CHAPTER 29

31.5K 1K 14
                                    


Danger

Ayanah Pov.

Wala akong lakas na pumasok. Alam kong kailangan kong pumasok ngunit hindi ko magawang igalaw ang katawan ko.

"Ayanah"I just smiled to lie dahil alam kong nararamdaman niya naman ang lungkot ko.

"I'm fine Lie" pagaasure ko sa kaniyang okay lang ako. She just nodded her head but I know nagaalala pa din siya. When everything is ready ay lumabas na ako sa dorm ko.

Ang dami kong nakakasalubong na studyante ngunit hindi ko na sila pinansin pa. Tahimik akong pumasok sa cafeteria para kumain nang bigla kong narinig ang boses ni Sheena

"Ayanah!" Tinignan ko kung nasan siya at halos mas lalo lamang akong nawalan nang gana nang makita kong magkatabi si Hance at si Headmistress Jessica.

Ngumiti nalamang ako nang bahagya kay Sheena at nag order na ako ng makakain ko. After I got my meal ay lumapit na ako sa kanila. Napansin kong bakante sa gilid ni Hance but I didn't sit there.

Umupo ako sa tabi ni Sheena. "Na late ka yata?. Okay kana ba?" Agarang tanong niya.

"Inaantok pa kasi si Lie kaya nalate ako"pagdadahilinan ko nalamang.

After we talk, ay tahimik lang akong kumakain. Napatingin ako kay Lily but she avoided my eyes. Ganon din ang ginawa nang iba.

Tahimik nalamang akong kumain dahil ayaw ko nang magsalita pa. Mabilis lamang akong natapos at tumayo na kaagad.

"You done?" Agarang tanong ni Sheena nang makatayo ako sabay bitbit ng tray

"Yup...mauna na ako sa room...bye" hindi ko na siya tinapos pang magsalita at umalis na kaagad.

When I got out sa cafeteria napahawak ako sa dibdib ko. Shit! Nakakaramdam na naman ako ng pananakit don.

Pinakalma ko na muna ang sarili ko bago pumasok. Nang makarating ako sa room ay meron na akong mangilan ngilang classmates na nakikita. I go to my chair and sit immediately.

I close my eyes at huminga nang malalim. Ayanah you should Knock on your senses.. alam kong meron silang hindi sinasabi sakin, kahit gusto kong tanongin kanina si Lily kung anong nangyayari bakit hindi nila ako pinapansin, pinigilan ko ang sarili ko.

I will just wait for them to tell me. Seguro naman hindi din magtatagal sila na mismo ang kakausap sa akin.

Napaubob nalamang ako sa desk ko at pinilit ang sariling wag na silang isipin. I need to clear my mind, ginigulo lamang nito ang nararamdaman ko.

"Ayanah..."

"Sorry Lie"

"It's okay...do you want to go for a walk. sasamahan kita"

"Later maybe..I need to attend to my class ilang araw na akong hindi nakakapasok"

"Ok.."napangiti nalamang ako sa isipan ko dahil sa paguusap namin ni Lie.

Napakunot ang noo ko nang meron akong naramdamang kakaiba. Napatingala ako at tumingin ng diretso sa pinto. Napansin kong hindi ito nararamdaman nang mga kaklase ko.

The Lost Powerful Goddess Of The Lost MertrinizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon