Chapter.5

15 7 0
                                    

Shianna POV

Kanina pa ako dito sa locker room nang café dahil masama talaga ang pakiramdam ko.Kung pwede lang talagang umuwi na ginawa ko na.Hindi naman ako sakiting tao, bihira lang ako mag kasakit, pero ang masama lang ngayon pa ako tinamaan nang trangkaso, kung kahapon sana naka-pag pahinga pa sana ako.

"Shianna ikaw naman don mag serve,kakain na ako nang lunch." Sabi nang ka trabaho ko na si Cheska.Tumango naman ako at walang imik na lumabas sa locker room.

Kinuha ko na sa cashier yung dalawang order na Cake at caramel frappe at isang tea.Pero isang malakas na ingay ang narinig ko dahil na out of balance ako kaya natapon lahat nang hawak ko.

Dali-dali ko namang pinulot lahat nang nabasag at pumunta agad ako sa kusina, hindi pa ako nakaka labas nang kusina nang hilain nang manager namin ang balikat ko.

"Shianna!Alam mo ba kung mag kano yon?Ang tanga naman kasi mag hawak.Pack your things, you are fired!" Tumango naman ako at humingi nang paumanhin,kasalan ko naman eh.Pumunta agad ako sa locker room.

"Pano na ako neto?" Mahinang bulong ko sa sarili ko.Kailangan sa susunod na araw maka hanap na agad ako nang bagong trabaho, pag hindi ako nakapag hanap siguradong wala akong maipapang bayad sa apartment, lumabas na ako nang café at nag lakad pauwi, pero hindi pa ako nakaka layo sa café nang may biglabg humawak sa balikat ko.

"Tulungan na kita." Kinuha ni Jarrel yung bag nahawak ko at sinuot niya sakin yung cap na suot niya."Okay ka lang ba?Dumudugo ang mga kamay mo.Natanggal ka ba sa trabaho?Sa sasakyan na nga tayo, may sakit ka kasi at pumasok ka pa sa trabaho."Hinila naman niya ako sa kotse niya at pinapasok sa loob.

"Pano mo nalaman na may sakit ako?" Naka pikit na sabi ko.

"Halata naman, ang putla mo at wala ka sa sarili.Papasok dapat ako sa café kanina kaso nga lang nakita kitang palabas,sabi naman nang guard baka raw natanggal ka sa trabaho."

"Mag papahinga muna ako bukas, masama talaga ang pakiramdam ko ngayon, sa susunod na araw na lang ako mag hahanap nang trabaho.Pasensya na naabala na naman ata kita, diba dapat pupunta ka sa cafe?"

"Pumunta lang naman ako don para sana mag hintay sa pag out mo sa trabaho, next time na lang ako babalik don para sa cake." Naka ngiting sabi niya.

Nang maka rating kami sa tapat nang apartment pinag buksan na lang ako nang pintuan ni Jarrel.

" Pasok ka muna Jarrel."

Sumunod naman siya sakin hanggang sa maka-pasok kami loob.

"May gusto ka bang inumin?" Walang ganang tanong ko sakanya.

"Wala, na saan dito ang first aid kit?" Tinuro ko naman sakanya yung Cabinet sa gilid nang T.V

Hinila naman niya ako paupo sa harap niya at binuksan yung first aid kit at ginamot ang sugat sa kamay ko.

"Mag ingat ka na kasi sa susunod.May alam akong pwede mong pag trabahuan pero sa susunod na araw ko na lang sasabihin sayo." Ngumiti naman siya sakin at nilagyan nang band aid ang mga sugat ko.

"Salamat Jarrel.Nga pala bagay sayo ang naka nerdy glasses." Mahinang sabi ko habang tumatawa.

Ngumiti naman siya sakin."Sabi ko na bagay eh.Gwapo na ba ako?Ayiee na gwa-gwapuhan siya sakin."Nang aasar na sabi niya, ngumiti naman ako.Ang hangin niya talaga.

"Pag bigyan na lang kita, ngayon lang no?Sige na gwapo ka pero ngayon lang." Naka ngiting sabi ko.Ang cute niya pag pinipigilan niya yung ngiti niya.

"Oo na po, sige na mag pahinga ka na.Dito lang ako sa baba promise." Ngumiti siya at tinaas pa ang kanang kamay.

"Sige, manood ka na lang nang T.V kung gusto mo."

Umakyat naman ako sa kwarto.Madali naman akong naka tulog dala na rin siguro nang trangkaso ko.

***

Jarrel POV

Ilang oras na rin akong na nonood nang T.V nang maisipan kong pag lutuan nang pag kain si Shian, kaso nga lang walang gaanong laman ang ref niya.Puro fresh milk.

Lumabas ako nang apartment, pupunta ako sa market para naman mag kalaman ang ref niya.Aanhin naman kasi niya ang napaka raming fresh milk?

Kumuha naman ako nang push cart at kumuha nang kung ano-ano para sakanya,kasama na ang mga Chips,Chocolate,Bread at fresh milk na favorite ata niya.

Hindi naman ako nag tagal sa market dahil baka magising siya at sermonan ako, kung bakit ko siya iniwan sa apartment mag isa

Nang maka rating ako sa apartment niya nilagay ko sa ref lahat nang pinamili ko at sa Cabinet.Gagawa na rin ako nang soup para sakanya.Hindi pa pala siya nakaka inom nang gamot.

***

Shianna POV

Nagising naman ako sa mahinang pag yugyog nang mga balikat ko, napa bangon naman ako nang makita ko si Jarrel na naka upo sa lapag at naka ngiti sakin.

"Kumain ka na hindi ka pa nakaka inom nang gamot, 3 na rin nang hapon."Naka ngiting sabi niya sakin.

" Ayoko pa kumain, busog pa ako."

"Pero kahit konti lang, sige na niluto ko kaya to para sayo.Masarap yan promise."Ngumiti naman siya at inabot sakin yung soup na ginawa niya.

" Kaya mo bang kumain mag isa?Susubuan na lang kita kung hindi mo kaya."Kukunin na sana niya yung kutsarang hawak ko nang pigilan ko siya.

"May lagnat lang ako, pero hindi ako baby at baldado para subuan, anong tingin mo sakin pilay?" Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko.

"Ang daming sinabi, pwede namang ayoko na lang."Ngumisi naman siya kaya inirapan ko siya.

Naka ilang kutsara lang ako dahil hindi ko talaga kayang ubusin yon dahil wala akong gana, at saka hindi ko naman nalalasahan.Uminom na rin ako nang gamot at umupo na lang sa kama.

"Hindi ka ba na ngangalay diyan?Kanina ka pa naka upo sa sahig.May upuan naman kasi."Kawawa naman kasi siya, baka na ngangalay na siya at grounded na ang mga paa.I mean na mamanhid ang mga paa.

"Hindi okay lang ako.Bakit nga pala ang dami mong fresh milk sa ref?"Naka kunot noong tanong niya.

"Para malakas ako, ang dami ko kayang gina-gawa at saka pag pagod ako."

"Chuckie ayaw mo?" Natawa naman ako sa sinabi niya kaya napa hampas ako sa balikat niya.

"Chocolate drink yon eh.Pero okay lang, umiinom rin.Hindi naman siguro yung sa movie yung tinutukoy mo diba?"Ngumiti naman siya at tumango.

" Salamat nga pala, dagdag mo na yan sa pogi tips mo.Maalaga ka check."Naka ngiting sabi ko sakanya sabay pat sa ulo niya.



When Love Take Its Place(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon