b. Christmas Eve with... [1 of 2]

6.8K 143 45
                                    

Ie-edit ko bukas. Alam kong ang gulo nito. lalo na sa spacing. Kaya, bukas na lang. Nagmamadali kasi ako ngayon eh.


Cliffhanger. Certified cliffhanger ako kaya part one muna. Nagmamadali nga ako.


Sorry. Hindi dapat ako nagso-sorry pero... yeah, sorry. Hindi ko muna kasi maipopost yung chapter 6. Nasira yung tablet ko at yung natype kong UD para dito ay hindi na-save. Kaya nawalan ako ng gana magsulat. Don't worry, nasa utak ko pa din naman. Nakaka-stress lang.

Sorry din kung ang creepy ng POV ni Sage dito. Sorry sorry. hindi niyo alam kung paanong pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi malagyan ng mura 'tong Special chapter na 'to. </3


Merry Christmas! God bless you all.


--x


[ S a g e ]

"Stranger! Simbahan ang pupuntahan natin, hindi party! Get your lazy ass down here!!" Pft. Utol ko yan. Ampupu naman 'to. Palibhasa kasi kaninang hapon pa siya nag-ayos at kakatapos niya lang! Guluhin ko buhok niya eh.


Ginulo ko yung buhok ko. Na naman. Putragis kasi eh! Nagawa ko na yung style ng buhok na gusto ko kanina tapos nung uulitin ko, hindi ko na magawa! Nyeta.


Pagka-gulo ko ng buhok ko, sinuklay ko ito gamit ang kamay ko. Ang gulo ko 'no. Normal lang 'to. La eh. Lalaki kasi ako. At hindi umaalis ang isang lalaki hangga't hindi maayos ang buhok niya. Pero yun yung gagawin ko ngayon dahil bwisit, tinataranta ako ng ulupong na kapatid ko!


Bumaba na ako at aambahan sana si Pump ng suntok kaso dahil mahal na mahal ako ni mama, syempre piningot na kaagad niya yung tenga ko. Tsk. Hirap pag bunso, pota. Yae na. Pogi ako.


"Ano'ng ritwal ba yang ginawa mo sa kwarto mo at napaka-tagal mong bumaba, ha?" nanggigil na sabi ni mama.

Umaray ako, "Oh sorry na-- ahh!" sanay na sanay na ako sa pag pingot ni mama pero bakit hindi nawawala yung sakit?! Anak ng.


Pagka-bitaw na pagkaa-bitaw ni mama sa tenga ko, hinimas ko ito. Shit, ang init.

"Christmas na Christmas, inaalipusta niyo 'ko? Lalayas na 'ko dito!!" Kagaya nga ng sinabi ko, Christmas ngayon. Kaya kunwaring drama muna.


"At saan ka pupunta? Sa magpinsan?!" si utol.

Pagkarinig ko ng salitang 'magpinsan', ikaw agad naisip ko. Sus. Ikaw na sadista? Kay Angelo pwede pa. Semi bespren ko yun kaya okay lang. Eh ikaw? Takte. Tatadyakan mo lang ako palabas ng bahay niyo eh!


"Baket? Sasama ka? Kras mo lang si Pleigh eh." asar ko. Oo, may gusto yan kay Google! Tapos may syota siya. Kalandian ng kapatid ko.

"Dadaldal pa? Dun na sa kotse!"


"Yes ma."


**


Nang nakarating kami sa simbahan, ang daming tao. Tapos hindi ko pa alam kung saan kami dinadala ni mama kasi mukhang may hinahanap pa siya. Si Pump naman, ayun. Naghahanap ng chix. Kawawa naman 'tong kapatid ko. Siya pa naghahanap sa mga chix, samantalang ako....

Ako yung yung hinahanap.

hashtag Sage problems.

"Bads!!" rinig kong sigaw ni mama. Ano ba naman 'to si mama. Ang ingay ingay na nga, dadagdag pa.


Nilingon ko kung sino yung tinawag ni mama at nagulat ako nang nakita kita. Kasama mo si Angelo pati yung mga magulang niyo.


Oh, Google? Himala. Matapos ng ilang araw... nagkita na naman tayo. At sa tapat ng simbahan pa ah.


Medyo mabait ka rin pala.


Nagbeso yung mga magulang nating tatlo tapos nauna na papasok ng simbahan.


"Hi, Google!" bati sa'yo ni Pump. Tinignan mo siya tsaka tinanguan.


"Hoy." Bati ko sa'yo pero ang sama mo dahil tinignan mo lang ako.


Sandali nga. taragis. Wala akong maisip na sasabihin sa'yo! Kaya ito na lang...


Niliitan ko yung mata ko. "Sigurado ka bang, papasok ka?" nakatingin ka pa rin sa'kin. Alam mo. Kung hindi lang kita kilala baka iisipin kong ina-eyefvck mo na 'ko. Kaso hindi eh. That's not your style.


"Baka kasi," tumigil ako at lumapit sa'yo hanggang sa magkatapat na tayo. Nginitian kita. "Baka kasi masunog ka...?"

Narinig ko yung tawa ni Angelo. Sira talaga yun oh. Ayan tuloy. Natawa na din ako!

"Tang--" huminga ka ng malalim. Magmumura ka ba sa harap ng simbahan, Pleigh?

"Ano ka ba, papa-unahin naman kita eh. Pag nasunog ka, ibig sabihin, masusunog din ako." Sagot mo. Tss. Bakit ba palagi kang may counter-bara, ha?! Wala ngang cuss sa sinabi mo pero naasar mo na naman ako! Bwisit ka, Pleigh.

"Gagi. Excempted ako." kinotongan kita pero mahina lang. Nahagip mo yung kamay ko at hinigpitan mo yung hawak mo. Chansing ka!! Hahaha.

"Ang racist mo. Pag sobrang sama, excempted na? 'Nu ba yun." binitawan mo yung kamay ko tsaka nauna na maglakad. Siraulo ka ah?!

Natapos na yung misa ng matiwasay? Matiwasay nga ba? bukod kasi sa pinagalitan na tayo ng mommy mo at ni mama dahil sa ang daldal nating dalawa, naki-epal pa si Flynn! Yung tropa ko. Na nanliligaw sa'yo.


"Google dali, may pick up line ulit ako!" rinig kong sabi ni Flynn sa'yo. Ka-cornyhan talaga nutong kupal na 'to!

Nakangising tinignan kita at nakita kong hinihilot mo yung sintido mo. "Oh ano. Bilisan mo, habang napipigilan ko pa yung sarili ko" sa pagmumura.


Hindi ako makapaniwala sa'yo, Pleigh. Buong gabi, wala akong narinig na mura sa'yo. Halatang pigil na pigil ka eh. Kahit na ilang beses mo na akong muntik na murahin, pinigilan mo pa rin. I'm proud of you, Pleigh! Medyo normal ka na!!

"Si Google ka ba?" sabi ni Flynn sa'yo.

Siguraduhin mong bebenta yan, Flynn ah. Pag corny yan, tamo.


Kukunin ko si Google sa'yo.


--x

Hi, I'm Google.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon