[!!!] THIS IS THE UNEDITED VERSION
[ G o o g l e ]
Hi, Google. Bakit ganyan screen name mo?
Bitch ka ba? Kasi maganda ako.
Ate google~ maganda ka daw sa personal sabi ng classmate ko?!
Bby, I ain't google.
'Yan lang naman ang mga makikita mo sa ask.fm account niya. Putangina, nangu-ulol ba siya? Oo, kaya 'wag mo na basahin 'to!
Magta-type na sana siya ng panibagong sagot para sa tanong na "Bakit ka maganda?" nang makarinig siya ng sigaw mula sa labas ng kwarto niya at ang mabilis na pagbukas ng pinto. Agad niyang sinarado ang tab ng ask.fm sa Opera na browser niya.
Nagtataka ka ba kung bakit hindi Google Chrome ang gamit niya? Eh putangina naiinsulto siya eh! Eh kasi tangina 'yung mga magulang niya pinangalanan siya ng--
"Hoy Google! Shit ka ah, kanina pa kita tinatawag 'tas naka-tutok ka pa rin dyan sa computer mo!!" napa-pikit na lang siya. De puta, napaka-spoiler nitong pinsan niya sa pangalan niya eh! Andun na eh! Sasabihin na siya kaso ang bakaw talaga ng pinsan niya!
'Yan si Angelo. O sandali, baka iniisip niyong lalaki 'yang putangina na 'yan ah? Kasi hindi. Isang bading 'yan, shit lang. Napaka-bading nyang babaeng 'yan. O teka nga ulit, sandali. Naguguluhan ka na ba? Pasensya ka na talaga, ang totoo kasi nyan tinatang-ina ka niya. Babae si Angelo pero kilos bading. At oo, puta, Angelo ang pangalan niya dahil trip siya ng mga magulang nung pinanganak siya.
Aba'y sandali bakit niya ba pinapakilala 'yang lecheng pinsan niya na 'yan sa inyo? Tangina ni Angelo nauna pang magpakilala kesa sa bida. Nice move ka, futa. isip niya.
"Hoy, Go-og-le! Dedmahan ganon?!" at nagdadaldal pa ang pinsan niya. Puta, ganun ba talaga 'pag bading?! Ka-daldalan, sarap salpakan ng scotch tape sa bunganga!
Ayun nga... Unfortunately, Google ang pangalan niya. Oh puta, ano, tatawa ka?! Seryoso siya! Hindi niya lang screen name 'yang Google kasi pangalan niya talaga 'yan! Oo, trip din siya ng mga magulang niya nung baby siya at putangina Google Pleigh ang pinangalan sa kanya! Ang lakas lang mang-asar ng mga magulang niya 'no?! Sinong matino ang magulang ang magpa-pangalan sa anak nila ng ganun?! At obviously, hindi matino ang mga magulang niya!!
O diba? Minolestya ang pangalan nilang dalawang mag-pinsan. Kaya in some way, nagkakaintindihan din sila minsan.
At ang totoo... shet, 'wag ulit kayong tatawa pero Mozilla ang pangalan ng tatay niya at Chrome naman ang sa nanay niya! Pamilya ng mga de puta! Shit, shit. Pero syempre Jongdae lang! Tangina, hindi pa uso ang ganung pangalan sa henerasyon ng mga magulang niya nun 'no! Lucky parents, ugh.
But-- on the brighter side... recently, she's loving her name! Ngayon lang kasi niya narealize na it suits her! Oh diba, one conceited bish? Matalino kasi 'yang si Google. Too smart. Pero hindi siya top student sa school niya. Tamad kasing mag-aral 'yang si Google kaya hindi niya napapakita ang katalinuhan niya.
"Tangina, ano ba 'yang ginagawa mo, ha?!" naramdaman niyang papalapit sa kanya ang pinsan na si Angelo kaya agad siyang pumindot ng new tab at matic na napunta ito sa google.com. Buwaka-ng-ina. 'Yang website na naman na 'yan. insekyuradang isip ni Google.
BINABASA MO ANG
Hi, I'm Google.
Comédie"Believe me, you don't want to challenge me." -Google Pleigh {discontinued}