Chapter.7

19 6 0
                                    

Shianna POV

Tahimik lang akong naka upo sa bench dito sa park habang si Jarrel at Riley naman masayang nag uusap sa swing.Ilang araw na rin silang mag kasamang dalawa, ganon pa rin kami ni Jarrel sobrang close pa rin kami.Lagi nga lang siya niyaya ni Riley na sumama sakanya kaya wala na siyang nagagawa kung hindi sumama na lang.

"Kanina ka pa tahimik.Okay ka lang?" Sinabi ni Ethan at tumabi sakin sa bench.

"Oo naman, kailan ba ako naging madaldal?" Naka ngising sabi ko sakanya.

"Sabi ko nga." Natatawang sabi niya sakin "Saan ka nga pala naka tira?Ayaw mo bang bumalik na lang muna sa bahay nang tito mo?" Ngumiti naman ako at umuling.

"Maayos naman ako sa apartment, pero pag iisipan ko." Naka ngiting sabi ko kay Ethan na ngayon ang lapad na nang ngiti.

"You look creepy." Natatawang sabi ko sabay hampas sa balikat niya.Tumawa lang naman siya sa ginawa ko.

"Naalala mo ba nung mga bata 'pa tayo kapag nag lalaro tayong apat nila Katelyn ayaw nating sina-sali si Riley kasi iyakin siya." Tumawa naman ako at tumango.Ang magulang kasi nila Ethan kaibigan ni papa kaya lagi silang na saamin noon.

Riley P.O.V

Napa tigil naman ako sa pag kwe-kwento kay Jarrel nang napansin kong hindi na siya nag pa-pay attention, sinundan ko naman kung saan siya naka tingin, naka tingin siya kay Shian na naka ngiting nakikipag usap kay Ethan.Not again.

Napa hinga naman ako nang malalim at umiling na lang.

"Jarrel!"

Mukhang nagulat naman siya sa pag tawag ko sakanya kaya napa harap siya sakin.

"I'm sorry, ano kasi ulit yung sinasabi mo?" Naka ngiting tanong niya sakin.

"Matagal na ba kayong mag ka-kilala ni Shian?" Kumunot noo naman siya pero sinagot niya pa rin ang tanong ko.

"Hindi gaano.Pero pag kasama ko siya alam ko kung saan ako masaya, parehas making dalawa." Wala sa sariling sabi niya, umiling naman ako at sumimangot.

"Pano kayo naging close na dalawa?" Tumawa naman siya at napa baling ang tingin kay Shian.

"Dito rin sa park na to, nilapitan ko siya, mag isa lang kasi siya non, lagi ko na siya dati nakikita dito sa park lagi lang siyang mag isa." Mapait naman akong napa ngiti, kasalanan ko talaga lahat.

"Wag kang malungkot diyan, pa-pangit ka." Mapang asar na sabi ni Jarrel habang naka tingin sakin.

"Hindi mang yayari yan, maganda ako lagi malungkot man o masaya." Naka taas kilay kong sabi, habang siya patuloy lang sa pag tawa.

Sana naman hindi maging komplikado ang lahat.Ayoko na maulit ang nang yari noon.

Shian POV

Niyaya kami ngayon ni Riley na kumain sa bahay ni tito ngayong dinner pero tumanggi ako, gusto ko nang umuwi at mag pahinga, marami rin ako ginawa ngayong araw, at bukas pwede akong gumala dahil nag pa-alam ako kay tito na mag papahinga muna kahit isang araw lang.

Nag lalakad kaming pauwi ni Jarrel ngayon dahil mag ga-gabi na rin daw kaya sabi niya siya na lang mag hahatid sakin.

"Saan lakad natin bukas?" Naka ngiting sabi niya sabay akbay sakin.Nginitian ko naman siya.

"Hindi ko nga alam eh, pero naka pag paalam na ako kay tito.Saan ba maganda?" Hindi ko rin talaga alam, pero kung wala naman akong maisip na pupuntahan bukas mag papa hinga na lang ako buong mag hapon.

"Swimming tayo?Extend na lang natin yung bakasyon natin?Kahit one week lang." Tumawa naman ako, so gusto niyang iwan namin sila Riley?Cool.

"Baliw ka.Pero okay lang, at least walang Riley, walang maingay na tao sa city at relax." Tumawa ako at sinandal and braso ko sa balikat niya.

"Sunduin mo ko bukas nang umaga.Saan ba tayo?" Naisipan namin mag swimming pero wala pa naman kaming resort na naisip.

"Sa Batangas tayo, may resort kami don." Ngumiti naman ako at nag thumbs up sakanya, buti naman wala akong gagastusin.Lagi talaga akong libre pag kasama ko siya.

"Ako na lang mag papa-alam kay tito mamaya." Tumango naman ako at ngumiti.

"Wait nga, saan ka na pala naka tira ngayon?Malapit lang tinitirahan mo sa apartment ko no?Malakas ang kutob ko." Tumawa naman siya at inipit ang ilong ko.

"Ouch." Hinampas ko naman ang kamay niya at napa-pout.

"Pfft. malapit lang sa apartment mo.Mang huhula ka ba?" Inirapan ko naman siya, pag katapos niyang ipitin yung ilong ko.

Lumapit naman ako at pinisil ang dalawang pisnge niya, namula naman yon kaya mukha siyang nag blush sa itsura niya, napa tawa naman ako nang wala sa oras.

"Ang sakit non ah, grabe ka sakin." Nag pout naman siya sa harap ko, ang cute niya pag naka pout.Pero hindi ko yon sasabihin sakanya baka lumaki pa ang ulo at mamihasa.

Inakbayan ko naman siya at nginitian, para siyang batang nag mamaktol.

"Ang cute mo kasi." Kunwaring sabi ko sabay ngiti.

"Hindi nga?Oo syempre cute talaga ako." Pfft.Ang kapal nang mukha.

"Joke lang, hindi ka naman cute sa totoo lang." Ngumiti pa ako nang nakaka loko.

"Sinabi mo na, wala nang bawian." Nag tagisan naman kami nang tingin, aba ayaw talaga patalo neto.

"Sige na nga. Ang daya, dapat ba talaga pag babae lagi kaming nag papatalo?" Oo nga, unfair naman sakanila.

"Hindi naman, para sa mga weak lang yon.Bakit ka ba kasi nah patalo?" Tignan niyo naman kung saan-saan na pupunta ang usapan dahil sakanya.

"Wala, nakaka conscious kayang makipag titigan." Naka ngiting sabi niya.Ganon ba yon?Hindi naman ako na conscious?

"Bak-" Hindi ko pa nga natapos yung sasabihin ko nang mah salita siya.

"Hindi naman kasi nakaka conscious, pero pag duon ka sa taong may kasalan o may kakaibang turing sayo nakaka conscious talaga." Nag tama naman ang mga patingin namin at ako na mismo ang nag iwas nang tingin, nakaka conscious nga, naramdaman kong parang uminit ang pisnge ko kaya napa yuko na lang ako.Okay naman siguro diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Love Take Its Place(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon