opo, ay teka what taym?”
“Uwian wag ka muna sumabay sa kanila, ikaw lang wag kang magsasama ng kahit sino.”
“Owkie”
RING!!!
Tumunog na ang bell at nagsibalikan na kami sa room at nagsidatingan narin ang mga teachers. Dumaan ang araw at sa wakas uwian na rin.
Papunta na ako ngayon sa gymnasium, hindi muna ako sumabay kila Jennylyn saka pinauna ko na si allisson.
“Brad! Where na you?”
“Andito ako”
“San?”
BLAM!!!
Biglang sumara yung pinto kaya naman medyo madilim yung loob ng gym.
“Ay anak ka ng tinapa! Anu ba--”
Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla nalang akong hinawakan ni pards sa magkabilang balikat saka ako isinandal sa pader.
“Brad! Anong jowk to?”
“Ano bang meron sayo?”
Okie… ano bang nangyayari sa nilalang na to at parang sobra namang seryoso?
“Eh? Parang mali yata tayo ng dialog, dapat ako nagsasabi niyan hindi ikaw”
“Hindi ako nagbibiro, anong meron sayo? Bakit?”
“Eh?”
“Bakit hindi ka manlang nagkagusto sakin, babae ka ba talagang tunay?”
~~PAK!!!~~
Medyo kinakabahan na ako sa tono ng boses niya kaya naman medyo nilighten up ko yung atmosphere. Kaya naman sa pagsapok ko napaupo siya sa sakit.
“Aray! Bakit mo ako sinapok?”
“Ano bang nangyayari sayo ako dapat ang nagtatanong niyan.”
“Bakit ni hindi ka manlang kinilig kahit konti o nainis manlang sa mga ginagawa ko?”
“Ha? Teka ano ba naguguluhan na ko sayo. Wag mo sabihin na may gusto ka sakin”
Bigla siyang tumayo tas sinapok din ako, aba lokong to… >.<
~~PAK!!!~~
“Aray! Bakit gayagaya ka ng pagsapok?”, napaupo din ako sa sapok niya, peste bigat ng kamay niya
“Wala akong gusto sayo nagtry kasi ako ng mga test sayo na kadalasang nagtatagumpay pero wa epek sayo.”
“Anu ba yun?”
Nilahad niya yung kamay niya para tulungan akong makatayo.
“Congrats ikaw ang first and official na babaeng kaibigan ko, magbunyi ka.”
Honestly wala akong maintindihan sa kahit anong pinagsasabi ng nilalang na to..
“Hindi ko man maintindihan yang sinasabi mo sakin pero… Masaya ako bilang first na babaeng nagging friend mo”
“Sinabi ko bang babae ang ibig ko sabihin lalaki”
“Che! Edi ang ibig sabihin wala kang nagging friend?!”
“Jowk, hindi ka kasi mukhang babae sakin mas mukha kang lalaki :)”
“Che! Ewan ko sayo bao!”
“E ikaw naman kapal kilay”
Buseet! Asarin ba naman ako ng kapal kilay mamatay ka na wag ka na mabuhay, di jowk lang ^_^
“Namu! Lagot ka sakin pag nahuli kita”
“Kung kaya mo”
Nang matapos yung habulan naming umiwi na kami para makapagpahinga.
Grabe kapagod ang araw na to, pero ayos lang atleast bumalik na si Renzcel sa pagiging masiyahin di tulad nun gloomy siya, at parating may iniisip.
Saka medyo bumait na ang trato niya sakin, at hindi lang yun madalas na siyang sumasama samin ni Alli kaya naman medyo kaclose na naming siya.
Sana mag tuloy tuloy na yung ganyang ugali niya.
Pag uwi ko ng bahay may nakita akong note sa pinto namin.
From: mama n’ papa
Nak ikaw muna bahala dito ilang araw din kaming wala kaya lagi mong I lock yung pinto magpapadala nalang kami ng pera sa atm mo kaya tipirin mo wag ka magbubulakbol habang wala kami.
Ayos wala akong kasama sa bahay lonely… huhuhu T_T
>>END OF CHAPTER<<