Day 4: Awkward Dinner

62 27 23
                                    

Bigla kong naalala yung nangyari sakin kagabi.

Ang sakit ng mga mata ko. 11:42 na yata ako nakatulog kagabi eh. Tapos ang aga kong nagising kaninang umaga. Para akong may sariling alarm clock sa utak ko. Jusko!

3:24 p.m.

Tinutulungan ko muna si Tita na maghanda para sa dinner mamaya. Parang ang special naman ng dinner na to ba't kailangan maghanda ng ganito?

"Tita ano pa po yung kailangan kong gawin?" sabi ko. Nagluluto siya ng pasta.

"Umupo ka muna.Madami ka nang natulong ngayon." Ayan nanaman siya. Ayaw nanaman niya akong mapagod. :(( Pero sige na nga, medyo napagod rin ako eh.

Mamayang 5 siguro pupunta na dito si Gail para kumain. Ewan ko lang kung kasama niya yung boyfriend niyang kalog.

Paupo palang sana ako sa sala nang naalala ko na baka pumunta si Nathan dito mamaya. Baka lang. BAKA! Hindi naman masamang umasa minsan.  HEHE!

Pumunta agad ako sa kwarto ko. Naamoy ko pa yung masarap na pasta ni Tita.

Binuksan ko yung closet ko para maghalukat ng mga damit.

Ano magandang isuot ngayon?

Magd'dress ba ako?

Kailangan bang magara yung suot ko? Oo naman! Nakakahiya sa mga bisita! -.-" Nababaliw na yata ako at kinakausap ko na yung sarili ko.

Kung magshorts nalang kaya ako? HINDI! BAKA ISIPIN NI NATHAN NA MALANDI KA!!!

Hala napapano ako? I don't care what Nathan thinks about me..... slight lang. :3

"I guess magd'dress nalang ako." Kinuha ko yung black ko na dress. Simple lang siya.

Tinignan ko yung oras at nagulat ako na magaalas kwatro na! Ang bilis ha?! GANON BA AKO KATAGAL NA NAGHAHANAP NG MAGANDANG DAMIT NA MASUSUOT?!

I HAVE NO TIME TO WASTE!

Agad akong naghilamos at lahat lahat. Tapos na rin atang nagluto si Tita at magbibihis na.

Nagbihis na rin ako tapos naglagay ako ng konting make-up. Sinuot ko na rin yung sandals kong black na bagay naman sa suot kong damit.

Bumaba ako nung narinig ko yung doorbell.

Mukhang hindi pa yata tapos magbihis si Tita Alona, hindi pa lumalabas ng kwarto eh.

Binuksan ko yung pinto at sinalubong ako nila Alex tsaka Gail.

"Patricia! Gutom na kami!" sabi ni Alex sakin habang hinahawakan yung tiyan niya. Ginaya naman ito ni Gail. Tinignan ko yung likod nila, wala si Nathan.

"Hindi mo ba inimbita yung pinsan mo?" tanong ko kay Gail na ngumiti naman.

"Ah bakit? Miss mo na siya agad?" siniko ko siya. Naramdaman ko yung init ng mukha ko. UGGHH! BWISIT KA GAIL!

"Ayiie! Namumula si Patriciang biik!" sigaw ni Alex.

"Tumahimik ka nga! Para kang taong kalalabas lang sa mental hospital." Hinila ko sila papasok ng bahay.

"Ayan kasi Babes Alex." Sabi naman ni Gail kay Alex habang kinukurot yung pisngi.

"Ang cute mo!!!!" sabi niya kay Alex. Bagay nga sila ni Alex. -.-" Parehong galing mental.

"Kaaga niyo pala ngayon. 4:36 palang ah." Sabi ko sakanila. "Oo naman!" sabi ni Alex. Umupo muna kami sa sala at nagusap-usap. At may times na nagpipicture picture sila Alex at Gail sa isa't isa.

151 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon