Kanina pa ako nakatitig sa sinulat ko dito sa diary ko.
Ang diary na binigay ng doktor ko. Ang sabi niya saakin kaya niya ibinigay ito ay para may mabuhusan ako ng sama ng loob.
Paulit ulit kong binabasa ang nakasulat dito.
July 17, 2018
Dear Diary,
Lagi nalang akong nakakaramdam ng lungkot at galit sa puso ko. Hindi ko maramdaman ang pagmamahal ng iba. Everyone except Tita Alona.
Buti nalang at nandito siya para alagaan ako simula noong nawala ng bigla biglaan ang mga magulang ko. 3 years old palang ako noon, ewan ko ba kung bakit nagawa nila akong iwan.
Noong 10 years old na ako ay sinubukan ko silang hanapin kasi may nagsabi saamin ng Tita ko na nakita sila ng isang matandang at sinabing magkasama sila sa isang bahay na mukhang abandonado na. Pero nung pumunta kami doon ay bigla akong humagulgol. Wala kaming naratnan. Tanging ang mga gamit lang nila ang naratnan namin at wala nang iba. Bumisita ako dun sa abandonadong bahay araw araw ngunit wala sila. Wala. Nilalayuan ba nila ako? Bakit?
Iisa lang ang naging kaibigan ko simula noong tumuntong ako ng high school. At iyon ay si Gail. She's my best friend till now. She treats me like I'm her very own sister.
When I turned 16 nagkaproblema ako sa puso. We visited a doctor and she said that it was Hypertrophic Cardiomyopathy (HCM). Pwede ko daw ikamatay yun. Funny right? I've always wanted to die. But I have a reason to live, dapat akong maging matatag para kina Gail at Tita Alona.
My disease was the reason why I stopped going to school. But that didn't stopped me from learning, naghire si Tita ng tutor ko dito sa bahay.
I hated every pain I felt in my chest. It was too painfull, I wanted to die. Trust me. Ayaw mo rin maramdaman ito. Pain killers weren't always effective. Tita Alona and Gail were always by my side. I love them so much.
At kahapon. The very same day my doctor gave me this diary. She said that I only have 4 months to live. 151 days.
Hindi ko na matanggal yung mga mata ko sa sinulat ko.
Doctor Elissa was right. Writing in this diary will make me a lot better.
Nagsimulang lumuha ang mga mata ko. Hindi parin ako makapaniwalang mawawala ako dito in four months. Pano na niyan sila Tita Alona at si Gail? Siguradong masasaktan sila ng sobra sobra kapag nawala na ako.
What will happen in 151 days? I don't know why, but I'm so scared.
Sana maging worth it yung 151 days ko na natitira.
BINABASA MO ANG
151 Days
Teen FictionSi Patricia Mae Evangelista. Mahina. Malungkot. At ngayon, nakataning na rin ang buhay niya. Kaya pa kaya niyang magmahal kahit kakaonti nalang ang araw niya?