One
::June 4, 20xx; Wednesday::
{Astin's POV}
"Kuya! Alis na po ako!" Sigaw ko habang pababa ako ng hagdanan. Male-late na kasi ako. 6.30 na pero nandito pa ako sa bahay. Ba't ba kasi nakalimutan kong i-set yung alarm clock ko?! Hay!
"Hindi ka ba muna kakain princess? Hindi ka pa nag-almusal. Susumpong na naman yang hyperacidity mo, sige ka." Astin Hina ang pangalan ko, pero princess ang tawag sa akin ni kuya kasi daw ako ang prinsesa ng pamilya. Naks! Sa totoo lang, si Papa talaga pasimuno nun, baby-ing baby kasi ako noon sa kanya, daddy's girl ako e. Haay. Namiss ko tuloy si Papa.
"E kasi male-late na ako kuya. Mahirap pa naman ang sasakyan pag ganitong oras." Dumiretso ako sa kusina. Alam kong nagluluto siya sa mga oras na 'to. Nasa ibang bansa kasi si Mama. Kelangan kumayod e. Simula kasi nung mawala si Papa, nahirapan na si Mama sa pagtataguyod sa amin.
Nga pala, tatlo kaming magkakapatid at bunso ako. Si Kuya Hanz, short for Liam Hanz, ang panganay sa amin kaso madalas 'yong wala sa bahay. Kung wala sa trabaho, may lakad. Madalang ko na nga lang siyang makita e. Kung maka-gimik naman kasi siya parang end of the world na. Sumunod sa kanya si Kuya Vern, short for Janvern Hue, home bound, kung wala sa eskwela, nasa bahay. Ganun lang siya, kaya madalas kami ang laging magkausap. Siya ang madalas na nakatutok sa gawaing-bahay. Hindi kasi ako maasahan pag dating sa bahay e. Palpak kasi pag ako e. Isa pa, hindi talaga ako marunong sa gawaing bahay, promise!
"O baunin mo na lang 'tong sandwich na ginawa ko." Iniabot niya sa'kin yung sandwich na nakabalot ng tissue at plastic.
"Thanks kuya! The best ka talaga!" Hinalikan ko siya sa pisngi saka na tumakbo palabas, kelangan ko na talagang magmadali.
"Ingat ka princess!" Narinig kong sabi ni kuya bago ako nakalabas ng tuluyan sa bahay.
Grabe! Kung di ka ba naman mamalasin! Umuulan pa! Paano pa ako makakasakay ng taxi neto? Usually kasi naglalakad lang ako papuntang school. Twenty-five minutes lang naman kasi ang layo, pero sa mga oras na 'to, kelangan kong mag-taxi dahil kung hindi, patay na ako sa teacher ko sa Math! First subject kasi namin ang Math, at kung hindi nga naman talaga ako mamalasin, e terror pa yung teacher na yun! Akalain niyo, first day ng classes, nagpa-recitation at quiz siya? At recorded pa ha? Hay! Mukhang mahihirapan ako sa taon na 'to. Kung kelan last na oh!
Maka-upo na nga muna dun sa waiting shed! Dami ko pa naman dalang gamit ngayon. Kaka-cover ko lang kasi ng mga books ko kagabi. Third day of school na pero kagabi ko lang nai-cover 'tong mga libro ko. Kahapon pa lang kasi ako nakabili, medyo gipit kasi e. Kakabayad lang kasi ng matrikula ni kuya. College na kaya medyo mahal, tourism management pa naman kinuha ni kuya. Gaya ko, hilig din kasi niya ang mag-travel.
Karating ko sa shed, may isang lalaking nakaupo din doon. Nakayuko siya at naka-hood. Medyo weirdo, kasi naka-all black siya, mula sa jacket with hood na suot niya, sa pants, at hanggang sa leather shoes niya. Tantsa ko, halos kasing edad ko lang ito.
"Hi!" Naisipan ko siyang batiin. Kelangan good vibes lang lagi para masaya. Nag-antay ako ng sagot, pero nga-nga. "Uhm, ano kasi, may dumaan na bang jeep, tricycle, o di kaya taxi?" Pero wala pa rin akong nakuhang sagot. Hindi naman siguro siya bingi di ba?
"Uy!" Sinilip ko siya, natatakpan kasi ng hood niya ang mukha niya. Baka hindi niya lang ako narinig kasi medyo maingay ang yero ng waiting shed dahil sa ulan, i-dagdag mo pa yung ingay ng mga sasakyang dumadaan.
Itinaas niya ng kaunti ang ulo niya at tumingin sa direksiyon ko. Akala ko sasagutin na niya yung tanong ko pero.. "Just shut up." Saka niya isinuot ang earphones niya na kanina pa nakasabit sa batok niya. Hala! Anyare? May ginawa ba ako?
BINABASA MO ANG
I'm Loving a Riven Hearted Man [On-hold]
Teen FictionI loved him. No. The truth is, I still do. And even if it causes me so much pain and disappointment, I can’t stop doing so. A captive is all that I have become – chained and locked up in this dilemma, this fact that I’m loving a riven hearted man. S...