29. Si Kargador at ang kanyang Yaya

2.2K 82 4
                                    


Title: Si Kargador at ang kanyang Yaya

Pairing: KathNiel

Genre: Romance/Humor



"BAL," tawag ni Daniel sa kanyang binibini. "Bakit ang liit mo? Parang lumiit ka ng huli kitang makita?" 


Nilagay ni Daniel ang kanyang kamay sa ulo ni Kathryn at tinapik ito ng ilang ulit. Ngumuso si Kathryn. Kinuha niya ang kamay ng kanyang nobyo at pinagsuklip ang kanilang mga daliri para magkahawak na sila ng kamay. Tumingkayad ang dalaga at bumulong kay Daniel. "Ang bully mo."


Tumawa ng marahan ang binata at kinurot ang pisngi ni Kathryn. "Ang cute mo mainis bal." Tapos bumulong ito pabalik, "Wag kang ngumuso kung ayaw mong halikan kita dito sa airport."


Pinalo ni Kathryn si Daniel sa dibdib at tumatawang hinila ng binata ang dalawa palapit sa kanya. "Oh, wag ka ng magalit. Joke lang."


Umiwas ng tingin si Kathryn at ngumisi naman si Daniel ng makitang mamula-mula ang pisngi ng kasintahan. Ang cute, cute mo bal! Baka di ako makapagpigil! Wag kang ganyan... reklamo ni Daniel sa kanyang isipan. 


Maya-maya lang ay may kumalabit na sa kanila para makapagpapicture. Agad namang pinaunlakan ng dalawa ito at magkasabay na ngumiti sa camera. 






PAGKADATING sa airport ng Barcelona, kumunot ang noo ni Kathryn ng makitang nilalagay ni Daniel lahat ng maleta nila sa trolley nito. Hinawakan agad ni Kathryn ang kamay ni Daniel na nakalagay sa handle ng trolley. Nang maramdaman ni Daniel ang malambot na kamay ng  si nobya ay napatingin siya dito. "May problema ba bal? Are you tired? Pwede kang umangkas sa taas ng mga maleta natin."


Inirapan ni Kathryn si Daniel. Ngumisi si Daniel at tinapik ang pisngi ni Kathryn. "Joke lang bal. Ang sungit mo naman. Meron ka ba ngayon? Ibig sabihin ba nun, di ako makaka-score? Ang ganda pa naman ng Barcelona."


Itinaas ni Kathryn ang kamao at akmang susuntukin na si Daniel. Tumatawang kinuha ni Daniel ang kamay ng dalaga at masuyong hinalikan ito. "Joke lang, joke lang. Di ka naman mabiro oh. Okay, shut up na lang ako okay." Natawa si Daniel sa kanyang sinabi. Shut up na lang, lol. 


Binitawan na ulit ng binata ang kamay ni Kathryn at pinagpatuloy ang pagkakarga ng gamit ng dalaga sa sariling trolley. Nakita naman ni Kathryn na pinagpapawisan na ang kasintahan kaya kumuha siya ng panyo para punasan ang pawis nito. Ngumiti ang binata sa nobya. "Salamat bal."


Kumunot ang noo ni Kathryn. "Nahihirapan ka na ba, bal?"


"Nahihirapan saan?" tanong ni Daniel at nagsimula ng magtulak ng trolley. Sumunod naman si Kathryn sa nobyo. 


"Eh kasi lagi ikaw ang nagbubuhat ng gamit ko," kiming sagot ni Kathryn. "Pwede namang ako ang magdala ng kalahati. Baka kasi sabihin nanaman nila na ano... ka..." 


Tumigil si Daniel sa pagtutulak at tumingin sa dalaga. "Na ano ako?"


Umiwas ng tingin si Kathryn. Hinawakan ni Daniel ang baba ng dalaga at iniharap ito sa kanya. "Tinatanong kita Kathryn."


Nagalit ko ata siya!!!! nagpapanic na sabi ni Kathryn sa kanyang utak. Tumingin siya sa binata at sinalubong niya ang nagtatanong nitong mga mata. "Eh kasi sabi nila sa twitter, kargador ka daw! Ayaw ko namang masabihan ka nun. Baka sabihin nila inaalipin kita."


Tumaas ang kilay ni Daniel at nang mapagtanto ang sinabi ng kasintahan ay natawa siya. Humawak siya sa handle ng trolley at tumawa ng malakas. 


"Bakit mo ako pinagtatawanan?!" sigaw ni Kathryn. "Seryoso ako dito."


Hinawakan ni Daniel ang tiyan at mas lumakas ang tawa. "T-Teka, b-bal... B-Bigyan m-mo muna... Hahahahaha. Ako ng  time para maka-recover sa sinabi mo. Hahahahaha."


"Isa Daniel, kapag di ka tumigil diyan isang buong araw kang walang kiss," pagbabanta ng dalaga. Agad namang tumahimik si Daniel at ginawa ang lahat para tumigil sa pagtawa. Pinunasan niya ang kaunting luha na lumabas mula sa kanyang mata dahil sa pagtawa. Hinawakan niya ang braso ng nobya at iginiya ito papalapit sa kanya. Marahan niya itong niyakap at binigyan ng halik sa noo bago yakapin ulit na parang nanggigil na.


"Naku bal, nagpapaniwala ka sa nababasa mo. Alam mo naman sila, gagawin nila ang lahat para magkasira tayo. Ang dami-dami na nating pinagdaanang dalawa, pakiramdam ko wala ng makakasakit pa sa akin maliban sa'yo."


Kumalas ang dalaga sa yakap ng binata at ginawaran ang huli ng sapak sa dibdib. Ngumisi si Daniel ng makita nanaman niya ang namumulang mukha ng kasintahan. Kinikilig nanaman ang bal ko. Nananakit nanaman eh... nakangising turan ni Daniel sa kanyang isipan. 


Tumingala si Kathryn sa kanyang nobyo. "Hoy, hindi ako kinikilig hah. Hindi talaga. Alam ko ang tumatakbo sa isipin mo Daniel John Ford." 


Itinaas ni Daniel ang kanyang kamay bilang pagsuko. "Wala naman akong sinasabi eh."


"Pero alam ko yang tingin mo na yan na nang-aasar. Hindi ako kinikilig sabi. Hmmmp, basta, magbubuhat pa rin ako kahit isang maleta lang," sabi ni Kathryn at kumuha ng isa sa trolley ni Daniel. Halos hindi niya mabuhat ang isang maleta kaya tumatawang tinulungan pa siya ng binata.


"Sa nipis ng katawang mo yan, akala mo kaya mong buhatin pababa ang isang maleta? Ako nga halos mabali ang likod ko kakabuhat niyan. Ginto kasi talaga ang dinadala mo sa mga lakad natin bal," pang-aalaska ni Daniel. 


"Ewan ko sa'yo, bully," sabi ni Kathryn at nagsimula ng maglakad kasama ang isang maleta. 


"Teka bal, antayin mo ako. Baka sabihin nila pinagbubuhat kita ng gamit at masabihan ka pang yaya, mahirap na," wika ni Daniel at hinabol si Kathryn. 


Humarap si Kathryn sa binata ng nakasimangot. "Not funny, bal."


Ngumisi si Daniel. Ang cute-cute mo talaga Kathryn. Ang sarap mong gawing keychain at itago sa puso este sa bulsa ko. Ayaw kong may makakita sa'yong iba! Akin ka lang eh.




Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon