Day 3: Cupid Lead Me To My Destiny

85 29 27
                                    

Maaga akong nagising ngayon. Di ko na mauulit yung nagawa ko kahapon, nauna si Ate Kaycee sa sala. Huhu! Ano to? Racing?

Bumaba ako sa dining room nakita kong nakaupo si Tita Alona umiinom ng kape.

"Hey there Burger Patty!" bati niya saakin. Haha! Hanudaw? Ako? Burger Patty? Pfffft! HAHAHA!

"Tawa ka diyan sige!" sabi niya.

"Tita naman eh! Umagang umaga may paburger-burger patty ka pa!" umupo ako sa tabi niya. May nakahain nan a pagkain. YEY BACON! Bacon my loves I'm gonna eat ya! Tapos may kasamang veggies sa gilid.

"Ay Tita pupunta po ako sa Café mamayang 5. Susunduin po ako ni Gail." Sabi ko. Papayagan naman niya ako kahit hindi ako magpaalam eh. Pero magpapadala siya ng gamot sakin siyempre. Hay buhay. Gamot dito. Gamot doon. Gamot everywhere!!!!

"Sure. Basta magingat ka ha? Ang remember to drink yo-" I cut her off.

"Yes I know. Hindi ko naman po makakalimutang uminom ng gamot." Pinagpatuloy ko nalang kumain. Ang sharap eh. HUHU! BACON MY LOVES! DADALHIN KITA SA LANGIT PAG NAWALA NA AKO!

Pagkatapos kong kumain ininom ko na yung gamot ko. Arghh! Nailuwa ko pa yung tubig na iniinom ko. Pano ba naman kasi pinagsabay ko yung lima kong gamot. Ayan tuloy hahaha! Sakit sa lalamunan ha.

--

Ilang oras na nagtuturo si Ate Kaycee ng math dito. Huhu! Gusto niyo po ba akong mamatay dito? My precious nose is bleeding!

May time pa na sobrang inantok ako sa tinuro niya sa Science at nakatulog ako sa kinauupuan ko, ayan tuloy pinitik ako sa tenga. Mashakit po iyon huhuhu! >.<

Pero hindi dahil nakatulog ako ibig sabihin tamad ako ha? Masipag ako! Yung topic naman kasi.. nakakaboring. Sa science tinuturo niya about sa circulatory system. Ate naman eh. Inexplain na rin sakin yan ng doktor ko. No need to discuss it again.

"Okay! I'm done with Math!" sabay hampas ng ruler sa whiteboard. Nakakagulat to! >.<

Nagstart kami kaninang 10 tapos tinignan ko yung orasan. 3:32 na. Siyempre naglunch na kami. Katulad ng sced ko sa school noon 12 o'clock din yung lunch ko.

Umupo siya sa tabi ng upuan ko.

"Gusto mo magdiscuss ako ng konti sa Greek myth?" OMG! I love greek myth! Nabasa ko lang nga dun yung kwento ni Zeus. At yung about sa city of troy. I also know Hermes the messenger and his story.

"Ate kwento mo po yung story ni Cupid!" Nanlaki yung mga mata niya. Bakit? Ako lang ba yung hindi nakakaalam sa story niya? "Hindi mo pa alam yun?" she teased. Pinanliitan ko nalang siya ng mata.

"Ok fine I'll start." Umupo siya ng maayos sa tabi ko at nagsimula nang magkwento.

"Galing si Psyche sa isang royal family. Tatlo silang magkakapatid and Psyche is the youngest and most beautiful, may mga rumors pa nga na baka siya na daw yung susunod sa goddess of beauty na si Venus." tumigil siya at nakaupo lang ako nakikinig sa mga sasabihin niya. "At hindi naman nagustuhan ni Venus yung balitang iyon, kasi para sakanya siya lang ang pinakamaganda. At doon niya tinawag ang anak niyang si Cupid na nakikilala bilang God of Love, at inutusan ito na idugdog ang kapalaran ni Psyche sa isang halimaw. Pero nung gagawin na niya yung misyon niya ay natamaan niya yung sarili niya at na inlove siya kay Psyche." napainom siya ng tubig. Ganon ba nakakapagod magstory telling? >.<

"Tuloy ko pa ba o naboboring ka na?" tanong niya. "TULOY PO!" sagot ko naman.

"Nakapagasawa na ang dalawang kapatid ni Psyche at naghahanap parin si Psyche ng dapat niyang mamahalin. Ayun yung oras na kinunsulta ng mga magulang niya ang oracle ni Apollo, at doon nila nalaman na hindi tao ang makakatuluyan ni Psyche kundi isang halimaw na kinakatakutan ng lahat." nangilabot ako dun sa parteng yun. *___*

151 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon