Chapter.3

13 7 0
                                    

Shianna POV

Umakyat muna ako sa dating kwarto na tinituluyan ko dito sa bahay ni tito Steven.Kaka tapos lang rin naman mag luto, mag aayos lang ako nang konti para naman presentable akong tignan, puro rin kasi sauce at tapsik nang mantika ang damit ko.

Simpleng Jeans at plain black V-neck shirt lang ang sinuot ko, at bumaba na.

Napa tigil naman ako sa pag lalakad nang makita ko ang mga familiar na tao na naka talikod ngayon sa direksiyon ko.Napa harap naman sila sakin.

Ngumiti naman si Riley sakin at patakbong lumapit sakin."Na miss kita sis."Naka ngiting sabi niya sabay yakap sakin.

Bumitaw naman siya nang yakap sakin."Marami akong dala para sayo.Marami rin akong ikwe-kwento."Naka ngiting sabi niya.

I roll my eyes at her at nilagpasan siya.Okay lang ba siya?Yayakapin niya ako na parang walang nang yari?Hindi naman ako tanga gaya niya.Bahagya ko siyang nilingon, naka yuko siya at naka simangot.

Nag salita naman si tito para mawala ang tensyon saming dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nag salita naman si tito para mawala ang tensyon saming dalawa."Kumain na tayo, alam ko naman na kanina pa kayo hindi kumain sa byahe."

Nagulat naman kaming lahat nang makita namin ang kapatid ni Ethan na nilalantakan yung fried chicken na niluto ko para kay Riley.Wala na yung spicy revenge ko para sakanya.

"Red bakit nauna ka na kumain?Hindi 'ka man lang nag pa-alam samin." Irritated na sabi ni Ethan sa kapatid niya na si Red.

"I'm really hungry, sorry guys.Who cook this chicken?" Patuloy pa rin sa pag kaing sabi nito samin.

"Ako." Naka simangot na sagot ko.Sayang talaga, kung si Riley sana kumain niyan edi sana pulang pula na ang labi niya.

"It taste really good, you are a good cooker.Not like Riley, she don't even know how to cook." Naka ngising sabi niya habang naka tingin kay Riley.Nag kibit balikat na lang ako sa sinabi niya, habang si Riley naman inirapan siya at sinimangutan.

Umupo naman kami sa sari-sarili naming upuan, tumabi naman sakin si Jarrel at sa right side ko naman si Riley na katabi naman si Ethan.

Tahimik lang akong kuma-kain habang si Riley walang tigil sa kaka-kwento kung ano daw ang naging buhay niya sa California.

Kinalabit naman ako ni Jarrel kaya napa-lingon ako sakanya."Shian pupunta pa rin ba tayo sa park mamaya?"Naka ngiting sabi ni Jarrel sakin.Parang na guilty tuloy ako, simula kanina hindi ko pa siya gaanong kina-kausap, pero mabait pa rin siya sakin.

Ngumiti naman ako sakanya at tumango.Napa titig naman siya sakin.Problema niya?

"Shian nginitian mo ako?" Mahinang napa tawa naman ako, shocked kasi yung mukha niya.Tumango naman ako sakanya.

"Ayiee, friends na kami." Mahinang siko naman ang natanggap ko sakanya.Ngumiti naman ako at nag kibit balikat.Jarrel is not bad after all, at saka magaan yung loob ko sakanya.

Napa tigil naman kami sa pag uusap ni Jarrel nang biglang mag salita sa gilid ko si Riley.

"Ang sweet niyo naman, are you into relationship with him sis?" Naka ngiting sabi ni Riley habang naka-tingin samin.

"It's not your concern anymore.Excuse me, tapos na ako kumain." Tumayo na ako at lumabas nang kusina.Umakyat ako sa terrace at dumungaw sa ibaba.

Nag iinit talaga ang ulo ko pag nakikita ko siya, hinding hindi ko makaka-limutan lahat nang ginawa niya sakin.Naka move on na ako pero na masakit pa rin sakin.Hindi ako na sasaktan dahil sa mga nagawa nila.Nasasaktan ako kasi kapatid ko siya, pinag katiwalaan ko siya.Siya pa, siya na kapatid ko kaya akong lokohin at traydorin.

They says that blood is thicker than water.Pero kahit pamilya, o kapatid mo kaya kang lokohin.Buti pa nga yung hindi mo 'ka ano-ano pwede mo pang pag katiwalaan.

"Can we talk Shian?" Hindi ko na kailangan pang hulaan kung kanino boses yon dahil kilalang-kilala ko na kung kanino yon.

"We're already talking." Harsh na kung harsh pero hindi niyo naman ako masisi.

"Shian alam ko naman na galit ka pa rin hanggang ngayon eh.Nararamdaman ko yon.Pero matagal na kaming tapos, matagal ko nang tinapos ang meron kami, para sayo."Umiiyak na sabi ni Riley sakin, tinignan ko siya nang masama, dahil sakin?Dapat una palang ginawa niya na yon.

"Oo tinapos mo yung sainyo, pero huli na ang lahat.Pano mo nagawa sakin yon?Pinag katiwalaan kita!Ganyan ka ba kadesperada?" Galit na sigaw ko sakanya.Wala akong ginawang masama sakanila, pano nila nagawa sakin yon?

Hinawakan naman niya ang kamay ko."Alam kong mali yung ginawa ko, pero matagal na yon.Alam kong nasaktan kita, kaya nga ako lumayo sayo.Patawarin mo ako." Hinila ko ang kamay ko sa pag kaka-hawak niya, at nilagpasan ko siya at bahagyang lumingon.

"Yes i moved on but it doesn't mean that i can forget." Iniwan ko siya doong naka tayo at bumaba na, uuwi na lang ako sa bahay.Ayoko muna siyang makita.

Lumapit ako kay tito at nag paalam.

"Tito aalis na po ako.Maraming salamat po sa pagkain."

"Ako nga ang dapat mag pasalamat sayo Anna, pinilit pa kitang pumunta dito para tumulong kahit alam ko namang hindi pa kayo okay nang kapatid mo."

"Wala po yon tito.Pasensya na po kanina."Yumakap naman ako kay tito.Miss na miss ko na sila mama at papa, pag nakikita ko si tito si papa agad ang na aalala ko.

Kumalas ako nang yakap kay tito at nag paalam ulit.lumapit naman ako kay Jarrel para yayain na siya umalis.

" Jarrel tara na."

"Aalis na tayo?Okay 'ka lang ba?" Pilit naman akong ngumiti at tumango.Sa kotse kami ni Jarrel sumakay kung saan rin kami sumakay kanina.

Tahimik lang kami sa byahe pero halata namang hindi mapa-kali si Jarrel dahil kanina pa siya tingin nang tingin sakin.

"Kung may itatanong ka sabihin mo na.Para kang baliw sa ginagawa mo." Mahinang napatawa naman ako at tumingin sakanya.

"Ayoko namang magalit ka, at saka wala naman ako sa posisyon para mag tanong sayo."

Alam ko naman kung anong tinutukoy niya.Sa dalawang taon wala pa akong pinag sasabihan kahit isa.Ayoko kasing mas lalo pang lumala ang sitwasyon.Pero mapapag katiwalaan ko naman siguro si Jarrel.







When Love Take Its Place(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon