Day 5: Bipolar

49 18 15
                                    




Nagising ako at nakita kong nasa hospital room ako. Ba't ako nandito? Anong nangyari?

Nilibot ako yung paningin ko pero hindi ko nakikita si Tita pero may tao. Natutulog siya sa upuan sa tabi ng higaan ko. Ang amo ng mukha niya.

Napaupo ako para pagmasdan pa siya pero unti unti niyang iminulat yung mga mata niya at nakita niya ako na nakatingin sakanya. Nahihiya na ako!

Agad ko namang ibinaling yung tingin ko sakanya. >.<


"Patrcia gising ka na pala." Nag-ayos siya ng upo.

"N-Nathan. Ba't nandito ka?" bakit wala kasi si Tita ngayon? HUHU!

"Ah eh kasi..." hindi ko narinig yung sinabi niya.

"Ano?" tanong ko.

"Tinawagan kasi ng Tita mo si Gail kaso naiwan niya yung phone niya saakin kaya ako nalang yung dumating." Oo nga pala. Inatake nanaman ako.

"Wala kasing magbabantay sayo ngayon kasi aalis daw si Tita mo for a business trip sa La Union." Hay! Tita naman eh! Lagi mo akong iniiwan! Hmp! Tampo ako. Joke! Naiintindihan ko naman siya.

"Sige pwede ka ng umalis." Sabi ko sakanya pero hindi parin siya tumatayo sa kinauupuan niya. Problema nitong lalaking to?

"Ayoko." Nung sinabi niya yun eh parang tumigil na tumibok yung puso ko. WAA! Patay na ba ako?!

"Eh kasi walang magbabantay sayo. Sila Gail may pasok kaya ako munang mag-aasikaso sayo ngayon." Sabi niya. Ay concerned si Nathan? HAHA! AYOKO MAGASSUME! Wala lang talagang magbabantay sakin kaya nandito siya okay?

"May nurse naman. Umalis ka na." nagsad face naman bigla si Nathan.

"Oo alam kong kakakilala lang natin. Pero kaibigan mo naman ako diba? Tas ngayon tinataboy mo na ako." Sabi niya sabay pout. Ang cute niya kapag nagp'pout siya.

"Sige na! oo na! Bantayan mo na ako! Basta matutulog na ako bahala ka sa buhay mo." Humiga ako sa kama at nagkunwaring natutulog.

"Best actress goes to Patricia Mae Evangelista!" inabot niya yung mansanas saakin na parang yun yung napalanunan ko sa pagiging "best actress" kaya kinuha ko nalang at tsaka kumagat.

"Kakagising mo lang kasi tas maututlog ka uli. Tamad mo ha!" ay?! Grabe siya oh!

Umupo naman siya at pinagmamasdan ako habang kinakain yung mansanas. Weird niya. Crush niya ba ako? >.< kaya nung natapos ko nang kainin to' ay agad ko namang binato yung mansanas sakanya.

"Oh yan tapon mo! Para naman may silbi ka dito." Tumawa lang siya pero sinunod niya ako.

Maya maya ay naging seryoso nanaman yung mukha niya.

"Wala na ba talagang masakit sayo?" tanong niya. Ang weird niya talaga. Kanina para siyang bata kung makaasta ngayon parang lalamunin niya na ako ng buhay.

"Wala naman." Yun nalang nasabi ko sakanya. Tapos ngumiti siya bigla. EH?! Bakit ang bipolar nitong lalaking to?

"Ah sige. Gusto mo bang manood ng tv? Teka lang ha sindi ko." Nakangiti parin siya hanggang ngayon. Ang gulo niya.

"Nathan pwede paki abot yung phone ko? Thanks!" inabot niya sakin yung phone tas nakita ko andaming messages galing kila Ate Kaycee, Gail, pati narin kay Alex.


'Miss na kita Pat!' - Gail


'Get well soon Patricia! Nakaligtas ka sa quiz mo sa Calculus.' – Ate Kaycee. Wow ha? Yung quiz pa talaga yung naalala. >.<


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

151 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon