Chapter.4

14 8 0
                                    

Shianna POV

Dumiretso na kaming dalawa ni Jarrel sa park, at umupo sa bench na lagi namin pinu-pwestuhan.

"Alam mo ba kung bakit ako lagi nan dito?"Nakangiting sabi ko habang naka tingin sa nga batang nag lalaro sa play ground nang park.Naka tingin lang siya sakin na para bang hinintay lang ako sa susunod kong sasabihin.

" Lagi kasi kaming nan dito nila mama at papa dati kasama si Riley."Kahit hindi ko naman tignan si Jarrel alam kong naka tingin siya sakin, at nakikinig.

"Kaso nga lang wala na sila ngayon, pero masaya na ako para sakanila, kahit mahirap tinanggap ko.Si Riley na lang ang natira sakin, pero kahit siya kaya rin pala akong saktan." Mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko.

"Galit ako kay Riley kasi akala ko kakampi ko siya, ang hindi ko pala alam siya ang tunay kong kaaway, hindi lang sa lahat nang bagay kung hindi pati rin sa iisang tao, yung isang taong mahal ko na mahal niya rin, wala akong nagawa pinakawalan ko siya kahit na ako ang nauna, para lang sa kapatid ko.Pero mali pala ako, hindi pala ako kapatid para sakanya.Ako pala yung kaagaw at kaaway niya sa lahat nang bagay.Pero selfish siya, pinipili niya ang mag papasaya sakanya, at hindi niya iniintindi ang mararamdaman nang iba, nang matanggap siya sa California sa trabaho na pinag apply-an niya, umalis siya agad at naki-pag hiwalay rin kay Tristan.

Hindi ko nga alam kung anong mararamdaman ko, tatawa ba o malulungkot.Tadhana ba itong nang yari samin?Pero kahit isang patak na luha walang lumalabas sa mga mata ko.Deserving lang na tao ang dapat na iniiyakan at hindi ang gaya nilang mga man loloko.Ngumiti naman ako, kung mag papadala lang ako sa emosyon ko walang mang yayari sakin, hindi naman ako gaya nang iba na pag naiwanan mag kukulong mag papaka lunod sa alak.Sabi nga nila kapag nag mahal ka, wag mong ibigay nang sobra.Mag tira ka sa sarili mo kahit 10% lang, para naman pag naiwan ka makaka tayo ka pa rin.

"Tara nga bili na tayong ice cream, libre mo ko no?Grabe gusto ko talaga nang sweets ngayon." Naka ngiting sabi ko at hinila patayo si Jarrel.Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko.

"Ang takaw mo, dapat ako naman ilibre mo eh, lagi na lang ako ang nang lilibre sayo." Nag pout pa siya sa harap ko at humawak sa braso ko, ngumiti naman ako at ginulo rin ang buhok niya at pinitik siya sa noo.

"Ouch!Ang daya dapag ako ang ilibre mo eh, pero sige na nga kawawa ka naman eh." Ngumiti naman siya at pinatong ang siko niya sa balikat ko.Aba walang hiya to porket matangkad.

"Bakit ang tangkad mo?"

Tumawa naman siya"Kasi matangkad ako."Napa irap na lang ako at sumunod sakanya sa pag lalakad.Lumapit kami sa tinderong lagi namin binibilhan nang ice cream.

"Manong dalawa po." Naka ngitong sabi ni Jarrel kay manong.

Ngumiti naman si manong samin."Suki ko na kayo dito, sa araw-araw kasi kayong bumibili rito."Ngumiti naman kami sa sinabi ni manong.

"Oo nga po manong." Naka ngiting sabi ni Jarrel."May matakaw po kasi dito!" Sabay naming sabi ni Jarrel sabay turo sa isat-isa.Bahagya namang tumawa si manong at binigay ang ice cream namin.

"Nako ang kulit niyong dalawa.Dahil suki ko naman na kayo, libre na ang ice cream niyo ngayon."Naka ngiting sabi ni manong samin.

" Wow salamat manong, high five po tayo manong."Pabirong sabi ko at nakipag high five kay manong.Tumawa naman si Jarrel at ginulo ang buhok ko.Nag paalam na kami kay manong at pumunta sa swing na malapit lang sa upuan namin kanina.

Inabot naman sakin ni Jarrel yung panyo niya, dahil makalat daw ako kumain nang ice cream.

"Alam mo yayaman ako sa panyo dahil sayo." Naka ngiting sabi ko sakanya habang kumakain.

"Pfft.Ang kalat mo kasi kumain, kaya lagi nang naka ready yan." Tumatawang sabi niya, eh siya nga ang bilis kumain eh.

"Ikaw naman mabilis kumain matakaw! Iduyan mo na nga lang ako, pero mahina lang no?" Tumayo naman siya at mahinang tinulak yung swing na inuupuan ko.

"Jarrel mag kwento ka naman sakin, ang dami mo nang alam sakin tapos ako wala akong alam tungkol sayo, ang tanging alam ko lang tungol sayo eh matakaw at madaldal ka." Tumawa ako at nilingon siya, naka simangot siya at naka tingin sakin

"Bakit matakaw at madaldal?Pwede namang gwapo at sobrang gwapo diba?" Nag pogi sign pa siya sakin sabay ngiti, tumawa naman ako at hinampas siya sa kamay.

"Ang yabang, pero alam mo mas attracted pa rin yung naka NERDY GLASS." Diniin ko talaga yung salitang nerdy glass, napa bungisngis naman ako habang naka-talikod sakanya.

Kunot noo naman siyang tumingin sakin"Talaga?Mas cool ba yon tignan?"

"Yup at saka ang gwapo nilang tignan." Kinagat ko naman yung taas na labi ko para mapigilan sa pag tawa.Ang epic kasi nang itsura niya parang hindi kapani-paniwala ang sinasabi ko which is totoo naman talaga.

Ngumiti naman siya at tumango."Sige na nga, dagdag na yan sa pogi tips ko."Tumawa naman siya kaya napatawa na rin ako.Ang hangin niya kasi grabe tina-tangay ako.

"Pogi tips?Bakit pogi ka ba?" Nag pout naman siya at tumango.

"Oo naman, halata naman diba?" Kumindat pa siya sakin, tinigan ko naman siya na para bang nan didiri ako.Tumawa naman siya sa reaction ko.

"Tignan mo sa kadal-daldalan mo kung saan-saan na napunta topic natin." Naka ngising sabi ko sa sakanya.

"Ikaw nga diyan madaldal eh." Tumawa pa siya"Sige na nga mag kwe-kwento na ako, sa bahay kasi kasama ko mga pinsan ko, wala kasi akong kapatid dalawang babae sila, yung isa si Ate Veronica at saka si Lhian naman yung isa."

"Saan mama at papa mo?"

"Nag vacation muna sila ngayon, puro work daw kasi." Naka ngiting kwento niya sakin.

"At ikaw?Anong ginagawa mo?

" Tumutulong sa business at saka photographer sa photo studio nang mga kaibigan ko."Cool, pero bakit parang hindi naman siya busy lagi?

"Marami ka naman palang gina-gawa eh, bakit lagi mong sina-sinasabi na walan ka namang gagawin?" Naka kunot noong tanong ko.

"Kasi mas gusto ko yung mga gina-gawa natin kapag kasama kita, parang mas gusto ko yung mag bantay sa shop nang tito mo, ang simple lang kasi at masaya.Nakikita kitang nag e-enjoy sa mga gina-gawa mo."

When Love Take Its Place(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon