Bumangon ako sa kama ko. I hope I can start being positive today. Smile. Smile. Smile.
May pumasok naman sa kwarto ko ng biglaan. Napaupo ako sa kama.
"AY SMILE!" nasabi ko nalang bigla. Nung tinignan ko kung sinong pumasok, si Tita Alona lang pala. I always see her sweet smile every single day. Sayang wala siyang asawa't mga anak.
"Namiss mo agad yung smile kong laging bumubulagta sayo?" masaya niyang sinabi. Agad agad siyang lumapit saakin at niyakap ako.
"Tita..." I can feel her breathing on my neck. "Please just let me hug you for a little longer." My smile turned into a frown when I heard her say that.
Bumitaw na siya sa yakap at pinunasan ang mga luha niya at ngumiti ulit.
"Tita, mabubuhay naman ako eh. Kung sana madali lang makahanap ng heart transplant patient." Tumango nalang siya.
"Oh siya. Kumain na tayo at baka dumating na rin si Ms. Kaycee." Hala! Nakalimutan ko na Monday pala ngayon. Shemay!
Agad naman akong bumaba kasama ni Tita.
Kumain ako ng mabilisan at tinignan ko si Tita na tawang tawa sa kapanood sakin na kumain.
"Takaw mong biik!" sabay sabi niya. Pinanliitan ko siya ng mata pero tawang tawa parin siya.
"Tita! Pasalamat ka mahal kita!" patuloy parin ako kumakain. Masarap eh. Pancakes for breakfast!
Pagkatapos kong kumain ay madalian akong naligo. Narinig ko yung doorbell. Puchanes! Si Ate Kaycee na yan. Ate tawag ko sakanya kasi gusto niya, nakakabata daw.
Nagbihis ako sa banyo at nabasa pa ng kaunti yung t-shirt nasuot suot ko.
Pagkalabas ko ng banyo ay pumunta ako sa living room at naabutan ko siyang nakaupo na nagbabasa ng libro. Ganon na ba talaga ako katagal na naligo?
"Hi Ate Kaycee! Goodmorning!" napatayo naman siya saakin.
"Goodmorning Patricia!" pumunta siya sa kinaroroonan ko.
"Magsuklay ka." Bulong niya, at sabay abot ng suklay saakin. Oh Gee! I forgot to comb my hair! Hahaha! Nakakahiya naman eto.
"Good news Patty!" I raised my eyebrow as a sign of confusion.
"Bakit po?" tanong ko.
"Day off natin ngayon. Bukas nalang kita tuturuan sa Math and Science mo ha?" Ay thank you lord! Nahalata na yata niyang nahihirapan na ako these past few days. Hehe! Bait ni Ate Kaycee.
Nagsimula naman umiyak si Ate Kaycee. "Hala Ate! Bakit po kayo umiiyak?" tanong ko sakanya. Nakayuko siya at patuloy paring umiiyak.
"Bakit hindi mo man lang sinabi ng maaga saakin?" Iyak parin siya ng iyak.
"Please magpakatatag ka. I treated you like my very own sister at pati na rin anak. Wag kang mawawala saakin. Nawalan na ako ng anak na babae 5 years ago, ayokong iwan mo rin ako." Niyakap naman niya ako ng mahigpit. I can feel her tears. Nababasa na yung T-shirt ko sa mga luha niya.
I hugged her back and smiled.
Siya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpapakatatag ako ngayon.
"Ate..... I'll always be by your side. Always." Napahigpit yung yakap niya saakin. She's like a mother to me. Suway ng suway kapag may ginagawa akong ikapapahamak ko. Prinoprotektahan ako kung natatakot ako. Nandito rin siya at inaalagaan ako kung may inaasikaso sa trabaho si Tita Alona sa ibang lugar.
BINABASA MO ANG
151 Days
Teen FictionSi Patricia Mae Evangelista. Mahina. Malungkot. At ngayon, nakataning na rin ang buhay niya. Kaya pa kaya niyang magmahal kahit kakaonti nalang ang araw niya?